Chapter 30

10 3 0
                                    

Airy's PoV

Napagdesisyonan kong pumunta sa isang Radio Station na malapit sa aming lugar para manawagan at nag baba-sakali lamang ako na baka sa paraang ito ay mahanap ko ang aking tunay na ama. Kahit hindi ko siya kilala ay siguro naman ay kilala niya 'ko bilang anak niya, siguro ay nakita na naman niya 'ko at hindi ako nawawalan ng pag-asa na mahanap siya.

Dahil sa haba ng pila sa Radio Station na ito ay panghuli pa 'ko, sana pala ay inagahan ko ang aking punta para mauna ako. At isa lang ang naiisip kong paraan para mauna sa pila. Siguro naman sa ganda kong ito ay papaunahin nila ako sa pila. Its budol time...

Akmang lalakad na 'ko ay may biglang humawak sa kamay ko at bigla niya akong hinila. At ganoon na lamang ang inis na aking naramdaman ng makita kong si Benzyl ito.

"Ano bang kailangan mo?!" Sigaw ko. Pinilit kong mag pumiglas sa kamay niya at nag tagumpay naman ako, nabawi ko ang mga kamay ko. Gosh, nahawakan ako ng anak ng demonyo. Pero naalala ko ang sinabi ni Vic na mabait daw ito, mukang hindi naman.

"Kailangan mong mahanap ang tunay mong ama, right?" Maarte n'yang wika. Bigla akong naging interesado sa mga sinasabi niya. Kilala nya ba ang tatay ko? Hindi ko alam kung pano niya nalaman ang tungkol sa tunay kong ama.

"Masasayang lang ang oras mo sa paghahanap sa isang masamang tao." Seryoso niyang wika. Hindi ko alam kung may katotohanan ba ang kan'yang mga sinasabi. Wala akong tiwala sa kan'ya kaya hindi ko siya papaniwalaan.

"Hindi s'ya gano'n." Depensa ko naman pagkatapos ay sinamaan ko siya ng tingin. Wala siyang karapatan para husgahan ito.

"Paano mo nasabi? Kilala mo ba siya? diba hindi naman? Come on, wake up. Iniwan ka na nga niya pinagtatanggol mo parin? Stupid." Mataray niyang sagot. Biglang kumirot ang puso ko dahil sa mga binibitawan niyang salita. Hindi ko kinakaya ang mga sinasabi niya.

"See? Ni hindi ka nga makaimik d'yan. Well, my point is kung mahal ka niya hindi ka niya iiwan but sad to say, iniwan ka nya and it means he doesn't love you." Paliwanag niya. Bigla na lamang ako napaisip kung minahal nga ba 'ko ng tunay kong ama? Tama siya, kung mahal ako ng tatay ko, hindi niya ako iiwan.

"Poor Airy, your dad is a bad person. Huwag mo na siyang hanapin pa, baka mag sisi ka lang kapag nakilala mo siya." Patuloy niya. Hindi na ako makaimik dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng boses. Bakit ba hindi ko man lang naisip ang bagay na 'yun? Hindi ko na para hanapin pa ang taong nang-iwan sa 'kin, ang mahalaga ay mayroon akong itinuturing na papa.

Na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako...

"Come on, use your mind. Ano na lang sa tingin mo ang mararamdaman ng tinuring mong tatay kapag nalaman niyang hinahanap mo ang tunay mong tatay? Iisipin niyang nagkulang siya." Para 'kong naliwanagan dahil sa mga sinabi niya. At tama siya, masasaktan ko siya kung malalaman niya ang patago kong paghahanap sa tunay kong ama.

"You're so silent. I gotta go. Remember what I've said, itatak mo yan sa utak mo!" Sigaw niya na may kasamang pag turo sa aking ulo. Siguro nga ay tama siya. Kaya't nararapat lamang na hindi ko na siya hanapin pa at kakalimutan ko na lamang ang tungkol sa kaniya dahil isa lang ang aking ama, at 'yun ay ang tumayong tatay sa akin. Wala ng iba....

Hindi ko na itinuloy ang balak kong hanapin siya dahil hindi na naman importanteng hanapin ko pa siya. Hindi niya ako mahal kaya iniwan niya ako..At yan ang itatak ko sa isip ko.

Hidden ThornsWhere stories live. Discover now