Chapter 13

13 6 0
                                    

Airy's PoV

It's saturday morning at wala akong balak bumangon, ugh nakakatamad.

Buti na lang at saturday ngayon, ayaw kong makita ang pag mumukha ni Ajax, ugh nakakadiri.

Tumunog ang phone ko kaya naman kinuha ko ito.

From: Shin

"Hindi ka sumipot, huh? Tsk. By the way, let's hang out with friends, namimiss ko na kayo."

Good idea, huh.

To: Shin

"Sure, text me na lang."

Pag kasend ko no'n ay bumangon na 'ko at nag ayos ng sarili pag katapos ay lumabas na 'ko sa kwarto.

"Oh, san lakad mo?" Tanong ni kuya pag kakita n'ya sa 'kin.

"Bonding lang, si mama?" Sagot ko naman sa kan'ya. Sana nand'yan si mama para makahingi ako ng pera haha! Naipanlibre ko kasi kay Vic kahapon.

"Wala, umalis." Sagot naman n'ya.

"Pano ako makakaalis nito? Wala akong pera." Sabi ko kay kuya, sana bigyan ako ni kuya huhu.

"Gusto mo umalis na laging may hawak na pera?" Bigla ay napangiti ako, mukang bibigyan ako ni kuya ah, hmmm.

"Syempre, oo!" Masayang sagot ko.

"Aba, edi mag konduktor ka." Sagot n'ya sabay tawa.

Letse!!

"Alam mo? Ang pangit mo, tsk! D'yan ka na nga!" Singhal ko sa kan'ya. Ayos ayos ng pakikipag usap ko tapos babanat s'ya? Ayos, tsk!,

Pumunta na 'ko sa bahay nila Shin ng lakad lamang. Pag karating ko ay nando'n narin si Stynx at Syn.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" Bungad sa 'kin ni Shin.

I was wondering, ano kaya pinag usapan nila kahapon?

"Lakad syempre walang pera." Sagot ko naman.

"Oh, really? Ang layo no'n, ah!" Sagot n'ya.

"You should tell me, atleast. I can pick you up." Napatingin ako kay Stynx ng mag salita s'ya.

Ang gulo talaga n'ya. Mag bibigay ng motibo pero hindi ka naman pala gusto.

"Nandito na 'ko, may magagawa ka pa ba?" Pabalang kong sagot.

"Oww, man hahah!" Napatingin ako kay Syn ng magsalita s'ya, bigla ay napatawa na lang ako nang maalala ko ang nangyari kahapon hahaha!

"Hahahaha"

"Wait, bakit ka natatawa?" Naguguluhang tanong ni Shin.

"Eh, kasi hahahah" 'di ko matuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko mapigilan ang pag tawa ko.

"Oh, common, say it." Sabi ni Stynx.

"Dahil hahahaha"

"She's crazy" komento ni Syn

Bago pa nila ko pag isipan ng kung ano ano ay kinuwento ko na sa kanila, at pati sila ay natawa rin.

"Ginawa mo 'yun? Really? Hahaha!" Natatawang sabi ni Shin.

"Dude, sana okay ka lang hahaha!" Sagot naman ni Stynx.

Lumipas ang oras at wala kaming ibang ginawa kundi mag kwentuhan ngunit hindi ko parin maiwasan na hindi masaktan dahil napapansin kong madalas silang nag titinginan at bigla na lamang silang mag ngingitian ng matamis.

Aalis na sana ko pero sinundan ako ni Stynx.

"Hey, hatid na kita." Offer n'ya kaya tumango na lamang ako. At sumakay na sa kotse n'ya.

"So, kamusta? Anong nangyari?" Tanong ko sa kan'ya, patungkol sa date nila kahapon.

"It was nice, thanks to you." Sagot n'ya.

Mapait akong napangiti, it's nice...

"Anong next na plano mo?" Tanong ko sa kan'ya pilit kong pinipigilan ang aking emosyon.

"Actually, wala pa. Pero update kita." Sagot n'ya.

"Okay." 'yun na lamang ang sinabi ko.

"Let's eat, nagugutom ako." Tumigil kami sa malapit na store at bumili ng foods. Syempre libre n'ya, wala naman akong pera.

Habang nabili s'ya ng pagkain ay nagpaiwan na 'ko sa table.

"Hey, ikaw na naman?" Nagulat ako ng makita ko si Vic.

"Oh, bakit? Nag reklamo ba 'ko ng makakita ko ng pangit?" Pabalang kong sagot sa kan'ya. Bigla kong naalala ang sitwasyon n'ya. Okay na kaya s'ya?

"Are you saying na pangit ako?" Tanong n'ya, bakas ang pag kainis sa tono ng boses n'ya.

"Wala akong sinasabe na pangit ka, ang problema lang nasabi ko na." Bigla s'yang natigilan haha!

"Tss, buti na nga lang walang bayad ang pagiging gwapo, e. Kung may bayad matagal na 'kong baon sa utang." Hindi ko inaasahan na sasabihin n'ya 'yun. Napakahangin talaga tsk tsk tsk.

"Ang tanong, gwapo ka ba?" Bawi ko naman hahaha. Wag ka kasing makikipag yabangan sa mas mayabang pa sa 'yo. Sabi ko na lamang sa isip ko.

"Hindi na tinatanong yan, Airy. Given na 'yun." Hayop talaga 'to sa kayabangan. Hindi nauubusan ng isasagot amp.

"Tss, umal-

"Hey, do you know each other?" Biglang singit ni Stynx. Nandito na pala s'ya.

"Yes/Oo." Sabay naming sagot ni Vic.

"I see, by the way, I'm Stynx Vermin and you are?"

"Jhonvic Gonzales, nice to meet you." Aba aba mukang mag kakasundo 'tong dalawa, ah.

"Come on, join us." Sabi ni Stynx. Tumango naman si Vic. Aba't ang ayos kausap ata nitong si Vic? Pag ako ang kausap e walang salitang maayos. Hmm.

Matapos namin kumain ay nauna nang umalis si Stynx may emergency daw kaya iniwan na n'ya 'ko, palagi naman. Kaya naiwan na lang kaming dalawa ni Vic.

"S'ya ba?" Napatingin ako kay Vic ng mag salita s'ya.

"Anong s'ya?" Naguguluhang tanong ko.

"Yung gusto mo? Na hindi ka gusto." Wala talagang tabas ang bibig nito.

"Oh, e ano naman sa'yo?" Sagot ko naman.

"Just saying."

"Alam mo ang mapait sa pag-ibig?" Tanong ko sa kan'ya.

"What?" Sagot n'ya habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.

"AMPALAyain s'ya" sagot ko.

"Ohh, i like it. Haha! But the question is, naging kayo ba?" Biglang sumama ang tingin ko sa kan'ya. Wala talagang 'kong aasahan dito sa lokong 'to, wala ng ibang ginawa kun'di barahin ako.

"Wala na bang magandang lalabas d'yan sa bibig mo?" Naiinis kong usal sa kan'ya.

"Maganda." Talagang pinipilosopo ako nito. Konti na lang mapipikon na 'ko dito. Bakit ba kasi pumayag akong mag paiwan dito ng kasama s'ya?

"Tsk." Singhal ko.

"Hanap ka nalang d'yan ng jowa or..." Pabitin n'yang usal.

Tsk, may paganon pang nalalaman!

"Or ano?" Sinagot ko na lang baka sakaling maganda ang sasabihin n'ya.

"Or mag lugaw ka na lang, may itlog din 'yun." Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya nang marealize ko kung anong gusto n'yang sabihin.

"Bastos!" Singhal ko sa kan'ya at tumawa naman s'ya ng tumawa.

"Hahahaha"

"But, seriously. You'll find someone. Or maybe you already found him."

~~~~

HAPPY READING!!❤️❤️❤️














Hidden ThornsWhere stories live. Discover now