[02] Bayan ng Galan

2.6K 246 5
                                    


Sa gitna ng kagubatan kung saan matatagpuan ang maliit na bayan ng Galan, abala ang mga tao sa kani kanilang mga gawain. Pangangaso ang pangunahing pinagkukunan nila ng makakain dahil napapalibutan ang kanilang bayan ng mga puno at ibat ibang klase ng halaman kung saan naninirahan ang mga halimaw.

Maaliwalas ang kapaligiran na kinatatayuan ng mga bahay na gawa sa kahoy at makikita sa paligid ang mga batang masasayang naglalaro.

Mayroong isang binatang nasa edad labinglima ang naglalakad patungo sa malapit na tindahan para bumili ng ilang kasangkapan sa lulutuing pagkain para sa tanghalian.

Mapapansin ang kakaibang kulay ng kaniyang puting buhok at asul na mata. Katamtaman lamang ang kaniyang tangkad sa kaniyang edad at maputing balat. Maliban sa kanyang itusura ay kilala rin siya sa pambihirang talinong kaniyang tinataglay kayat maraming kababaihan ang humahanga sa kanya.

Ang pangalan niya ay Kian Azures, kapatid ng isang malakas na hunter sa bayan ng Galan.

Nang mabili ang mga kakailanganin niyang kasangkapan, agad syang naglakad pauwi sa kanilang bahay at naabutan niya ang lalaking nasa edad tatlumpu na tinuturing niya bilang nakakatandang kapatid.

Si Ramon Azures na kaniyang itinuturing na kapatid ang kumupkop sa kaniya matapos mamatay ng kaniyang ina, simula palamang ay alam na niya ang katotohanan na hindi sila magkadugo ngunit nagpapasalamat parin siya dahil hindi siya nito pinabayaan. Si Ramon ay isa sa malalakas na hunter bayan ng Galan, wala na itong pamilya kayat nung matagpuan niya si Kian, itoy kaniyang itinuring bilang kapatid.

"Mabuti at dumating kana, tamang tama at kailangan ko na ang mga kasangkang binili mo Kian." saad ng kaniyang kapatid.

"Sige kuya Ramon, ihahanda ko na rin ang pingan at mga kubyertos" saad naman niya sa kaniyang kapatid at inihanda na rin ang maliit na lamesa.

Hindi nagtagal at tapos na ring lutuin ang pagkain kaya sila'y nagsimula ng kumain. Sa simula'y hindi na muna sila nag papansinan dahil sa abala sila sa kanilang kinakain. Nang matapos sila ay agad na binasag ni Ramon ang katahimikan at tinanong ang kaniyang kapatid.

"Tapos ka nang magaral sa munting paaralan sa bayang ito at nakakuha ka ng mga parangal at prebelehiyo, ano na ang plano mo lalo na at mag lalabing anim kana sa susunod na lingo?" Tanong ni Ramon sa kaniyang nakababatang kapatid.

"May roong nagbigay sa akin ng imbitasyon na magaral sa matataas na lungsod upang maging magaling na wizard o alchemist pero wala ito sa aking plano. "sagot niya sa nakatatandang kapatid.

"Pero malaki iyong oportunidad lalo na sa taglay mong talino, maaari kang maging magaling na wizard o alchemist sa hinaharap. " pagtutol ni Ramon sa disisyon ni Kian.

"Marami na kayong naitulong sa akin at siguro ay panahon na para kayo naman ang aking pagsilbihan. Kagaya niyo, nais ko ring maging isang magaling na Hunter para samahan kayo sa inyong pakikipagsapalaran." aniya.

"Kung ito ang iyong disisyon, kinakailangan mo nang mag simulang magsanay. Ito ang tatandaan mo, masyadong mahirap at mapanganib ang maging isang hunter. "payo niya sa kapatid.

Natapos na ang kanilang usapan at umalis na rin si Ramon para simulan ang trabaho nito bilang isang hunter kaya naiwan si Kian sa kanilang bahay.

Agad na ginawa ni Kian ang kaniyang mga obligasyon sa kanilang bahay, matapos nito, napagpasyahan niyang lumabas at libutin ang bayan ng Galan.

Habang naglalakad sa maliit na bayan, nagiisip na siya kung paano magsasanay para makapasa sa gaganaping hunter exam sa susunod na buwan. Upang makapasok sa hunter exam, kinakailangan niya ng katibayan na nakapagtapos siya sa pagaaral sa kanilang bayan.

Mga simpleng kaalaman lamang ang matututunan sa paaralan sa bayan ng Galan. Mula walong taong gulang hangang labing limang taong gulang, magaaral ang mga bata sa kanilang bayan. Pag nakapagtapos ka na, maaari mong ipagpatuloy ang pagaaral sa ibang lungsod para maging isang wizard o alchemist bagamat maaari karing maging hunter.

Upang maging ganap na hunter, kinakailangan lamang magkaroon ng hunter badge upang magkaroon ng karapatan na sumabak sa mga misyon. Makukuha lamang ang hunter badge kung makakapasa ka sa hunter exam.

Pinag patuloy niya ang kaniyang paglalakad hangang sa mapunta siya sa palenke ng bayan. Kinuha niya ang kaniyang pera sa kaniyang bulsa at nakita niya ang sampong tansong salapi mula dito. Nalungkot siya dahil kakaunti na lamang ang kaniyang pera kayat napagpasyahan na lamang niya ang tumingin tingin sa palenke.

Mayroon siyang nadaanang nagtitinda ng ibat ibang klase ng karne ng common beast. Karamihan dito ay mga isda, baboy at baka.

Balak niya sanang bumili para sa kanilang pagkain mamaya kaya lumapit siya sa tindahan.

"Magkano po ang kilo ng baboy ngayon mang Iko? " magalang na tanong niya sa tindero.

"Ikaw pala iyan Kian, walong tansong salapi nalang para sa iyo." agad namang napangiwi si Kian matapos malaman ang presyo nito.

Napansin naman ito ni mang Iko, "Magandang klase ang baboy na ito dahil karne ito ng black tailed pig kaya't may kamahalan ang presyo nito pero huwag kang mag alala, masarap ang karne nito." pagkukumbinsi sa kaniya ng matanda.

Wala namang nagawa ang binata kaya bumili na siya ng isang kilo, sapat na ito para sa kanila ni Ramon.

Naglakad pa ng ilang sandali si Kian at nakasalubong niya ang kaniyang kababata na si Lino Novis.

"Kamusta kaibigan, hindi kita nakikita nitong nakalipas na mga araw?" bati niya sa kaniyang kaibigan.

"Masyado akong naging abala sa pag sasanay nitong nakalipas na araw para sa nalalapit na hunter exam." sagot naman ng kaniyang kababata.

"Nagsisimula ka na palang magsanay, bakit hindi mo ako sinabihan." Tila ba nagtatampong saad ni niya dito.

"Bakit? Gusto mo ring maging Hunter? akala ko mag aaral ka sa pagiging wizard o alchemist lalo na at napakatalentado mo." nagtatakang turan ni Lino.

"Wala sa plano ko ang maging wizard o alchemist, simula palang, pangarap ko ng maglakbay at isa pa pinangako natin sa isat isa na maglalakbay tayo ng magkasama, hindi ba?" Sagot niya kay Lino.

"Pero sayang ang oportunidad na ibinigay sayo kung babaliwalain mulang ito." aniya.

"Pangarap ko ang maglakbay kaya magiging magaling na hunter ako sa hinaharap." saad ni Kian.

"Kung ganon, sumama ka na sa aking magsanay sa mga susunod na araw." pag anyaya ng kaibigan sa kaniya

"Sige." simpleng saad niya.

Matapos magusap ng magkaibigan, nagpasya na silang umuwi sa kani kanilang tirahan.

Papalubog narin ang araw ng makabalik si Kian sa kanilang bahay, wala pa si Ramon kaya napagpasyahan niya na siya na lamang ang magluluto ng kanilang makakain. Habang siya ay abala sa pagluluto ng karneng kaniyang binili, dumating na si Ramon galing sa trabaho.

Matapos mag luto ay agad na silang kumain. Pagkatapos ay nag usap pa sila ng ilang bagay kagaya ng nalalapit niyang kaarawan at hunter exam.

"Wala akong masyadong trabaho sa umaga kaya maghanda ka bukas dahil sisimulan na natin ang iyong pagsasanay." saad ni Ramon.

Napangiti naman si Kian dahil sinusuportahan siya ng kaniyang kapatid. Mas mapapadali ang kanilang pagsasanay kasama ang kaniyang kababatang si lino.

"Kung ganon, maaga akong matutulog upang ireserba ang aking lakas bukas." aniya.

Matapos nilang mag usap, nagpaalam na si Kian na matulog dahil maraming mangyayari kinabukasan.

Para kay Kian, ito ang magiging kaniyang unang hakbang para maging magaling na Hunter sa hinaharap.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon