[33] Ang Hinirang

969 141 5
                                    


Madilim sa parteng ito ng lumang templo. Tanging isang maliit na tanglaw sa gitna ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Malawak rin ang espasyo sa loob at nagkalat ang mga sirasirang bagay sa kapaligiran.

Sa kasalukuyan ay kaharap nila ang isang Taong Lobo. Higit na napakalaki nito at napakahaba ng nagtatalimang mga kuko ng halimaw.

"Hindi ito pangkaraniwang epic beast." Mahinang saad ni Selya habang sinusubukang kontrolin ang mga nagkalat na tipak ng bato patungo sa halimaw. Sa kasamaang palad ay madali lamang nitong natatangal ang mga batong pilit na tinatabunan siya.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Rex sa bata habang sinusubukang makalapit sa halimaw para magbitaw ng atake.

"Maaaring madali nang makatapak ang halimaw na ito sa pagiging ancient beast. Kahit ang isang S rank wizard na kagaya ko ay walang kakayahang talunin ang isang ancient beast." Nangangambang saad ni Selia.

"Ang hinirang!!!" Galit na siagaw ng halimaw sa kanila. Matapos ay mabilis itong sumugod kay Rex na pinakamalapit sa kaniya at ikinalmot ang nagtataliman nitong mga kuko. Hindi na nagawang makaiwas pa ni Rex dahil sa bilis ng halimaw kaya iniharang na lamang niya ang kaniyang kamay. Halos maputol na ang kaniyang braso ng salubungin niya ang atake ng halimaw.

"REX!!!" sigaw nilang lahat. Mabilis na pinuntahan ni Mirasol ang kaibigan habang hinarap naman ni Kian ang halimaw. Galit na pinagtataga niya ito ng kaniyang espada ngunit madali itong nakakaiwas at tanging isang salita lamang ang binubulong.

"Ang hinirang." Paulit ulit na saad ng halimaw. Hindi nila malaman kung ang ang nais ipahiwatig nito.

Halos mapapikit si Mirasol ng makita ang tinamong pinsala ng kaniyang kaibigan. Malaki ang wakwak nito sa magkabilang braso at halos makita na nila ang buto ng kaibigan. "Selia." Pagtawag niya sa batang babae na papalapit na sa kanila. Hinayaan na muna nila si Kian na makipaglaban sa halimaw. "Ikaw na ang bahala sa kaniya." Saad ni Mirasol at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang baril na hawak. Pumwesto siya sa malayo at inasinta ang nagwawalang halimaw. Kahit papaano ay natutulungan niya si Kian sa pagbibigay ng malayuang pinsala sa halimaw. Tumingin siya sa direksyon nina Rex at nakita niyang pilit pinapagaling ni Selia ang kanilang kaibigan. Nakahinga siya nang malalim ng makita ang unti unting paggaling ng sugat ni Rex. Mabilis ang paghilom ng kaniyang sugat na sinabayan pa ng isang healing spell ni Selia kaya madali na lamang itong gumaling. Ibinaling na niya ang atensyon sa kalaban at nagsimula itong patamaan ng mga tubig na bala galing sa kaniyang hawak na baril. Hindi pangkaraniwan ang lakas ng pwersang pinapakawalan ng kaniyang sandata ngunit tila baliwala lamang ito sa halimaw. Higit na napakalakas ng isang ito.

Tuluyan nang gumaling si Rex ngunit hindi na siya sumugod pa sa halimaw. Pumwesto na lamang siya sa tabi ni Selia upang protektahan ito kung sakaling lalapit sa kanila ang halimaw. Mas pabor kay Selia ang umatake ng malayuan. Sinubukan niyang magpakawala ng ilang bola ng apoy patungo sa halimaw ngunit nagiging maingat siya dahil maaaring madamay si Kian na harapang nakikipagsabayan sa halimaw. Humahanga sila sa lakas ng binata dahil nakakaya nitong sabayan ang halimaw, binabalutan ito ng pinaghalong pula at gintong awra na malinaw nilang nararamdaman kahit sa malayuan. Kakaiba ang prisensyang pinapakawalan ni Kian. Tila ba isang maharlika ang prisensya niya dahil sa napakalakas na enerhiyang dumadaloy sa kaniyang katawan.

Nagpatuloy ang laban ngunit hindi man lamang nagtatamo ng malalang pinsala ang halimaw. Paulit ulit nitong binabangit ang katagang 'Ang hinirang'. Alam nilang meron itong ibig sabihin. Maging si Kian ay malalim na nagiisip habang patuloy na nakikipaglaban sa halimaw. Alam niyang siya ang tinutukoy ng halimaw ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ang tanging naiisip niya na lamang na sulusyon para makalampas sila sa halimaw ay ang talunin ito.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon