[24] Pakiusap sa Hari

1K 153 4
                                    


"ANONG KAGULUHAN ITO!" Galit na sigaw ng Hari. Nananahimik siya sa kaniyang silid ng bigla na lamang may mga kawal ang tumakbo sa kaniya at sinabi ang hindi pangkaraniwang pangyayari sa hardin kaya agad siyang pumunta dito.

"Ama?" Saad na lamang ni Mirasol sa pagkagulat. Yumuko naman sina Kian bilang pagbibigay ng galang.

"Wala naman pong masamang nangyari. Nagkakasiyahan lamang po kami." Pagpapaliwanag ni Roselda. Mababakas ang saya sa kaniyang mga labi. Maging si Mirasol ay masaya rin na makasama ang kaniyang mga kaibigan.

Nasaksihan ito lahat ng Hari. Matapos mawala ng kaniyang asawa. Nito na lamang nagawang maging masaya ng kaniyang mga anak. Tama ang disisyon niyang bigyan ng pagkakataon ang mga binata na bisitahin ang kaniyang mga anak.

Huminga na lamang ang Hari ng malalim. Malinaw naman na nagkakasiyahan lamang ang mga bata sa hardin. Dumako ang tingin niya sa dalawang binata.

"Papagabi na rin. Iniimbitahan ko kayong samahan kami ngayong hapunan." Saad niya sa mga ito.

Ngumiti naman si Kian at tumango. "Ikinalulugod naming tanggapin ang iyong alok. Kamahalan." Tugon naman ni Rex.

"Kung ganon ay maiiwan ko na muna kayo. Ipapahanda ko na ang hapunan para mamaya." Huling saad ng Hari bago nilisan ang hardin kasama ang dalawang kawal na nakasunod sa kaniya.

Maaga pa ang gabi at tamang tama lamang para sa hapunan. Balak nina Kian at Rex na umalis matapos ang imbitasyon na inalok sa kanila ng hari. Sa gabi ring ito nila binabalak na hanapin ang salarin sa insedenteng nangyari sa harap ng bahay ampunan. Sa kasalukuyan ay nasa mahaba silang lamesa kasama ang hari at ang dalawang prinsesa.

"Masaya ako at pinaunlakan niyo ang aking imbitasyon." Masayang saad ng Hari habang nakaupo sa gitnang dulo na parte ng hapag kainan. Sa isang gilid ay magkatabi ang dalawang prinsesa habang kaharap naman nila ang dalawang binatang panauhin.

"Ikinagagalak kong makasalo ang Hari ngayong gabi." Magalang na saad ni Kian. Tumingin siya sa napakaraming pagkain sa malaking lamesa. Ibat iba ang uri nito at lahat ay mukhang katakam takam.

"Kung ganon ay simulan na natin ang kumain." Masayang saad ng Hari at nanguna na sa pagkuha ng pagkain. Nagsimula na silang kumain habang naguusap ng ilang bagay.

Lumingon ang Hari sa direksyon ng dalawang panauhin at kumunot ang kaniyang ulo ng tumingin siya kay Rex. Nakita niyang hindi kumakain ang binata. "May problema ba?" Kaniyang tanong.

"Wala po, ang ibig kong sabihin ay--ammh..." hindi malaman ni Rex ang kaniyang idadahilan. Hindi nga magandang sumama pa siya dito. Sa katunayan ay napilitan lamang siya. Sino siya para tanggihan ang Hari.

"Nahihiya lang siguro siya Ama, at isa pa, kumain na kasi kami kanina." Pagdadahilan ni Mirasol. Nakokonsensya siya sa kalagayan ng kaibigan.

"Ganon ba?" Hindi siguradong sagot ng Hari. Naguguluhan rin siya.

"Ama, siya nga pala, tinuruan ako ni Kian ng ilang mga spell." Pagbabago ni Roselda sa usapan ng mapansin niya ang pagkailang ng dalawa niyang kaibigan.

"Talaga? Kung ganon ay isa ka ring wizard?" Gulat na tanong ng Hari kay Kian. Napakamot naman ng ulo si Kian.

"Ganon na nga po." Simpleng tugon niya.

"Kahangahanga! Napagsasabay mo ang pagiging hunter sa pagiging wizard. Isa iyang kakaibang talento." Namamanghang saad ng Hari. Dahil dito, mas nagtaka siya sa katauhan ng binata.

Ngumiti na lamang si Kian bilang tugon. Natapos na rin silang lahat na kumain maliban kay Rex na hindi man lang ginalaw ang mga pagkain sa harapan. Tanging simpleng tubig lamang ang kaniyang ininom.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon