[10] Ang Singsing

1.3K 209 10
                                    


Isang lingo na ang nakalipas matapos ang naganap na pagsisimula ng kanilang pagsasanay sa Training Hall. Isang ganap na 3rd level one star hunter na si Kian dahil sa kaniyang pagsisikap. Sa loob ng isang buong lingo, nagawa niyang magpataas ng dalawang antas dahil sa kaniyang kakayahan at mga potion na iniinom. Hindi na pinoproblema ni Kian ang mga potion na kaniyang iniinom dahil may sapat na pera na siyang pambili ng mga ito.

Madilim pa ang paligid ngunit marami na ang gising at naghahanda sa kanikanilang gawain sa araw na ito. Kabilang dito si Kian na naglalakad ng maaga upang tumungo sa isang tindahan sa sentro ng Galgadon. Alam niyang wala na siyang oras pa kung ipapapaliban niya pa ang pugpunta doon dahil sa abala sila sa ginagawang pagsasanay.

Nakarating na rin si Kian sa isang tindahan ng mga ibat ibang kagamitan. Inaasahan niya ng isang lalaki dito dahil sa kanilang usapan. Lumabas na ang lalaki dala dala ang isang maliit na bagay.

"Mabuti at maaga kang nakarating, paumanhin kung matagal kitang pinaghintay sa bagay na ito dahil sa naging abala ako sa ibang bagay." Saad ng lalaki sabay lahad sa kaniya ng isang space ring na tila bagong gawa sa kinang.

"Hindi ba nawala o nasira ang mga laman nito?" Tanong ni Kian habang sinusuri ang pinaayos niyang space ring.

"Iningatan kong masyado na hindi mabasag ang space stone kaya't nakakasiguro akong hindi nawala ang mga laman niyan." Tugon ng lalaki.

"Kung ganon, maraming salamat." saad ni Kian sabay abot ng dalawang gintong salapi sa lalaki.

Kumunot naman ang noo ng lalaki dahil doble ang salaping ibinayad sa kaniya.

"Isang ginto lamang bata." aniya sabay balik ng isang salapi sa binata.

Ngumiti na lamang si Kian dahil sa katunayan, konting halaga lamang ang isang gintong barya sa kaniya.

"Sa iyo na iyan tutal nagtagumpay ka naman sa pagayos ng aking singsing." Nakangiting saad niya sa lalaki.

Tinanggap naman ito ng lalaki at nagpasalamat bago siya umalis sa tindahan at nagtungo sa Training Hall upang simulan ang pagsasanay. Inilagay na niya ang singsing sa kaniyang bulsa at pibagpaliban na muna ang pag siyasa't sa laman nito.

O==[]::::::::::::>


Lumitaw na rin ang araw at lumiwanag na ang buong kapaligiran tanda ng maaliwalas na umaga. Naabutan niya sa Training Hall ang kaniyang mga kasamahan na naghahanda na para sa gaganaping pagsasanay. Araw araw ay tipikal na pagsasanay lamang ang isinasagawa nila. Pag ninilay nilay at pakikipaglaban sa isa't isa ang madalas nilang gawin upang tumaas ang kanilang mga antas. Sa kasalukuyan, halos lahat ay nakatapak na sa 2nd level one star at tanging siya lamang ang nagiisang 3rd level dahil sa kaniyang pambihirang kakayahan. Pumasok na siya sa loob ng gusali at hinanap ang kaniyang mga kaibigan at tumungo sa kinaroroonan ng mga ito.

"Bakit bigla ka na lang nawala, saan ka nanggaling?" Bungad sa kaniya ni Lino habang si Marina naman ay nakatingin lang sa kaniya.

"May dinaanan lang saglit." saad ni Kian.

Nagdududa naman ang tingin ng dalawa dahil madalas na lamang humihiwalay sa kanila si Kian na tila ba may roon itong ginagawa na hindi dapat nila malaman.

"Madalas kana lamang biglang nawawala." ani Marina habang nagdududang tiningnan ang binata.

Napakamot na lamang sa ulo si Kian dahil sa nagiging abala siya nitong nakaraang araw dahil sa pag kuha ng mga misyon sa Mission Hall at pakikipag laban sa mga halimaw. Hindi siya nakokontento sa ginagawa nilang pagsasanay kung kaya't siya na lamang ang gumagawa ng paraan. Hindi niya ito sinasabi sa kaniyang mga kaibigan dahil sa katunayan ay delikado ang ginagawa niyang pagpunta sa kagubatan ng Fellia. 'Kung isama ko na lang kaya sila sa paggawa ng mga misyon?' Sa isip niya.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon