[05] Ang Museo

1.6K 193 2
                                    


Sa gitna ng kagubatan ng Kanis, naglalakbay ang ilang mga kabataan patungo sa bayan ng Galgadon na pinangungunahan ni Edwardo, isang hunter na gumagabay sa kanilang paglalakbay. Hindi alintana ng mga kabatan na maglalakbay sa gitna ng mainit na araw simula sa bayan ng Galan papunta sa lungsod ng Galgadon kung saan gaganapin ang hunter exam.

Sa hulihang bahagi ng mga kabataang naglalakbay, masayang nag uusap sina Kian, Lino, at Marina Galan na anak ng kasalukuyang pinono.

"Nagulat talaga ako ng malamang gusto mo rin maging hunter Marina, wala sa itsura mo ang pakikipaglaban lalo na sa ugali mong may pagkamahiyain." wika ni Lino habang nakaharap kay Marina.

Napayuko naman si Marina dahil hindi siya sanay na makipagusap sa mga kalalakihan lalo na at siya lamang ang nagiisang babaeng galing sa Galan na makikilahok sa hunter exam.

"Gusto ko kasing maging isang malakas na hunter para maging karapatdapat akong maging pinono sa ating bayan sa hinaharap." nahihiyang saad niya.

Tahimik lamang na nakikinig si Kian sa usapan ng kaniyang mga kasama at kung minsan ay napapansin niya ang titig ng dalaga sa kaniya. Hindi na ito binigyang pansin pa ng binata dahil noon paman, alam niyang may lihim na pagtingin ang dalaga sa kanya.

Abala ang magkakaibigan sa paguusap ng ilang mga bagay ng mapansin nila ang biglaang paglitaw ng isang mabangis na halimaw sa kanilang harapan.

Isa itong Wild pink boar na uri ng halimaw. Sa tansiya niya, isa lamang itong mahinang common beast pero lubhang mapanganib ang magkabila nitong sunay malapit sa ilong nito.
Mabilis na sumugod sa kanila ang baboy habang nakatutok ang napakatalim nitong mga sungay sa kanilang direksyon.

Mabilis na hinila ni Kian si Marina na kaniyang katabi upang iwasan ang pag atake ng halimaw. Lubhang mapanganib ang isang simpleng common beast sa kanila lalo na at hindi pa sila ganap na mga hunter ngunit kung magtutulungan sila, maaaring matatalo nila ang halimaw.

Inihanda na nila ang kani kanilang mga sandata upang harapin ang mabangis na halimaw. Sa gilid ng gubat ay mapapansin si Edwardo na nanonood lamang kung paano makipaglaban ang mga bata sa halimaw. Hindi na siya tumulong pa sa pagkat magsisilbi na itong parte ng pagsasanay ng mga bata.

Agad na sumugod sa halimaw ang ilan sa kanila kasama si Kian na mahigpit na hinahawakan ang kaniyang espada. Ang iba naman ay hawak ang kanilang mga pana at pinatamaan ang halimaw ng mga palaso. Dahil sa kanilang pag tutulungan, madali na lamang nilang napatay ang halimaw.

"Magaling magaling!" saad ni Edwardo habang pumapalakpak, labis siyang nasisiyahan sa ipinakikitang galing ng mga kabataan. "Sana ay mas pagbutihin niyo pa sa gaganaping hunter exam, huwag niyong bibiguin ang bayan ng Galan." saad niya pa.

Nasiyahan naman ang mga kabataan sa papuring kanilang natangap. Bago pa sila abutan ng mga halimaw, ipinagpatuloy na nila ang paglalakbay.

Maraming gumagalang halimaw sa kaguban ng Kanis kaya hindi nila maiwasang mapalaban kung minsan. Si Edwardo na ang bahala sa malalakas na halimaw at hinahayaan niya namang kalabanin ng mga bata ang mga mahihinang halimaw.

Hindi nagtagal at sa wakas, nakarating narin sila sa bayan ng Galgadon. Bago pa man sila makapasok ay hinarang sila ng dalawang kawal. Kilala ang bayan ng Galgadon bilang pangalawa sa pinakamaunlad na bayan ng kaharian kaya likas na lamang na mahigpit ang seguridad ng bayan. Humarap si Edwardo sa dalawang bantay.

"Galing kami sa bayan ng Galan, pumarito kami upang makilahok sa gaganaping hunter exam bukas." Magalang na saad ni Edwardo. Sinuri ng mga kawal ang dala nilang kagamitan pagkatapos ay pinapasok na sila sa loob.

"Mabuti pa at maghahanap na tayo ng matutuluyan bago pa man sumapit ang gabi." Saad ni Edwardo na agad naman nilang sinangayunan. Tahimik lamang na sumunod ang mga kabataan sa kaniya at masayang inililibot ang paningin sa buong bayan. Nagsimula na rin silang maghanap ng matutuluyan at hindi nagtagal ay nakahanap na rin sila. Isang malaking silid na may roong sampung kama sapat na para sa kanila.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon