[40] Toreng abot langit

1K 137 2
                                    


Maaga pa ngunit gising na sina Kian at naghahanda na para ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakaharap sila ngayon sa siga ng apoy lalo na at napakalakas ng ihip ng napakalamig na hangin sa umaga. Nagalmusan na rin sila upang hindi na ito makaabala pagsinimulan na nila ang paghahanap.

Ayon kay Kian ay sa isang tore sila pupunta. Matatagpuan lamang ito sa gitna ng kagubatan ngunit hindi agad ito nakikita. Kinakailangan na muna nilang baliktarin ang bisa ng spell na ginamit dito upang makita nila ang tore. Napagusapan na rin nila kung ano ang mga hakbang na gagawin pagnakapunta na sila doon. Alam nilang may nakambang panganib sa loob kaya hindi sila dapat maging kampante.

Nagsimula na rin silang tumayo ng mapansing kahit papaano ay mainit na sa kagubatan. Nagpapasalamat pa nga sila at hindi sila inaabutan ng pagulan ng nyebe. Ang malala pa ay kung magkaroon ng bagyo. Siguradong mapapahamak sila pagnagkataon.

"Saan ba ang daan?" Tanong ni Lino kay Kian. Sa katunayan ay nalilito rin siya kung saan ang tamang daan. Ang nakalagay lamang sa mapa ay sa kagubatang ito matatagpuan ang matayog na tore pero hindi nakalagay doon kung saang parte ng kagubatan ito makikita.

"Aalamin ko." Saad na lamang ni Kian at ipinilit ang kaniyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang paligid at naramdaman niya ang isang enerhiya na nagmumula sa timog na bahagi ng kagubatan. "Dito ang daan." Saad niyang muli bago pinangunahan ang pagtahak patungo doon. Hindi nga siya nagkamali dahil habang lumalapit sila, nararamdaman nila ang paglakas ng enerhiya sa tinatahak nilang daan. "Sa tingin ko ay dito na iyon." Saad ni Kian na biglang tumigil sa paglalakad.

Mabuti na lamang at alam niya kung paano pawalain ang bisa ng mga spell kaya inilabas niya na ang kaniyang staff at nagsimulang bangitin ang ilang mga salita. Lumabas ang kulay abong liwanag na nagmumula sa kaniyang tungkod. Nagmistula itong mga usok na unti unting bumabalot sa buong paligid. Matapos sabihin ni Kian ang spell ay unti unti nang nawala ang mga usok at kasabay nito ay naaninag nila ang isang napakataas na tore sa kanilang harapan. Halos tumingala sila sa taas nito. Hindi nila makita ang hanganan mula sa kanilang kinatatayuan.

"Isa ka palang Wizard kaibigan? Paano nangyari iyon?" Gulat na tanong ni Lino. Noong una ay nagulat na siya ng malamang isang malakas na wizard ang batamg si Selia at ngayon naman, malalaman niyang isa ring wizard ang kaniyang kaibigan.

Napakamot naman sa ulo si Kian. Hindi niya pa pala na nababangit sa kaniyang kababata ang tungkol sa bagay na ito. "Hindi ko rin alam eh." Saad niya na lamang. Paano nga ba siya naging isang wizard? Naalala niya na naman ang tungkol sa kwintas ng kaniyang ina. Nakatago lamang ito sa kaniyang damit. Maging si Selia ay may roon din nito ngunit hindi niya alam kung saan ito tinatago ng bata.

"Sa tingin ko ay hindi na importante iyon, nasa harap na tayo ng toreng hinahanap natin kaya ito dapat ang pagtuunan ng ating pansin." Muling saad ni Lino.

Nagsimula na silang maglakad papalapit sa tore. Iisa lamang ang pasukan nito ngunit sadyang napakalaki nito para sa kanila. Agad silang pumasok sa loob at una nilang napansin ang napakahabang hagdan. Palibot ito sa buong templo at ito ang tanging daan upang makarating sa tuktok nito.

"Aakyatin natin iyan?" Gulat na saad ni Rex habang tinatansya kung hangang saan ang taas ng hagdan ngunit nabigo siya.

"Wala tayong ibang pagpipilian." Saad naman ni Mirasol. Wala silang ibang pagpipilian lalo na at hindi naman sila marunong lumipad.

"Ano pang tinutunganga natin?" Tanong naman ni Lino. "Simulan na natin." Saad pa nito bago naglakad papalapit sa hagdan. Agad naman silang sumunod dito.

"Maghanda kayo, maaaring may nakatagong patibong." Paalala ni Kian sa kanila. Sa katunayan ay napagusapan na nila ang maaaring mangyari sa loob kaya hindi sila naging kampante at siniguradong laging handa sa lahat ng pagkakataon.

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon