[13] Sa loob ng kweba

1.2K 177 4
                                    


"Saan na ba tayo?" Tanong ni Mirasol kay Kian matapos nilang tumakas mula kampo ng mga bandido. Hindi nila napansin ang tinahak nilang daan habang nakasakay kay pula dahil abala sila sa paglayo sa lugar.

"Hindi ko rin alam." turan naman ni Kian.

Mapapansin na dumidilim na ang paligid at tanging mga puno at ibat ibang halaman ang kanilang nakikita sa paligid. Hindi nila alam kung saang parte ng gubat sila napadpad. Hindi sila pamilyar sa lugar kaya nangangamba sila.

"Mas mabuti kung humanap na muna tayo ng matutuluyan, delikadong maglakbay sa gabi lalo na at maraming gumagalang halimaw upang maghanap ng makakain."

Naglakad pa sila ng ilang sandali at napansin nila ang isang maliit na lagusan sa malaking bato na parte ng kagubatan.

"Isang kweba!" natutuwang saad ni Marisol. "Kung sineswerte ka nga naman, mas ligtas tayo kung sa kweba tayo magpapalipas ng gabi." Aniya.

"Pula, maaari mo bang alamin kung ligtas ang lugar?" Paghingi ni Kian ng tulong sa lobo.

Masaya naman itong sumunod sa kanila at naunang pumunta sa maliit na kweba at nang mapagalaman nilang walang kahit anong panganib ang naghihinatay sa loob ng kweba, nagsimula na silang pumasok sa loob nito.

O==[]::::::::::::>


Madilim na rin sa labas at dahil sa lamig ng gabi, nagsiga sila ng apoy na sapat na upang lumiwanag ang loob ng kweba. Hindi ganoon kalakas ang apoy upang hindi sila mapansin ng mga halimaw na gumagala sa labas ng kweba. Gamit ang kani kanilang dalang banig, inilapag nila ito sa sahig upang maging komportable ang kanilang pamamahinga.

Hindi pa naman masyadong gabi kaya nakaharap silang dalawa sa magkabilang parte ng apoy at masayang naguusap.

"Alam mo, sa katunayan, hindi ako komportableng may kasamang matulog lalo na at lalaki ka." Saad ni Marisol

"Huwag kang magalala parehas lang tayo." tugon naman ni Kian. "Maiba tayo ng usapan, sabi mo isa kang hunter at base sa iyong edad, paano ka naging hunter kung hindi naman kita nakita noon sa hunter exam?" Nagtatakang tanong niya. Sa kaniyang tansiya, magkasing edad lamang sila ng dalaga at totoong hindi niya ito nakita sa nakaraang isang buwang pagsasanay.

Natahimik naman si Mirasol na tila ba nagdadalawang isip kung sasabihin ang totoo. "Sabihin nalang nating may personal akong guro. Matapos kung magsasanay sa kaniya ay binigyan niya ako ng hunter badge." pagpapaliwanag niya.

"Maaari pala ang bagay na iyon?" Tanong ni Kian.

"Oo naman, sa katunayan, isa sa pinakamagaling na hunter ang aking guro." pagmamalaki ng dalaga.

"Sino ba ang tinutukoy mo?"

"Ang aking guro ay walang iba kundi si Melchor Mintulan, ang ikalawa sa pinakamalakas na hunter sa buong kaharian." Pagmamalaki ng dalaga.

"Huh, sigurado ka? Guro mo ang ikalawa sa pinakamalakas na hunter sa kaharian ng Kristelia?" Nagulat na tanong ni Kian.

"Ahmm, o-oo" kinakabahang saad ni Marisol. Hindi niya dapat ito sinabi pero huli na ang lahat.

"Kung ganon, hindi ka lang basta bastang hunter? Ang ibig kong sabihin, mataas ang estado mo sa kahariang ito?" Namamanghang tanong niya sa dalaga.

"Hindi, normal lang akong mamamayan ng Bayan ng Kristelia." nakayukong saad niya sa binata.

"Sabagay, wala naman sa estado ang pinipiling istudyante ng malakas na hunter, nakitaan ka lang ata niya ng potensyal kaya ka niya ginawang istudyante."

Treasure Hunter Volume 1: The Lost Map (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon