Malakas na sampal ang tinamo ko sa aking ama ng malaman nya na sa edad na kinse ay may nobyo na ako at natuto na rin na magbisyo gaya ng alak at sigarilyo.
"WALANG HIYA KANG BATA KA! DI KA NAMIN PINAG ARAL NG NANAY MO PARA LANG MAG NOBYO NG MAAGA! IYAN BA ANG NATUTUTUNAN MO SA ESKWELAHAN! TUMIGIL KA NA SA PAG AARAL KUNG GANOON RIN LANG!" Galit na galit na sabi ni papa sa akin. Wala akong maisagot kung hindi ang pag hikbi. Kasalanan ko ito dapat ay di ako nag padala sa tukso ng mg kaibigan ko.
"HINDI NA DAPAT KITA PINAG ARAL WALANG HIYA KA!" dagdag nito. Si mama pilit itong pinapakalma.
"Ernesto huminahon ka at baka ikaw ay atakihin sa puso!"
"Hayop iyak anak mo Linda! Wala iyang awa sa magulang!"
"Hindi na po ako uulit papa" sabi ko rito habang umiiyak. Saka ako nagtatakbo sa kwarto ko. Mabuti nalamang at hindi inatake si papa dahil sa kagagawan ko. Kinabukasan ay maaga akong gumising bilang pambawi sa kanila ni mama. Nagluto ako ng paboritong daing at sinangag, namili na rin ako ng kamatis kay aling marites. Pag dating ng ala sais 'y medya ay sabay na bumaba sila mama at papa halata pa rin na galit ito sa akin napayuko nalang ako dahil doon. Di rin ako pina pansin nito hanggang sa ihatid nya ko sa school.
"Lucila! Kanina ka pa hinahanap ni Patrick!" salubong sakin ng kaibigan ko na si Rachel. Di ko ito pinansin at dumeretso sa upuan ko saka dumukdok. Nag text na ko kay patrick na maghiwalay na kami dahil nga sa nangyari. Sinabi ko na mag focus kami sa pag aaral at kung mahal pa namin ang isat isa pagkayari ng lahat ay mag babalikan kami.
"Nakipag hiwalay ka na daw sa kanya. Totoo ba iyon?"
"Oo totoo iyon." sabi ko at inangat ang tingin dito.
"May crush ka sa kanya hindi ba? Sa iyo na sya" Deretsahan na sabi ko kay Rachel. Nakatingin lang ito. Halata sa mukha ang pagkagulat ngunit di maipag kakaila ang kislap ng mga mata.Lumipas ang ilang buwan dise sais na ako. Ayos na rin kami ni papa. Nasa huling taon na ako ng high school. Sinusuyo pa rin ako ni Patrick pero ayoko na magalit sa
akin si papa kaya di ako nakikipag balikan sa kanya."Inimbitahan ka ba ni Alex sa birthday party nya?" pagkaupo ko ay ito agad ang salubong ni Kristine sa akin
"Oo. May nabili na akong regalo"
"Pupunta ka?Pinayagan ka na ulit ni tito?" sabat ni Rachel na di ko namalayang dumating na pala.
"Oo. Basta daw wag gagawa ng kalokohan. At isa pa kabilang subdivision lang naman sila at magkabusiness partner si papa at tito romulo." mahabang sagot ko.
"Y E S !" sabay na sabi nila na ikinatawa ko naman.Pagdating nga ng uwian ay dumiretso na kami kila alex may baon na kaming damit kaya di na ko umuwi. Pag dating doon ay marami na ring tao sa labas ay mga katrabaho at mga nasa business world kasama nila tito. Wala sila papa dahil may importanteng meeting daw sila ngayon. Dumeretso kami nila Rachel at Kristine sa loob dahil nandoon ang mga kabatch at kaklase namin meron ding higher year gaya nila Patrick at kanyang mga kaibigan. Nakatingin lang ito sa akin halatang naka inom na.
"Thank you for coming Lucila! Akala ko di ka makakarating" naputol ang titigan namin ni patrick ng yumakap sa akin si alex
"Ah.. pinayagan ako ni papa kasi kabilang subdivision lang naman ang bahay namin"
"Mabuti nalang mabait si tito ngayon" nginitian ko lang ito
" Halika makihalubilo tayo sa kanila" inakbayan pa ako nito. Nakita ko na di pa rin inaalis ni Patrick ang tingin nya sa akin o sa kamay ni alex sa balikat ko(?)
Makalipas ang dalawang oras ay marami na rin ang naiinom namin wala na rin ang ibang bisita.
"Aakyat na ko. Inaantok ako" sabi ko at pagewang gewang na tumayo. Umiikot ang paningin ko habang paakyat ng hagdan ng may umalalay sakin sa baywang di ko tinignan kung sino pa yun dahil sa sobrang hilo.
"Hmm--" daing ko ng may naramdamang humahalik sa leeg ko pababa.
Kinabukasan nagising ako sa lamig. Ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa tiyan ko dahil mabigat ito at nakita ko na may kamay. OMG! sabi ko ng makita ng may ari ng kamay na iyon. Si Patrick! Anong gagawin ko? Tinignan ko agad ang katawan ko at doon ko napag tanto na wala akong saplot kahit isa! Tatayo na ko ng makaramdam ako ng hapdi sa pagitan ng hita ko. Anong nangyari? Di pwede to. Anong gagawin ko? Nag unahan na tumulo ang luha ko.
"H*YOP KA GUMISING KA DYAN! PINAGSAMANTALAHAN MO AKO!"
"Hey easy! Ano ba natutulog ako"
"H*yop ka talaga! Pano kung mabuntis ako?"
"Edi ipalaglag mo" nagulat ako sa sagot nito. Di ko akalain na ganito ang ugali nya.
"HAYOP! " sigaw ko dito at kahit masakit ang pagitang ng hita ay mabilis akong nagbihis at umalis doon.
BINABASA MO ANG
Leave Your Mark
RomanceSa edad na 18 ay naranasan na ni Lucila Mae Montalvo ang mag trabaho bilang waiter, cashier at taga bantay din ng computer shop kasabay noon ay nagbebenta din sya ng kung ano ano online. Ulilang lubos si Lucila kaya naman ginagawa nya ang lahat par...