PATRICK'S

0 0 0
                                    


Maingay na tug tugan at madilim na paligid ang sumalubong kay Patrick. Gabi gabi ay ganito sya pag kayari ng trabaho.

Dumeretso sya sa counter at ng makita ni Lucas ay alam inabutan na agad sya ng palagi niyang iniinom. Nakatanaw sya sa mga sumasayaw habang umiinom.

Gaya ng dati wala pang tatlong minuto ay may lumapit na sa kanyang babae.

"Hi handsome" sabay haplos sa kanyang braso at sya naman ay sa bewang nito.
"Lets go somewhere" sabi nito habang humahaplos ang kamay sa kanyang dibdib pababa.
"I'm not in the mood" saka nya ito kinintalan ng halik at umalis na doon.

Pag uwi ay dumeretso lang sya sa kanyang kwarto at natulog. May business meeting sya at malaking kliyente ang haharapin nya bukas.

At 6:30 ay nasa biyahe na sya. Lunch time ang napag usapan pero minabuti nyang mag biyahe ng maaga para mas maaga din syang dumating.

Pagdating sa hotel ay inasikaso nya ang reservation. Sinigurao nya na magugustuhan nito ang service para mabilis na ma i- close nya ang deal.

"Sir nandyan na po si Mr. Lorenzo" tinanguan nya lang ito at bumaba na sa restau. Nabungaran nya ang kliyente na pinagsisilbihan na.
"Good afternoon Mr. Lorenzo" pormal na bati nya dito. Naglahad sya ng kamay na agad namang tinanggap ng Ginoo.
"Do we still need to talk?" pabirong sabi nito
"Ofcourse Sir. You are a big client" bawi nya dito
"Where is the contract? I want to sign it already" dagdag nito. Inabot naman agad ng sekretarya nya ang kontrata at pinirmahan na nga ito ng matanda.
Napuno ng usapan tungkol sa negosyo ang kanilang tanghalian. Well wala naman silang mapag uusapan tungkol doon.

Mananatili muna sya ng Negros ng isang linggo para sa mga aayusin sa hotel at para na rin mag pahinga ng kaunti sa trabaho.
Sakay ng kanyang Lamborghini Veneno ay naglibot sya sa Negros. Alas kwatro ng mapagod sya sa pag mamaneho kaya naisipan nya na magkape muna. Pagpasok nya ay umorder.
"One americano please." Nakatingin lang sakin ang nasa cashier.
"Ah. Miss one americano please" I smiled
"Uhm- Ah one americano!" sabi nitong nauutal. "Ah 276 sir" dagdag nito
"Here. Keep the change" saka ako naupo sa isang mesa. Nakatingin ako sa labas ng may makita akong babae na syang nakapagpatayo sakin. Di ako pwedeng magkamali.
"Sir ito na po ang order nyo" sambit ng waitress na nakapag palingon sakin. Pag lingon ko ay wala na sya. Baka namalikmata lang ako. Imposibleng sya iyon. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pag iisip. Matagal ko syang pinahanap kaya imposibleng nandito lang sya all these years sa Negros.



Leave Your Mark Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon