Pag kayari na magpalit ng damit ay dumeretso na ko sa counter dahil nandon naman na ang order nung sinasabi nila na lalaki.
"Wala na ba 'tong kasama na cake?" tanong ko bago umalis.
"Okay na yan."
"sige" At dinala ko na nga yung order."Good morning Sir, ito na po ang order nyo na espresso" masiglang bati ko habang dahan dahan na inilapag ang kape sa mesa.
Paalis na ko ng hawakan nya ang kamay ko kaya napahinto ako at napatingin sa kanya pero di ko naman makita ang mukha nya dahil may nakatakit nga na dyaryo dito.
"Yes sir? May kailangan pa po ba kayo?" nakangiti ko pa rin sabi saka binawi ang kamay ko pero mas hinigpitan nya pa ang pag kakahawak doon.
"Ah sir yung kamay ko paki bitawan po" nakakunot ang noo pero nanatili ang ngiti sa labi.
Nakatingin na ang mga kasamahan ko at nag tataka na din sa inaasal ng customer namin.
"Di na ulit kita bibitawan" bigkas nito
"huh?"
"Good morning Lucila. Nice to see you again"
sabi nito at binaba ang binabasang dyaryo. Nanlaki ang mata ko ng makita ang muka nito.
"M-mark?"
"What's up" Ang mata nito ay umabot hanggang mata
"OH MY GOD!" nagugulat ko paring sabi ko at agad na yumakap dito.
Mark is my bestfriend way back in high school. At simula ng umalis ako sa dati naming lugar ay di na kami nagkita pa ."Anong ginagawa mo dito? Ang tagal nating di nagkita" sabi ko at tumingin sa kasamahan ko at sumenyas na kung pwede ay maupo saglit. Tumango naman ito.
"Nakalimutan mo atang ikaw ang umalis ng walang paalam(?)" sabi nito
"Aw I'm sorry okay?" naglalambing ang wika na sabi ko
"It kinda early to ask because we never see each other for 9 or 10 years? I don't know"
"But is it true? nabuntis ka daw ni kuya Patrick kaya ka umalis?" nag aalangan pa nitong tanong
"H-ha? Sino namang may sabi nyan? Chismosa huh?" nauutal pero pinilit na pagaanin sa pagtawa ang tensyon na nararamdaman
"Si Rosalie."
Auto matiko na tumaas ang kilay nya at nawala ang pekeng ngiti sa labi.
"Rosalie? Seriously? HAHA that bitch"
"So totoo ba?"
"Of course not!" nauutal pa rin na bigkas nya.
"Whoo ano ba yan? Akala ko naman may pamang kin na ako"Hindi nya maaari na umamin dito dahil panigurado na makakarating ito kay Patrick dahil kapatid nito si Mark at kukunin nito si Patricia. Napa isip sya dahil doon kung si Rosalie ang may sabi panigurado na nakarating ang balitang iyon kay Patrick.
"Ibig sabihin si Patrick, iniisip na may anak kami?"
"Well yeah sa una pero nung tumagal parang nawala na din kasi kung totoo na nabuntis ka edi sana lumapit ka sa kanya dahil wala namang bubuhay sayo non dahil pareho ng patay si tita at tito" mahabang lintaya nito na naka pag pagaan ng loob nya. Napabuntong hininga sya at saka tumayo."Mag tatrabaho muna ako. Its nice to see you again." Nakangiti nyang sabi dito
"Yeah sure. But you know what si kuya ang nagsabi sa akin na nakita ka nga nya but he is not sure so because he is busy ako ang inutusan nya para malaman kung totoo ba na nakita ka nya o guni guni lang"
"Ha? Ahm sige. Mauna na ko. See you around mark" paalam nya at di na nya ito inantay pa na sumagot.Pumasok na sya sa staff room at napaupo nalang doon. Nakita sya ni Patrick. Nandito si Patrick. Napahawak sya sa dibdib nya. Ang kanina na nakahinga sya ng maluwag ay agad na nadaganan ng mas mabigat na pakiramdam. Mayaman ito at di nakaka pagtaka kung paimbistigahan sya nito at malaman na may anak sila. Pano kung kunin nito si Patricia ? Di nya kakayanin kapag nangyari iyon.
Hindi ako papayag. Iyon ang ipanangako nya sa sarili nya kahit dati pa man. At kahit na sino ay di makukuha ang anak nya.
BINABASA MO ANG
Leave Your Mark
RomanceSa edad na 18 ay naranasan na ni Lucila Mae Montalvo ang mag trabaho bilang waiter, cashier at taga bantay din ng computer shop kasabay noon ay nagbebenta din sya ng kung ano ano online. Ulilang lubos si Lucila kaya naman ginagawa nya ang lahat par...