Nandito kami sa mall ngayon ni Pat. Bibilan ko sya ng ilang damit na maaari nyang gamitin sa field trip nila. Kita ko ang saya sa mukha nito."Ate, pwede pagkayari dito kain na tayo? nagugutom na ko e " I laugh because of that
"Oo naman ikaw talaga ang takaw mo"
"Ate naman e" nakalabing sabi nito
"Napaka cute" sabay pisil sa pisngi nito
"Bilisan mo na dyan para makakain na tayo" dagdag koMasaya kong tinitignan si Pat. Ang laki na nya.
Di ako pinapansin ni mama hanggang sa maipanganak ko ang batang dinadala ko. Di ako nakunan. Buhay sya at naalagaan siya ni mama hanggang sya ay mag dalawang taon. Si Patricia. Oo anak ko si Patricia. Anak namin siya ni Patrick. Namatay si mama sa heart attack noon bago ako mag 19 kaya simula noon ay mag isa na akong nagtaguyod sa kanya pero di ko alam kung pano sasabihin na ako talaga ang tunay nyang nanay. Pano ko sasabihin na pagkayari ng lahat ng nangyari samin ng tatay nya ay niloko ako nito pati narin ng bestfriend ko?
"Ate? ATE!"
"Ha? Ano yun Pat?
"Di ka ba kakain?"
"Kakain ako syempre. Sige ituloy mo na ang pagkain"Ang mga sumunod na oras ay inaksaya namin sa pag iikot sa mall at pag bili ng mga kailangan namin sa bahay. Alas syete na ng makauwi kami. Sa labas na rin kami kumain kaya dumiretso na si Pat sa kwarto habang ako ay inaayos ang mga pinamili namin.
"Good night ate" pagod na sabi nito
"Good night. Gigisingin kita ng maaga bukas"
"Opo"Alas tres ako nagising para ipaghanda si Patricia ng babaunin nya pati na rin ang mga damit nya. 3days at 2nights yon. Pagdating ng alas kwatro ay ginising ko na si Patricia. Pupungas pungas pa ito kaya tinimplahan ko agad ng gatas na mainit para magising kahit papano ang diwa.
"Bye ate!"
"Hmm. Mag iingat ka doon huh? Ang mga bilin ni ate."
"Opo. Di ako maglilikot at hihiwalay sa mga kasama ko lalo na kay teacher Ann. Di rin ako magpapalipas ng gutom at Di ako magdudumi dahil dalaga na ako."
"At higit sa lahat?"
"At higit sa lahat papasalubungan kita ate"
Napangiti naman ako dahil doon. Masaya ako na naalala nya lahat iyon.
"Okay sige. Mag iingat ka."
" Opo ate"
Humalik ito sa akin bago tuluyang sunakay sa bus na inarkila ng school nila.Naglakad na rin ako papunta sa sakayan para pumasok.
"Good morning!"
"Good morning din" bati ko pabalik"Palit ka na ng damit may customer na. Ikaw ang gustong ipag serve ng kape nya"
"ha?"
"Ayun." nakangusong itunuro nya ito.
Di ko makita ang muka dahil may nakaharang na dyaryo pero mukhang may kaya dahil sa suot.
"Sige magpapalit na ko"
Saad ko bago dumeretso sa loob.
BINABASA MO ANG
Leave Your Mark
RomanceSa edad na 18 ay naranasan na ni Lucila Mae Montalvo ang mag trabaho bilang waiter, cashier at taga bantay din ng computer shop kasabay noon ay nagbebenta din sya ng kung ano ano online. Ulilang lubos si Lucila kaya naman ginagawa nya ang lahat par...