Mag iisang buwan na simula ng mang yari iyon. Wala akong balita kay Patrick or should I say ayoko na makarinig ng balita tungkol sa kanya.
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko dahil ilang araw ng masama ang pakiramdam ko at walang gustong gawin. Christmas break ngayon kaya talagang nakakatamad kumilos dahil malamig. At isa pa ay delay ako. Namili na ako ng prenancy test kit noong nakaraang araw para tignan kung tama ba ang hinala ko pero napanghihinaan ako ng loob, natatakot ako. Pano kung buntis ako? Ang bata ko pa.Makalipas ang dalawang oras na pagkatulala ay tumayo ako at dumeretso sa cr. Di ako pwedeng tumulala lang dapat malaman ko ang resulta. Naghintay ako ng limang minuto at nang lumabas nga ang resulta ay unti unti na tumulo ang luha ko. Positive. Napaupo nalang ako sa sahig at napahagulhol.
Dalawang linggo na mula ng malaman kong buntis ako. Di ako nag sasabi kay mama. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila. Pero ang hirap itago may maamoy lang ako na may ginigisa o kaya ay gatas o cheese ay nagsusuka na ako. Kaya naman isang araw galing akong mall para mamili ng regalo sa mga kaibigan ko ay naabutan ko sila mama at papa sa kwarto ko hawak nito ang pregnancy kit na ginamit ko.
"Ma, Pa. Im sorry" iyon lang ang tangi kong nasabi at humagulgol na sa iyak.
"DI NA KITA PINAG ARAL! INGRATA! WALANG KANG SILBE! DI KITA PINAG ARAL PARA LANG MABUNTIS NG MAAGA HAY--"
"Pa? Pa?" nakahawak ito sa dibdib nya
"Ernesto!" umiiyak na sabi ni mama
"Tawagin mo sila Mang Kanor!" hiyaw ni mama kaya gumalaw ako agad. Dinala namin si papa sa hospital pero pag dating doon ay dineklara sya na dead on arrival. Sobra ang galit sa akin ni mama. Di lumabas sa bakuran namin na nabuntis ako at sa galit ni papa ay inatake sya sa puso at ako ang dahilan noon. Sobra ang pagsisisi ko dahil sa nangyari. KASALANAN KO LAHAT. Iyon ang nakatatak sa utak ko. Hanggang sa mailibing si papa ay di ako pinapansin o tinitignan man lang ni mama. Alam kong kinamumuhian nya ako.
Nang dumating ang araw na maayos ayos na ako ay napag desisyonan ko na puntahan si Patrick. Nag taxi lang ako pero bago pa ko bumaba sa taxi ay nakita ko sila ni Rachel. Naghalikan pa sila bago nya ito pasakayin sa sarili nitong sasakyan kaya imbis na tumuloy ay umalis nalang ako.
Iyak ako ng iyak sa kwarto ko. Wala na si papa at ngayon naman ay si Patrick ang nakita ko na may kasamang iba. Mga ahas! Sobra sobra ang galit ko sa kanila! Si Patrick ang may kasalanan ng lahat ng ito. Dahil sa sobrang iyak di ko namalayan na dinudugo na pala ako.'Nagising ako ng umiiyak.
"Ate umiiyak ka nanaman"
Agad kong pinunasan ang luha ko at ngumiti kay Patricia.
"Nanaginip lang si ate"
BINABASA MO ANG
Leave Your Mark
RomanceSa edad na 18 ay naranasan na ni Lucila Mae Montalvo ang mag trabaho bilang waiter, cashier at taga bantay din ng computer shop kasabay noon ay nagbebenta din sya ng kung ano ano online. Ulilang lubos si Lucila kaya naman ginagawa nya ang lahat par...