LUCILA'S POV
Ala - singko na pala ng umaga. Nag inat ako at agad na bumangon. Pagbaba ko ay nakita ko sila mama at papa.
"Good morning Ma, Pa" bati ko sa mga ito. Nakatingin lang ito sa akin at nagbigay ng magandang ngiti sa litrato nila na iyon. Dumeretso ako sa kusina at naglabas ng tatlong itlog at isang balot na longganisa na paborito ni Patricia. Sinangag ko na din ang kanin dahil marami pang natira kagabi. Pagkatapos ay naligo muna ako at nag ayos ng kaunti saka ko pumunta sa kwarto ni Patricia at ginising sya
"Opo ate babangon na" Nang marinig ang sagot nito ay bumaba na ulit ako sa kusina at nagtimpla ng gatas naming dalawa. Makalipas ang kinse minutos ay bumaba na si Pat nakabihis na ito papasok sa school. Habang nag huhugas naman ako ay nag ayos na si Pat at tsaka kami umalis ng sabay. Ganyan ang gawain namin tuwing umaga, mula lunes hanggang biyernes. 16 years ang tanda ko kay Pat. 28 na ko ngayon at sya naman ay 12.
"Ate paalala ko lang po yung 1500 na babayaran. Hanggang friday nalang po bayaran non" sabi nito na nagpalingon sakin
"Bukas sasahod na ko mababayaran na natin yan" sabay ngiti ko dito
"Salamat ate" ngumiti lang ako dito at saka ko inalalayan pasakay sa bus.
Ulilang lubos na ako. 18 years old ako ng mamatay si mama at papa. Sampung taon na rin ang nakakalipas. Pagkayari nilang mailibing ay agad akong naghanap ng maaari naming lipatan ni Patricia sa malayong lugar sa internet at ito nga napadpad kami sa isang bayan sa Negros. Ang lumang bahay namin ay binenta para maipang gastos namin at makabili ng bahay na unti unti kong ginastusan para mapalaki kahit papaano.
"Ate bababa na po ako ingat po!" rinig kong sigaw ni Pat at dumeretso na ito pababa ng bus. Next bus stop ay bumaba na rin ako dahil doon matatagpuan ang isang coffee shop na pinagta trabahuhan ko at kaunting lakad lang ay makikita naman ang computer shop na binabantayan ko din. Sa mga trabaho ko na iyon ay nakakaraos kami sa pang araw araw at napag aaral ko si patricia.
"Good morning Cila!" bati sakin ng mga katrabaho ko.
"Good morning din sa inyo!" masiglang bati ko pabalik. Madami ang customers dahil talaga namang sikat ito kaya halos di na makaupo. Lunch break ko na nahawakan ang cellphone ko basag na ito pero gumagana pa naman kaya ayos lang. I open my social media account at may messages ito kapwa nagtatanong price para sa paorder ko na damit at appliances, agad ko itong nireplyan at ng iconfirm ang order ay isa lang ang nasa utak ko 'mayroon nanaman akong dagdag kita'
Pagdating alas kwatro ng hapon ay nagmamadali akong pumunta naman sa computer shop nilakad ko nalang dahil dalawang kanto lang naman ang layo nito sa Coffee shop.
"Sorry ate." salubong ko sa papalitan kong bantay
"Nako ayos lang ano ka ba? Nanonood pa ko wait ka lang dyan" pabiro sabi nito na syang ikinatawa ko dito. Mahilig kasi ito sa korean drama kaya mas gusto nya ang nalelate ako kahit ilang minuto. Alas kwatro hanggang alas Diyes ng gabi ang shift ko dito. 300 pesos din kaya sayang naman.
Pagdating ng 9:55 ay nag ayos na ako at saka nag sara. Paniguradong tulog na si Patricia pag uwi ko.
Pagod na pagod ako pag uwi ng bahay kaya agad akong nakatulog. At gaya ng dati napanaginipan ko nanaman sya, ang lalaking pinaka minumuhian ko. Patrick Baltazar.
BINABASA MO ANG
Leave Your Mark
عاطفيةSa edad na 18 ay naranasan na ni Lucila Mae Montalvo ang mag trabaho bilang waiter, cashier at taga bantay din ng computer shop kasabay noon ay nagbebenta din sya ng kung ano ano online. Ulilang lubos si Lucila kaya naman ginagawa nya ang lahat par...