Potang ina binlock nya ko.
Napahilamos ako sa muka nang walang tubig nang makita kong hindi ko na sya mamessage sa IG nya. Pota, bad shot ba na umamin ako sa kanya? Di naman ako nag demand ng crushback ah? Yawa!
Nagpaikot ikot ako sa bahay hanggang sa maisip kong tawagan si Eros.
[“Hello? Ano ba Cy, nasa trabaho ako, mamaya ka na magpa autograph.”] Tingnan mo tong animal na to, an gaga aga gandang ganda na naman sa sarili.
“Tang ina mo.” Mura ko sa kanya kaya natawa na lang sya sa kabilang linya.
[“Ano bang kailangan mo ha? Ang aga aga namimiss mo ako. Tsk.”] Jusko pigilan nyo kong sikuhin ang babaeng to, pota.
“Nandyan ba sya?”
[“Sino—ah yes, pakibigay to sa designs, sabihin mo sabi ni Miss Rukia kailangan nya nung final design bago mag three pm—ano yon Cy?”] Napakamot ako ng ulo.
“Wala wala. Salamat.” Sabi ko bago tuluyang binaba ang telepono.
Binlock mo ko ah, pupuntahan kita ngayon.
“Meeting adjourned.” I stood up and left the conference room after my meeting with the accounting department. I was so glad we had a great month! Plus the bookings are still counting; we’ll reach far beyond our target revenue for this quarter.
I smiled when I saw the picture of Vince’s hand intertwined in mine in his car. Wala naman sigurong makakaalam that it is him if I put it in my IG story. I pressed the button and posted it on my story, only few seconds have passed and nasa hundreds na agad ang views ng story ko.
I’m glad Cyther won’t see this.
I still feel bad for blocking him without notice but that’s for the better good naman, I don’t want him to get hurt because of me. He’s a really good guy and he deserves so much more than that. I’m sure he’ll forget about me and make it out with another woman. He’s a big shot, handsome, a pilot, a good one at his field, that is—hindi sya mahihirapang makahanap ng babaeng deserving sa kanya.
I was too busy on my phone when I entered my office, someone then spoke up.
“Hoy.”
“Gosh!” I almost threw my phone in shock when his voice echoed the room. “Cyther? What are you doing here?!”
“Anong what are you, what are you doing here?” He uttered in annoyance, his hands are on his waist. “Akala ko ba friends tayo? Bakit ka nangboblock?” I blinked thrice to make sure he’s actually here in front of me and I’m not imagining things.
“U-uh?”
“Uh uh uhtdog! Unblock mo ko!” He demanded like a kid.
“Cyther look, I don’t want to give you the wrong impression.”
“Pake ko? Wala naman akong sinabing ibalik mo yung feelings ko di ba?” He inserted his hand in his pocket.
“I-I don’t want to hurt you.” I hugged the folders I was holding earlier.
I don’t know why the fuck am I so uncomfortable with him being here when I could just call the security to drag him out! For some reason, I can’t. I just… can’t.
Gosh that’s so selfish.
“Ang assuming mo naman, hurt agad? Mas nakakahurt mablock, unblock mo na ko.” He made a pleading face. I looked at him.
“Let’s talk.” I said and held him by the wrist. “Wag tayo dito.” I pulled him out of my office and went to our building’s rooftop. Unlike last time, there are no city lights, it’s already three in the afternoon and mabuti na lang it’s very makulimlim so hindi tirik ang araw.
“Ang hilig mo sa rooftop.”
“Because it’s quiet.” He nods and leaned on the wall.
“So iu unblock mo na ba ako?” I looked at him and sighed.
“Cyther…”
“Kinakabahan ako kapag tinatawag mo ang pangalan ko alam mo yon?” He placed his hand on his chest.
I rolled my eyes on him because just won’t get serious.
“Hindi na nga, ano ba yun?”
“What are you going to do if the person you love belongs to someone else?” His eyebrows met as he focused his eyes on me.
“Inaasar mo ba ako kamahalan?”
“I’m serious.”
“Ewan ko, edi hahayaan ko sya kung san sya masaya, kasi kung san sya masaya, edi dun ako.” I looked at him, his voice is plain but I can tell it was a sincere answer from him.
“I…” He looked at me. “I…”
“Ayayayay I’m a little butterfly.” He sang like those which plays back on children’s toys, I glared at him. “Ano nga? Kinakabahan ako sayo eh!” He smiled and scratch the back of his head.
I’m pretty sure he would stop liking me after this.
“I agreed to be a mistress…”
“I agreed to be a mistress…” Tiningnan ko sya ng ilang segundo bago ako magsalita, nagbabaka sakaling may kasunod na, joke, o isaprank ang sinabi nya, pero wala.
Marami akong tanong sa utak ko, bakit ang isang babaeng tulad nya ay pumayag sa ganon? Kung ayos lang ba sya kahit alam kong hindi? Gaano na katagal? Pano nya dinadala ang sarili nya dahil kitang kita ko sa mga mata nyang nahihirapan na sya.
“O tapos?” Sagot ko sa tonong walang pakialam kaya nanlaki ang mata nya na napatingin sa akin.
“What do you—“
“Anong kinalaman nyan sakin? Wala akong alam dyan, unblock mo na ko.” Turan ko dahil yun naman talaga ang sadya ko. Tumayo ako at nakatitig pa rin sya sakin na parang hindi makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid nya. “Ano? Iniintay mo bang ijudge kita?”
Kumurap sya ng ilang beses at hindi nakasagot. Tingnan mo tong babaeng to, ang cute! Akalain mong may ganito pala syang side. Awit, sarap iuwi.
“Dyan ka masaya eh, anong magagawa ko?” Turan ko sa kanya habang nakatingin sya sakin. “Lahat naman nabobobo sa pagmamahal, okay lang yan.” Pinatong ko ang kamay ko sa ulo nya at ginulo yun ng bahagya. Napansin kong namula ang gilid ng mata nya, nagbabadya ang mga luha sa cute na mata ng crush ko. “Wala naman akong hinihingi sayo, hayaan mo lang din ako sa tabi mo. Unblock mo na ako, para naman tayong mga bata nyan.”
Inaasahan ko na pero para pa ring tumalon ang puso ko sa gulat nang bigla syang yumakap sakin. Ilang segundo lang din ay narinig ko na ang pag iyak nya.
Tang inang lalaki yon kung sino man sya, bakit ka nya pinapaiyak ng ganito? Gago ampota.
“Shh… sige lang, iiyak mo lang yan. Dito lang ako.”
Dito na lang ako palagi simula ngayon.