“Kamusta yung wedding?” Cyther said, breaking the silence between us.
“I don’t know, sad?” He glanced at me and looked back on the road. “The bride’s ex was there, everyone heard him say, ‘ako sana yan,’ during the ceremony.”
“Toxic naman nyan.” I stared at him from the shot gun seat. “Kailangan mo ba talagang imbitahan yung ex mo sa kasal mo?” I shrug my shoulder. “You can’t just be friends with your ex.”
I tilted my head to him.
“So toxic ako?” I told him and he automatically shifted his tone. “I’m still friends with my ex. Toxic ako?”
“Alam mo Halaman, in every rule there is an exception.” I shook my head and watch the street lights on the streets as we pass by them.
“I’m willing to be your second too…”
I looked at Cyther, he obviously have no idea what he was saying, and I refused to take advantage on that.
“Could you stop the car?” I told him kaya napatingin sya sakin.
“Ha? Bakit?”
“Just stop it.” Tinigil nya ang sasakyan and I was about to open the door but his fingers are so quick to lock the door up. “Ano ba Cyther, let me out!”
“In the middle of nowhere? Sana ayos ka lang.” He turned the engine off and rested his back on the seat. “Ano bang nangyayari sayo?”
“Get away from me.” I said with a firm conviction.
“Mama mo get away, ayoko nga.” My eyes were suddenly in tears.
“I don’t want to hurt you.” I said, sobbing. I heard him heaved a sigh.
“Bakit mo ba ako pinoproblema?”
“Because I don’t want to hurt you. You deserve someone else, you deserve a better woman.”
“Ayaw mo kong saktan pero iyak ka ng iyak dyan.” He fished his handkerchief in his pocket. “Wag mo kong intindihin, gagaling din ako mula sa pagkagusto ko sayo.”
“T-talaga?”
“Oo, kapag magaling na ako mula don, ibig sabihin mahal na kita.”
Tiningnan nya lang ako na para bang nakakita sya ng isang daang bulalakaw na bumagsak mula sa kalangitan.
Yung totoo? Sa taas nya na personalidad, gaano kababa ang pagpapahalaga nya sa sarili nya?
Pinunasan ko ang luha nyang ayaw tumigil sa kakatulo, ampota, infinity pool ba to?
“Don’t…” Bulong nya bilang sagot sa sinabi ko.
Nilunok ko ang pait na nasa lalamunan ko, hindi ko naman ipagkakailang nasasaktan ako. Ikaw ba naman makita mo yung taong gusto mo na mahal na mahal yung iba, tapos gago pa. Asaet non kaya, pero dahil cute ako at talagang gusto ko sya, g lang.
Ilang beses nya na akong nireject kahit wala naman akong inaalok sa kanya pero nandito pa rin ako. Hindi ko rin alam bakit, basta ang alam ko lang, ang hirap nyang layuan.
At wala akong balak layuan sya kahit na masakit.
Nung nakita ko pa lang sya kanina na nakatitig sa cellphone nya, alam ko nang nadudurog sya sa loob. Hindi nya naman deserve yon, pero yun yung gusto nyang gawin eh! Ano bang magagawa ko kundi magpacute lang sa gilid nya?
Sinubukan ko naman syang layuan, mga ilang beses pero hindi ko magawa. Sa tuwing iniisip kong dadalhin nya yung bagahe nya mag isa, malulungkot sya mag isa dahil dun sa bobong lalaki na pinagsasabay silang dalawa, hindi ko kaya. Iniisip ko pa lang na iiyak sya nang walang papahid ng luha sa mga mata nya, bumibigay na ang sistema ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at hindi ko sya magawang tantanan, pero isa lang ang malinaw, wala akong balak lumayo. Wala rin akong balak lubayan sya kahit magkanda leche leche pa lahat ng pwedeng maleche sa mundo.
“I know the pain of being a second…” Humihikbi sya habang nakatakip ang mga kamay nya sa maganda nyang muka. “…because I am a second.”
Hindi ako makapaniwalang makikita ko syang ganito, hindi ko inaasahang ang isang dragonesang katulad nya ay may ganito.
At yun ang masakit.
Hindi ako nasasaktan lang dahil hindi nya ako gusto o dahil may gusto syang iba, nasasaktan ako dahil nakikita ko syang nasasaktan. Yun ang hindi ko magawang sikmurain. Kung pwede ko lang angkinin lahat ng sakit na meron sya, ginawa ko na. Akala ko noon mahirap nang mag mahal ng praning, mas mahirap pa lang mag mahal ng taong nasasaktan—at wala akong magawa para patigilin ang sakit.
Tinanggal ko ang seat belt ko saka ako lumapit para yakapin sya ng mahigpit.
“Ayos lang ako, wag mo akong intindihin.” Lalong lumakas ang hikbi nya at nagsimula na akong hagurin ang likod nya. “Kaya ko ang sarili ko kaya hindi mo ako kailangan alalahanin. Kahit anong gawin mo, nandito lang ako palagi halaman.” Napatawa ako ng bahagya sa palayaw ko sa kanya.
“Promise me…” Bahagya syang lumayo mula sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ako sa mata.
“Ano?”
“Promise me that if ever you find it hard for yourself, even just once, iiwan mo ako.” I smirked and turned my face on the road, walangya. She tugged my sleeve kaya napatingin ako ulit sa muka nyang puno na ng luha. “Promise me Cyther…”
Asa ka.
Gusto ko syang barahin ng ganon pero alam kong hahaba lang ang diskusyon kaya niyakap ko na lang sya ulit.
“Promise.” Turan ko ang naramdaman ko ang yakap nya sakin saka muling umiyak.
Kung akin ka lang hindi ka iiyak ng ganito Rukia, hinding hindi kita paiiyakin ng ganito.
Hinaplos ko ng bahagya ang buhok nya tsaka ito hinalikan.
Tang ina kasi, sana akin ka na lang.