Chapter 16

13 2 0
                                    

Hindi ako iyakin pero nagbadya ang mga luha sa mata ko nang nakita kong nagtalukbong sya ng kumot sa tabi ko.


Tangina. Ang sakit.


Alam ko naming hindi ako ang mahal nya at distraction lang ang lahat ng nangyari samin ngayon pero bakit ba naninikip ang dibdib ko? Iniling ko ang pag iinit ng gilid ng mata ko at tumayo.


“Where are you—“


“Papahangin lang.” Putol ko sa sinabi nya at lumabas papunta sa balkonahe. Humugot ako ng malalim na hininga bago hinayaang bumagsak ang luha sa mga mata ko. Pinunasan ko rin yun agad at ngumiti.


Masakit to, pero dahil cute ako g lang.


Ginusto ko naman to eh. Ginusto kong gustuhin sya kahit ilang beses nya na kong sinabihan na wag. Okay lang, sanay ako sa sakit. Hindi lang pamilyar ang sakit na to pero kaya ko.


Mas mahal ko ang babaeng yon kaysa sa kahit anong sakit na pagdadaanan ko.



Ewan ko ba, wala naman syang ginawa kundi mag ikot ng mata at mag taray, itaboy ako at basagin minsan sa mga pick up lines ko pero patay na patay pa rin ako sa kanya. Gusto ko syang alagaan, gusto ko syang mahalin. Gusto kong punasan ang luha at pawiin ang lahat ng lungkot nyang hindi nakikita ng mundo.



Gusto kong maging pahinga nya sa mundong nakakapanghina na.



Iniisip ko rin minsan kung paanong nahulog ang loob ko sa kanya. Tandang tanda ko pa rin hanggang ngayon kung paano nya dinala ang sarili nya sa party kung saan ko sya unang nakita. Sya lang ang walang date non, pero isa sya sa pinaka nagpalingon sa mga tao, hindi lang dahil sa maganda sya, kundi dahil kaya nyang dalhin ang sarili nya ng mag isa at nang walang kinakapitan.



Ramdam ko ang inis nya at pagpipigil nang muli kaming magkita para sa arrangement ng engagement party ko. Nasabi sakin ni Eros na meron syang date pero pinilit ko pa rin na sumingit sa schedule nya kahit alam kong late na dahil masyado akong nasabik na makita sya. May girlfriend ako nun eh, alam ko naming mali na gustuhin sya sa mga panahong yun pero gusto ko lang talaga syang makita. Wala akong balak na mag loko dahil hindi ko yun gawain kahit kailan.



Alam kong maganda sya, pero mas maganda sya sa malapitan. Ang sarap tingnan ng reaksyon ng mukha nya sa mga hirit ko at hindi yon nakakasawang tingnan. Hindi kahit kailan.



Nung nag check kami ng venue sa Batangas, dun ko unang nakita ang lungkot sa mga mata. Lungkot na gusto kong alamin kung ano ang pinangagalingan pero wala naman akong karapatan dahil hindi ko naman sya kaano ano at lalong dahil committed ako noon sa isang tao.


Yung malasakit nya sakin noon habang stress na stress na ako sa mga guest ko dahil hindi sila nakikisama at inabutan nya ako ng tsaa. Hindi ako mainom ng ganun pero hindi ko na nagawang ayawan nung sya na ang nagbigay. Yung mga ngiti nya habang nakikita nyang unti unting nakukumpleto ang preparation sa event nya.



Yung pagsunod nya sakin sa kotse ko nung araw bago ang engagement party at nasaktan ako ni Zeren. Yung cotton pad na binigay nya. Yung band aid na sya mismo ang naglagay sa likod ng tenga ko. Yung ngiti nya nung gabing yon na alam kong totoo.


Yung mabuti nyang puso sa likod ng nakakatakot na pigurang pinakikita nya sa mga tao.


Ang samo’t saring emosyong naramdaman ko nang chinat ko sya sa IG pagkalipas ng ilang bwan. Ang pagtalon ng puso ko nang yayain nya akong uminom at mag agahan. Yung unang beses na nakita ko syang umiyak, ang unang yakap, yung pag amin nya sa sitwasyon na kinasadlakan nya.


Ang bawat pag tanggi.


Bawat pag taboy.


Somewhere between those things I fell in love with her.


Pumasok ako ulit sa loob at inabutan ko na naman syang nakayuko. Malayo sa Rukia Henelise Velasquez na pamilyar ang mundo. Malayo sa babaeng laging galit at nakasigaw, malayo sa babaeng laging taas noong naglalakad sa kahit na saan.


Pero alam kong kahit naka yuko sya ngayon, nandon pa rin sya. Nagpapahinga dahil pagod na syang maging matatag.


“I promised I won’t do anything stupid out of this room of yours, out of our IG message board or whatever you call that. I won’t do anything to tarnish your name, mananahimik ako sa gilid kung kailan mo ako kailangan—but just promise me one thing.” Inangat nya ang ulo nya kaya nakita ko ang maganda nyang mukha, I smiled upon the sight. “Don’t hurt yourself, because I’m scared I can’t save you then.”


Wika ko at nakita ko na naming nangilid ang luha sa mga mata nya, agad akong lumakad sa direksyon nya at kinulong sya sa bisig ko. Hinaplos ko ang buhok nya nang maramdaman ko ang dahan dahan nyang pag hikbi.


Tingnan mo tong babaeng to, ang cute.

“Mahal kita…”

“Thank you…”

Thank you.

Natawa na lang ako sa sagot nya, sige, pwede na yon.





“Text mo ko kapag may problema ah?” Cyther said before leaving my doorstep. I nodded and gave him a sweet smile. “Kumain ka, babalik ako agad.”


“I’m fine.” I assured him pero he just gave me a smug face.


“Eym fayn.” He said, imitating me while making a face so I hit his chest. “Uy chansing.” Saway nya na nagpalaki ng mata ko.


“Ang kapal ha.” He laughed a little and caught my hand to kiss it.


“Remember to say elmo if something’s wrong.” My eyebrows met.


“Elmo?”


“Mhm, parang code. Darating agad ako.” I smiled at him and squeezed his hand.


“Talaga?”

“Yes kamahalan, nanginginig pa.” I rolled my eyes on him and laughed.


“Go na, your friend is waiting.” He let go of my hand and took a few steps away only to go back and kiss me on my forehead. “Mhm ano ba…” I said, all smiles.


“I’ll be back.”


“I know.”


“I love you.” I stared at him. “Hindi mo kailangan sumagot. Alis na ko.” Hinalikan nya ulit ang buhok ko bago tuluyang umalis.

I watch him walk away from my unit until I can no longer see his back.


I like you Cyther.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SANDALITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon