Sa isang sikreto at lumang templo na napapalagay sa ilalim ng isang musiliyo, nagtipon-tipon ang anim na mga nakakatandang ermitanyo na kabilang sa kunsihong tintawag na "ErmiMata" para sa isang napakaimportanting pagpupulong. Pinamumunoan ang kunsihong ito ni Felizardo Fuentes; ang pinaka matalino at ang pinaka maabilidad na ermitanyo sa kanilang hukbo.
Habang komportable nakaupo si Filizardo sa isang malaking at bilogin na mesa kasama ang iba pang anim na membro ng kunsihong yon,sinimulan na nila ang kanilang pagpupulong
"Mga kapatid kong ermitanyo,pinatawag ko kayong lahat sa pagpupulong na ito upang talakayin ang bagong propesiyang lumutang sa templong ito." panimulang bati ni Felizardo sa kanyang mga kabaro.
Tumayo si Felizardo mula sa kanyang kinauupuan niya at itinuro at pinakita niya sa kanyang mga kasamahan ang bagong sulat sa diding sa templong na biglaang lumutang doon.
"Alam naman natin lahat na ang templong ito ay may kakayahang magbigay ng mga propesiya na gumagabay sa atin sa pag pagpigil sa mga paparating na sakuna o di kaya sa pag protekta sa bagong silang na bayani na makakapag salba sa ating lahat sa paparating na trahedya.
At ngayon mga kapatid, pagmasdan at basahin ninyo ang panibagong propesiyang lumutang sa diding ng ating sagradong templong nang sa ganun ay mapaghandaan natin ito." sabi ni Felizardo sa kanyang mga kabaroPinagmasdan at binasa ng tahimik ng ibang ermitanyoang ang bagong propesiya na lumutang sa diding ng templong yon.
Pagkatapos non, binasa naman ni Felizardo ng malakas ang propesiyang iyon ng saganun ay sabay-sabay nilang maunawaan ang nakamarkang propesiya sa diding na yon."Sa isang malayong hinaharap ,Isang delobyo ang magaganap
Puting delobyong mapagkumbinsi ,Sa hinaharap ay tiyak na mangyayari
Bunga ng ugnayang Nimpa at Anito,Sisira at Babago sa buong mundo
Puting delobyo ay magaganap,Kapag ang liwanag ng buwan at araw ay hindi mahawi sa ulap
Sa Paglabas ng ng Nimpang naging tao ,Mundo ay maaring masalba sa delobyong ito.
Ngunit ang hindi alam ng karamihan ,Na ang delobyong ito ay kinakailangan
Sa muling pakaka-ayos ng kalikasan,At sa pag tino ng sangkatauhan." ......pagbasa pa nang malakas ni Felizardo sa propesiya na lumutang sa dingding nang templo iyon.Pagkatapos binasa ni Felizardo ng malakas ang propesiyang iyon, nagsitinginan at nagbubulungan ng kanilang mga opinion sa isat-isa ang iba pang kasapi ng kunsihong iyon .
"Ngayon mga kapatid, gusto kong pakingan ang inyong mga mungkahi na pwede makatulong sa pag iwas sa Puting delobyong ito na maaring makaapekto sa milyon-milyong buhay sa mundong ito."..... mungkahi pa ni Felizardo
Tumayo mula sa kinuupan nito ang pangalawa sa pinaka magaling na ermitanyo sa kunsihong iyon;si MIGNO ABELYA upang ipahiwatig ang kanyang kuro-kuro sa propesiyang iyon.
"Sa tingin ko naman pinunong Felizardo, mas makakabuti siguro sa lahat kung wala tayong gagawing hakbang para pigilan ang delobyong ito, sa halip ay kaylangan pa nga natin itong pangalagaan at esekrito sa mundo ng sa ganun ay walang makakapigil dito at matutuloy ang paglabas ng delobyong ito sa hinaharap."......munkahi pa ni Migno
"Nahihibang kana ba kapatid kung Migno?….. Gusto mong matuloy ang delobyong pwedeng makakitil ng milyon-milyong buhay sa mundong ito?"........ pag-alalang tanong ni Felizardo kay Migno
"Oo naman!…. kung ang kapalit naman ng delobyong ito ay tunay na pagbabago sa lupain ng mga tao. Tignan nyo naman ang mga nagyayari sa panahong ito, nagkakaroon na ng napakaraming digmaan na kumikitil ng napakaraming inosenting buhay. Nagkakaroon din ng napakaraming pabrika at iba pang mga mapang-abuso sa kalikasan na mga gawain ng tao ng sa ganun ay mas lalong yumaman ang mga ganid na mga negosyante at mas lalong maghirap pa ang buhay ng mga pangkaraniwang tao. Kung nangyayari na ang mga ito sa panahong ito, ano pa kaya ang mayayari sa hinaharap? Mas dadami ang digmaan at patayan at mas lalong dadami din ang mga ganid na mga negosyante na gumagawa ng mga aktibidad na nakakasira sa kalikasan sa ngalan ng pagkakaroon ng mapakaraming kayamanan kahit na alam nilang pwede itong maging mitya ng tuluyang pagkawasak ng ating mundo." ..... paliwanag pa ni Migno sa kanila .
Napasigaw sa galit at napatayo sa kinauupuan si Migno sabay sigaw.....
"Kaya dapat lang talaga na mangyari ang propesiyang ito!!!…"
"Sabi pa nga sa propesiya; Ngunit ang hindi alam ng karamihan ,Na ang delobyong ito ay kinakailangan
Sa muling pakaka-ayos ng kalikasan,At sa pag tino ng sangkatauhan."..... dadag pa niya
YOU ARE READING
Servants of the Moonlight
FantasyFantasy/Romance/Adventure May isang nilalang na tintawag na Nimpa (Nymph) ang aksidenting naging mortal na tao dahil sa pagpapagaling at pagtulong niya sa lalakeng nag-aagaw buhay sa gitna ng kagubatan. At dahil sa paggiging mortal na Nimpang ito...