Chapter 3 - Yera

9 0 0
                                    

Lumipas ang 10 taon, tuluyan nang namatay ang napakatandang narra na pinag ukitan ng simbolo ng pagmamahal ng pamilyang Solis. Nang tuluyan na itong natuba, lumabas mula sa katawan nito ang isang maliit na kulay asul na ilaw. Pagkalabas ng ilaw na ito sa kawatan ng napakatandang narra, nagsimula na itong maglakbay patungo pinaka lilib na sulok ng kagubatan na yon. Habang naglalakbay ang ilaw na ito, meron ding ibang ilaw na kulay asul na kasabayan nito na patungo din sa magkaparehong direksyon. Nagmistulang mga kulay asul na alitaptap ang mga ilaw na ito na patungo sa isang napakalaking kahoy sa pinakaliblib na sulok ng kagubatan na yon. Kilala ang punong ito sa tawag na Punong Santwaryo;ang tirahan ng mga espiritung gubat.

Tumagos papasok ang mga ilaw na ito sa loob ng katawan punong kahoy na yon. Pagpasok ng mga ilaw, makikita sa loob ng punong ito ang napakaraming espiritung gubat o mas kilala sa tawag na mga nimpa (Nymph) na nagtitipon para sa kanilang panggabihang pagtitipon sa pagsibul (nightly birth gathering). Ang panggabihang patitipon sa pasgsibul (nightly birth gathering) na ito ay ang pagtitipon at pagsasaksi ng mga nakatatandang mga nimpa sa pagsilang at pasibul ng mga bagong nimpa. Nang nakapasok na ang mga ilaw sa loob ng punong kahoy na yon, nag tungo agad ang mga ito sa pinaka sentro na bahagi ng puno iyon kung saan makikita ang halimhiman (hatching area).
Ang Halimhiman (hatching area) ay isang napakalaking entablado sa pinaka gitnang bahagi ng Punong Santwaryo. Nasa ibabaw din ng Halimhiman (hatching area) ang isang napakalaking bintana na nakaharap sa langit(sky window) kung saan pumasok ang sinag ng buwan na nagtrasform sa mga bughaw na ilaw na yon sa pagiging mga nimpa. Pagkatapos magtransform ng mga bughaw na ilaw sa pagiging nimpa, tumutung ng entablado ang reyna at ang pinakamagandang nimpa sa lahat; si REYNA BAFASHA para mag bigay ng mensahe sa mga bagong sibul na mga Nimpa........."Sa paglipas ng buhay ng isang punong karilagan, isang bagong buhay ang isisilang, Maligayang bati mga bagong nimpa ng ating kagubatan, ako pala si Reyna Bafasha.. ang punong gabay ng ating kakahuyan.
Maligayang pagdating sa ating Punong Santwaryo naway marami kayong matulungan at magabayang mga nilalang sa gubat na ito. Ngayon, kung pwede gumawa kayong anim na bagong sibul na mga nimpa ng isang pila doon sa kaliwang sulok ng entabladong ito para masimulan na natin ang seremonya ng pagpapangalan sa inyo (Naming Ceremony)."

Nagsimula nang gumawa ang pila sa kaliwang sulok ng entablado ang mga bagong nimpa.
Pagkatapos magawa nang mga bagong nimpa ang kanilang pila , ay nagsalita ulit si Reyna Bafasha........"Ngayon naka pila na ang lahat, lumapit kayo isa-isa dito sa harap nang sa ganun maisuot ninyo ang mahiwagang kwentas na ito."

Ipinakita ni Reyna Bafasha ang kwentas na yari sa mga ugat ng isang kahoy na may pendant na korting mukha ng isang tao na inukit sa kahoy at pagkatapos ay nasimula na naman siyang magsalita ......
"Ang tawag sa kentas na ito ay "QIBA BAMA" , may kakayahan itong makita ang buong personalidad ng isang nilalang, ngayon siya ang magdidisyun kung ano ang itatawag sa inyo na babagay sa inyong personalidad.
Kaya simulan na natin ito!... kaya pumunta na dito sa harap ang pinaka una sa pila."

Pumunta sa harapan ang pinaka una sa pila at pinasuot ni Reyna Bafasha ang Qiba Bama sa nimpang ito. Biglang umilaw ang mahiwagng kwentas na yon at nagkaroon ng buhay. Pagkatpos umilaw at nagkaroon ng buhay ang Qiba Bama, nagsimula na ring magsalita ito......"Aaa..... hmmmmm.... Nakikita kong puno nang kabutihan ang puso ng nimpang ito,.. mukhang magiging isang napaka maalaga niyang nimpa sa mga hayop at sa kalikasan....katulad ng pag-aalaga ng isang ina sa kanyang anak. Ang ipapangalan sa kanya ay si; "ISA" na ibig sabihin sa makalumang lenguahe ng mga nimpa na; "Ina"."

Palapakan namin natin ang ating bagong kapatid na si Isa..... utos pa ni Reyna Bafasha

Pinalakpakan naman siya ng ibang nimpa na nanonood sa seremonya

Pagkatapos ay hinubad nI Reyna Bafasha ang mahiwagang kwentas mula sa leeg ni Isa kinausap niya si Isa at sinabing ....."Samahan mo na ang iyong mga nakakatandang kapatid mong nimpa don sa upuan ng mga tagapakinig(audience area)"

Servants of the Moonlight Where stories live. Discover now