11 taon ang lumipas mula nong nagpicnic ang pamilyang Solis sa gubat, maraming nagbago sa buhay ng mag-anak. Dahil sa pagiging pursigido ni Fredirico,nakamit niya kanyang pangarap niyang maging heneral at Ingrid naman ay naging head nurse sa isang mamahalin at pribadong hospital. Gamit ang kanilang mga sahod, bumili sina Fredirico at Ingrid ng isang lupain gusto nila pagtamnan ng ibat-ibang produktong mapagkakitaan. Hindi naglaun ay lumago ang kanilang biniling lupain na naging asyendang puno ng mga alagang hayop at pananim na naging bukal ng kanilang karangyaan. At Dahil sa paglago ng negosyo ng mga Solis, napagdidisyunan din ni Ingrid na tumigil nalang sa pagiging nurse at mag focus nalang sa kanilang negosyo at sa kanilang pamilya. Ang kanilang anak naman na si Roberto ay naging isang karate athlete mula pa nong 1st year high school at mula noon laman na si Roberto ng ibat-ibang karate compitation sa ibat-ibang bansa. At nong 21 year old na siya , naging opisyal na representante ng Pilipinas si Roberto sa Olympics at nauwi niya ang Silver medal sa larangan ng karate. At mula non, pabalik-balik na si Roberto sa naturang sporting event.
Masaya at kontento na sana ang pamilyang Solis sa takbo ng kanilang mga buhay ngunit isang kagimbalgimbal na pangyayari ang dumating sa kanilang buhay.
Napuno ng mapuputing bulaklak ang mansion ng mga Solis. Nagsadatingan din ang mga bisitang naka uniformpe ng mga malalaking opisyal ng sandatahang lakas ng Pilipinas. At nong gabi ding yon, napuno ng dalamhati at pakikiramay ang mansion ng mga Solis dahil sa pagkawala ng kanilang padre de pamilya.
Nakaupo ang matandang donyang may bahay ni Fredirico na si Ingrid (60 years old now) sa harap ng puntod ng kanyang namaalam na asawa na may bahid ng matinding pighati sa kanyang pagmumukha. Biglang may lumapit kay Ingrid na isang matandang ginoo na naka pang Heneral uniporme. Nagpakilala ito sa kanya bilang Heneral CUSTODIONakikiramay po ako sa pagkamatay ng asawa mong Mrs. Solis ......"sabi ni Heneral Custodio kay Ingrid
Maraming Salamat Heneral Custodio… sagot naman ni Ingrid kay Henral Cusodio habang nakatingin pa rin sa puntod mg kanyang asawa.
Umupo sa tabi ni Ingrid si Heneral Custodio at tinignan din niya puntod ni Frederico. Pagkatapos umupo ni Heneral Custodio sa tabi ni Ingrid, kinausap ni Heneral Custodio si Ingrid ......"Sa Tagal ko nakilala at nakasama ang asawa ninyo sa mga napaka dilikadong misyon Mrs. Solis, ang masasabi ko lang ay isa siya sa pinakamagigiting at maasahang sundalong nakilala ko. Kung saan ma siya naroon ngayon, sigurado akong nasa mas mapayapa at mas magandang lugar na siya ngayon.
"Sa ilang taon na pag-alala ko sa kaligtasan niya kapag napapasabak siya mga napaka dilikadong misyon, hindi ko sukat akalaing na isang tumor sa utak lang pala ang makapagbabawi ng kanyang buhay..... "maluha-luha pang kwento ni Ingrid kay Heneral Custodio
Hindi talaga natin mahuhulaan at makokontrol ang plano ng Panginoon sa atin Mrs. Solis…... Ang tanging bagay na makokontrol lang natin sa buhay na ito ay kung paano tayo makaka apekto at makakatulong sa buhay ng iba. At sa parting iyon, hindi talaga nagkulang si Fredirico sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa niya. Mrs. Solis napaka swerte nyo ho sa asawa nyo…. Isa siyang tunay na bayani sa pamilya mo at sa bansang ito..... sabi naman ni Henral Custudio kay Ingrid
Biglang lumapit ang helper ni Ingrid na si Feli sa kanila at binulungan niya si Ingrid "Maam…. Nandito na ho si Sir Roberto!…"
"Ha?…." sagot naman ni Ingrid kay Feli sa bay lingon sa may entrance nang kanilang bahay
Pagtingin ni Ingrid sa may entrance ng kanilang bahay, nakita niya si Roberto na may dalangdalang maraming bagahe"Maiwan ko muna kayo Heneral Custodio"..... sabi naman ni Ingrid kay Heneral Custodio sabay alis mula sa inu-upan nito para puntahan ang kanyang bagong dating na anak
"Sige ho… Mrs.Solis".... sagot naman ni Heneral Custodio
Sinundo nina Ingrid at Feli sa may entrance si Roberto. Nong nakita ni Ingrid ang mga bagahe ni Roberto, agad niyang inutusan si Feli upang iakyat sa kwarto ni Roberto ang mga gamit nito "Yaya Feli paki akyat nalang po ng mga bagahe ni Roberto sa kwarto niya…."
YOU ARE READING
Servants of the Moonlight
FantasyFantasy/Romance/Adventure May isang nilalang na tintawag na Nimpa (Nymph) ang aksidenting naging mortal na tao dahil sa pagpapagaling at pagtulong niya sa lalakeng nag-aagaw buhay sa gitna ng kagubatan. At dahil sa paggiging mortal na Nimpang ito...