Nong tuluyan nang makalabas si Yera mula sa Punong Santuaryo, buong gabi niyang nilakad ang daan palabas nang kanilang kakahuyan. Napakalawak at napakalayo kasi nito sa tirahan nang mga tao. Na tonton ni Yera kung saan ang mga pinakamalapit na kumunidad nang mga tao dahil nabasa niya ito sa libro. Pagdating niya doon, hindi siya nag-atubiling lapitan ang munting kubo upang siyasatin ang napapaloob nito. Pagdungaw niya sa loob nng kubo na ito, nakita niya sa loob ang isang pamilyang abalang gumagawa nang kanilang pangaraw-araw na gawaing bahay. Ang ilaw nang kanilang tahanan ay abalang nagluluto nang kanin at pritong itlog at isda para sa agahan nang kanilang pamilya. Ang kanyang anak na babae naman ay abalang nag-aayos at naghahanda nang kanilang mga pingan at ibang pang kurbertos na gagamitin nila sa pagkain. Ang anak naman lalake ay abalang naglabas-pasok sa kanilang bahay upang mag-igib ng tubig mula sa kanilang puso sa labas. Ang haligi nang tahanan naman ay abalang nag sisibak nang panggatong na kahoy. Manghang-mangha si Yera sa kanyang nakikitang mga kagamitan nang mga tao na ngayon palang niya nakita sa buong buhay niya.Pagkatapos makita ni Yera ang ginagawa nag pamilyang yon, napagdidisyunan niyang libutin pa ang buong kumunidad. Sa paglilibot niya, mas marami pa siya natuklasan na mga bagong bagay at kagamitan na ngayon pa lang niya nakita. Kabilang sa mga kagamitan na ito ay ang mga nagtatakbohang mga bisikleta, motorsiklo at iba pang mga sasakyan, mga benibentang mga ibat-ibang uring mga palamuti at kasangkapan sa bahay , mga panggiling nang palay at maraming pang iba. Habang nagmamasyal si Yera sa maliit na kumunidad na yon, hindi naman siya napansin nang mga tao doon dahil hindi kasi nakikita nang mga normal na tao ang mga nimpa.
Nong matatanghali na, napagdidisyunan ni Yera na bumalik na sa kanilang kaharian dahil nag-aalala siyang baka hinahanap na siya nang mga kapatid niyang nimpa at baka mas mapapagalitan pa siya ni Fagaa kung gagabihin siya nang uwi.
Pagbalik ni Yera sa loob nang kakahuyan, may naring siya ingay sa di kalayuan. Nong napagdisisyunan niyang suriin ang pinagmulan nang ingay na iyon, nakita niya ang isang binatang lalaki na nakahiga sa tabi ng isang putol at patay na punong narra na mukhang namimilipit sa sakit , mukhang nahihirapan sa paghinga at umu-uga (shake) nang husto ang katawan nito. Napagdidisyunan ni Yera na lapitan siya at alamin kung anong ang nangyari sa binatang iyon.
Paglapit ni Yera sa lalaking iyon, nakita niyang bumubula ang bibig nito na para nalason ito or di kaya nakagat nang makamandag na hayop sa gubat. Kaya agad-agad na niyang sinuri ang katawan ng binata kung may sugat ba ito or di kaya kagat na isang hayop. Matapos suriin ni Yera ang katawan nang binata, nakita ni Yera na may kagat nang makamandag na ahas ang leeg nito. Sinubukan ni Yera na pagalingin ang sugat na yon gamit ang pagpapailaw at pagpapadaloy nang enerhiya mula sa kanyang kamay patungo sa sugat nang lalaki, ngunit wala epekto ito at patuloy parin sa pag-uga (shake) ang katawan nang binata . Nabigla si Yera pangyayaring iyon dahil kadalasan gumagana ang kanyang kapangyarihan sa isang simpleng pagpapagaling nang sugat mula sa isang kagat nang makamandag na ahas.
Dahil sa kaganapang iyon, napagdidisyunan ni Yera na kunin ang lahat nag bulang bumubara sa bibig nang lalake gamit ang kamay niya. Nong nakuha na niya ang karamihan sa mga bulang bumumara sa bibig nang lalaking iyon, nakita niyang na namamaga nag husto ang leeg ng binatang iyon. At dahil sa pamamagang iyon, wala hangin ang makakadaloy sa lalamunan niya at hindi na siya makakahinga na maayos.
Hindi na alam ni Yera kung ano ang pwedeng niyang gawin upang tulungan ang naghihingalong lalaki. Hanggang biglang tumigil na sa pag-uga ang katawan ang lalaki at napansin ni Yera na hindi na humihinga ang binatang iyon. Kaya naman na taranta si Yera at dinampi niya ang kanyang labi sa bibig nang nahihimlay na lalaking iyon upang bugahan ito nang hangin, ngunit hindi pa rin ito humihinga. Nong napansin niyang hindi parin ito gumagana, napagdisisyunan niya idampi ulit ang labi niya sa labi nang lalaking iyon at padaluyin ang enerhiya niya mula sa katawan niya patungo sa katawan nang binatang iyon. Nong ginagawa niya ito, naramdam ni Yera na dahan-dahan nang humihinga ang lalaki iyon, kaya napagpasyahan niyang ipagpatuloy ito.
Habang pinapagaling at dinadampi ni Yera ang kanyang labi sa labi nang lalaking iyon, umilaw nang husto ang kanyang katawan. Napansin din niya na nang init nang husto ang kanyang buong katawan at naramdaman din niya na unti-unting nawawalan siya nang lakas. Habang patuloy niyang ginagamot na ang binatang iyon, unti-unti ring na uubos ang kanyang lakas hanggang tuluyan na siyang mawalan nang malay.
YOU ARE READING
Servants of the Moonlight
FantasyFantasy/Romance/Adventure May isang nilalang na tintawag na Nimpa (Nymph) ang aksidenting naging mortal na tao dahil sa pagpapagaling at pagtulong niya sa lalakeng nag-aagaw buhay sa gitna ng kagubatan. At dahil sa paggiging mortal na Nimpang ito...