MARGARETT
Mukhang masaya na nga si Dianne
kasalanan ko din naman sumuko ako hindi ko kinaya ang pressure ng mga tao sa paligid nya...2 yrs.pero ito pa din sya hindi ko makalimutan...kailan kaya mapagod itong puso ko para wala na akong maramdaman..ok lang na mahal ko pa sya pero yong sakit na nararamdaman ko na may iba na nagpapasaya sa kanya..bakit ganun sya ang bilis nya makamove on bakit ako hindi ko magawa kahit may gusto naman na pumalit sa puso ...kinoconvince ako ng principal na mag aaply ulit sa deped kaya lang back to zero dahil ang dating item ko nabigay na sa iba...makita ko na naman si Dianne lalo lang ako masasaktan habang nakikita ko sya na may kasama ng iba...
Nagtry ako na mag apply online sa mga private school...
Pinalad naman ako sa isang sikat na university na matanggap bilang registrar mas ok na to hindi stress sa mga bata at least office works na lang ako..May 15 days pa ako na pahinga bago makapag umpisa ng bagong trabahu..Naisip ko puntahan ang Mama ni Dianne para bigay ko na din ang pasalubong at gusto ko din makita si Denver mis na mis ko na ang batang yon..
Pumunta ako sa oras na uwian na din ni Denver sa school..
Ng makita ako sobrang nakakatouch dahil yumakap sa akin ng mahigpit at umiiyak,yong lola pati ako...Denver
Tita Margarett balik ka na sa amin ni Mommy pls.po mis na mis na po kita pls.pls.Tita ayaw ko kay Tita Vanie love nya lang ako pag andyan si Mommy..Mama
Oo nga nak ayaw ko kay Vanie plastik pag andyan si Dianne akala mo anghel kung makabati sa akin pero pag wala ang anak ko ilang beses ko nahuli iniirapan ako..ganda lang meron sya pero ugali malayong malayo syo nak..ayaw ko lang sabihin kay Dianne baka sabihin sinisiraan ko si Vanie yan pa naman pag mahal nya ang tao wala syang pinapakinggan...Me
Baka naman po hindi alam ni Dianne na yan ang pinapakita sa inyo pag wala sya...masaya na po sila...hindi na po ako ang mahal ni DianneMama
Yon nga lang...sana maantay mo sya mauntog..hay ewan ko ba kay Dianne simula ng nagladlad yan ayaw na mabakante hindi alam ang tinatawag na ipahinga ang puso...hindi ka man lang maantay na bumalik ka..katwiran nya para daw mawala ang sakit na iniwan dapat daw magmahal ka ulit..
baluktot na katwiran ng mga taong immature..Me
Buti pa sya nagawa nya ang ganung katwiran... ako kung pwede lang sana ginawa ko na din yan kaya lang hindi eh...gusto ng isip ko pero ayaw naman ng puso..Mama
Pero nak kung sakali balikan ka ng anak ko dahil mahal ka pa..may babalikan pa ba sya...ikaw lang ang gusto ko maging manugang nak walang halong kaplastikan...kahit si Ricci nun ayaw ko din dahil puro porma lang ang alam..mas lalo ngayon kay VanieMe
Hindi ko po alam...sa ngayon siguro hayaan muna natin sya kung anu ang gusto nya sa buhay nya parang sya mismo walang planu sa future yan ganyan lang sya trabahu gala gawin ang mga hilig nya kasama tropa nya..Marami pa kaming napag usapan ng Mama ni Dianne tungkol sa kanya..
kaya ko sya iniwan gusto ko matuto sya hindi dahil sinabi ko kundi para sa sarili nya mismo pero hindi din pala mas lumala pa para syang ibon na kinulong mo tapos ng makawala todo lipad ng pagkalayo layo..akla ko tuloy tuloy nya inalis ang mga bagay na inaayawan ko ng magkasama pa kami...yon din pala ang naging sandalan nya para makalimutan ako...Nag uumpisa na din akong pumasok sa bago kung trabahu bilang registrar medyo mahirap ang transistion from teaching biglang naging office work..puro papel ang kaharap mo araw araw mga record ng lahat ng estudyante na nag aral dito...
Parang hinahanap ko pa din ang pagtuturo..kahit naeestress ka sa mga estudyanteng pasaway pero yon pa din ang gusto ko...wala pa naman akong kontratang pinirmahan kaya pwede pa magbago isip ko...
BINABASA MO ANG
Take the Risk
FanfictionMadalas tayo ay hindi takot sumubok...pero panu kung hindi tayo nagtagumpay?