Nagdecide na kami ni Margarett na magkaron ng anak na galing mismo sa amin at pumayag naman na sya ang magbubuntis...nahiya man ako na kay Margarett lahat ang pera na gagastusin...babawi na lang ako sa ibang bagay..tama lang din na nagresign ako para matutukan ko na din ang pamilya ko at magkaron kami ng sariling anak ni Margarett..
Bago namin umpisahan ang planu namin magkaanak kailangan pa namin na paliwanagan si Denver
dahil very vocal sya na ayaw nya magkaron ng kaagaw sa attention
namin ni Margarett..ok lang daw sa Daddy nya kasi hindi nya naman kasama sa bahay..
Sa tuloy tuloy na pagpapaliwanag pumayag na din sya may mga kundisyon lang sya na sila daw ng lola nya ang mag aalaga..pati na din si Mama natuwa na din sa planu namin magkaanak..Me
Ma pwde kayo muna tatao dito..aalis lang kami ni Margarett...punta kami ng st.lukes global ito lang daw ang hospital na may facility para sa ivf..Mama
Akala ko nak sa ibang bansa pa...meron na din pala dito sa pilipinas..ok walang problema si Eric na lang ang magddeliver para si Jason kasama ko dito sa loob...Binigyan kami ng schedule kung kilan kami babalik kailangan din magtake ng pre natal vitamins si Margarett at least 30 days before the ivf cycle...
Masyado maingat si Margarett...kaya hindi ko na sya hinayaan na tumulong sa pagbebenta..cashier na lang sya lahat ng bilin ng doctor na bawal sa kanya at mga pagkain na kailangan nyang kainin ay sinunod namin lahat..kahit hindi pa namin alam ang result kung positive ang lakas ng pakiramdam ko na may nabubuo na sa kanyang sinapupunan dahil nag iiba na ang mood nya..kahit walang dahilan bigla na lang sya nagagalit...pag babae ang customer ayaw nya na ako ang magbebenta..
Ngayon ang schedule namin para bumalik sa doctor para sa pregnancy test nya nagdasal muna kami na sana positive ang result gusto ko na maging kumpleto na ang kaligayahan ni Margarett..ang magkaron ng sarili nyang anak ang kukumpleto sa kanya bilang babae..
Umuwi kami na sobrang saya dahil positive at 1 month pregnant na si Margarett...halos ayaw nya ng kumain after namin lumabas sa st.lukes busog na daw sya sa saya dahil sa result ng pregnancy test..
Nang makauwi na excited na sinalubong kami ni Mama at Denver..sabay pa silang sumigaw ng binalita namin na buntis na si Margarett agad agad yumakap si Denver sabay halik sa tummy ni Margarett..
Madalas akong sungitan ni Margarett kahit wala naman akong ginagawa..pinagtatawanan ko na lang sya kasi lalo lumalaki ang ilong nya pag nagsusungit...madaming nakapansin na sobrang laki daw ng tyan ni Margarett parang hindi daw ordinaryong laki sa isang 5 bwan na buntis..kaya naisipan namin na humingi ng schedule sa ob gyne nya kahit wala pa syang schedule for check up..may nagsabi kasi na costumer na baka daw kambal ang anak namin...
Tama nga kambal daw ang anak namin...nabanggit naman ni Margarett na wala siyang nabalitaan na may lahi silang kambal..pag dating sa bahay yon agad ang tinanung ko kay Mama kung may lahi kaming kambal..ang father ko pala ay may kakambal pero bago kami ipananganak ng ate ko namatay na ito sa aksidente binata pa lang kaya hindi na din nakwento sa amin..
Sobrang tuwa namin ipinagdasal namin kahit isa lang basta magkaron lang kami ng anak ni Margarett pero ang binigay ni Lord 2..kaya halos ayaw ko na pakilusin si Margarett ..
Margarett
Love uupo lang ako wag kang oa...ayaw ko ng nakahiga..mas nalilibang ako pag nasa tindahan..Me
uupo ka lang wag ka magbebenta..love kuha kaya tayo ng isa pang kasama sa tindahan babae naman..Hindi pa ako tapos mgsalita may lumipad na sa ulo ko na unan..
Me
Anu ba love anu ba masama sa sinabi ko para din naman syo yon kasi habang andito ako sa loob nagluluto o may ginagawa may kasama ka hindi naman kasi lahat ng oras andyan si Mama at Denver na kasama mo sa tindahan..
BINABASA MO ANG
Take the Risk
FanfictionMadalas tayo ay hindi takot sumubok...pero panu kung hindi tayo nagtagumpay?