Ok na ang lahat inaantay na lang namin ang pinsan ko sinundo ni Mama sa probinsya..puno na din ang tindahan ng laman..excited na din si Margarett lalo na si Denver pagtapos nya daw gawin ang assignment nya samahan nya daw Mama margarett nya magbantay ng tindahan..sya na din nagsabi na Mama na tawag nya kay Margarett kasi para 2 daw ang nanay nya..tuwang tuwa naman si Margarett sa kanya..Madami dami na din nagtatanung na mga kapitbahay kung kilan daw bubuksan para daw hindi na sila mahirapan pumunta sa ibang tindahan dahil ilang kanto din ang pagitan ng tindahan banda sa amin..binibiro ko na lang na kailangan si Bea Alonzo ang magccut ng ribbon..kumuha na din kami ng permit para hindi magkaproblema...
Maayos na din ang pagsasama namin ni Margarett may mga bagay na hindi namin mapagkasunduan pero ako na lang naggive way para hindi na kami magbangayan..
Pero kahit anung tahimik ng pagsasama nyo may mga epal talaga na ayaw manahimik..si Vanie..
Masaya kaming kumakain ng lunch ng may kumatok binuksan naman agad ni Denver..
Napalingon kami pareho ni Margarett ng marinig namin ang pangalang tinawag ni Denver..Denver
Hello Tita VanieVanie
Hi Denver..big boy ka na ha..hello..I remember you..di ba ikaw yong dating teacher sa school nila ni Dianne?Tumayo si Margarett para makipagshakehand sa kanya..
Margarett
Yes..Margarett..and you are...Vanie
Vanie..Vanessa Gandler...Dianne ayaw mo man lang ba invite ako para kumain..Me
Wala na pasensya na kasya lang sa amin ang niluto ngyong lunch...Denver finish your food na nak..ah Vanie si Margarett nga pala asawa ko...bakit ka nga pala pumunta,kung yong mga naiwan mong damit nilagay ko na sa bag nasa stockroom...Vanie
Yes kukunin ko lng ang naiwan kung gamit pati yong laptop nga pala andon na ba kasama ang mga damit ko?Dianne pwede ba tayo muna mag usap?Me
Love pwede usap lang kami kung ok lang syo?
Margarett
Ok no problem..sa loob lang ako ng tindahan para maayos ko pa ang iba..Vanie
ang bilis mo naman naging asawa si Margarett..wala man lang ako kaidea idea na magiging kayo..di ba hindi naman tayo nagbreak dahil pwersahan ako ni Daddy na pinadala sa US ng malaman nila na dito ako nakatira syo pag wala ako sa bahay..sori kahit paalam hindi ko nagawa dahil pati cellphone ko kinuha ni Mommy..Me
ok lang tapos na yon at masaya na kami ni Margarett at hindi ngayon lang kami nagkakilala bago ka dumating sa buhay ko naging kalive in ko sya ng mahigit 2 yrs naghiwalay lang kami ng pumunta sya sa australia yon din time na nagkakilala tayo..kaya ng bumalik sya yon bumalik lahat ng nararamdaman ko..
Vanie
Rebound ba ako..kaya pala simula ng makita natin sya sa school nag iba na ang pakiramdam ko sa mga kilos mo..pati sa shakeys kaya pala halos buong pamilya nya kilala ka..grabe no dami mo pala tinatago sa akin ng tayo pa..samantalang ako alam mo lahat..pero wag ka mag alala happy na din ako na happy ka din..akala ko may babalikan pa ako ..handang handa na sana ako ipaglaban ka..Me
sori Vanie minahal din naman kita kaya lang si Margarett talaga kahit ilang beses pa siguro kami maghiwalay sya pa din talaga ang mamahalin ko..salamat dahil sa time na sobrang nasaktan ako dumating ka para sumaya ulit ako...salamatNaintindihan naman lahat ni Vanie ok na din at least nagkaron na kami ng closure..siguro naman tahimik na kami ni Margarett..bago sya umalis yumakap muna sya ng mahigpit sa akin at nagpaalam din sya kay Margarett at Denver..
BINABASA MO ANG
Take the Risk
FanfictionMadalas tayo ay hindi takot sumubok...pero panu kung hindi tayo nagtagumpay?