VIII - Pamamaalam (1)

14 2 0
                                    

"Naririto na tayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Naririto na tayo... Azure, Elizer... Maligayang pagbabalik sa Variega!" Maligayang sigaw ni Nina nang sila'y lumabas mula sa lagusan nasa gitna ng kagubatang Ifvlond. Kung noong sila'y umalis sa mundo ng mga tao, ay madilim na at ang liwanag ay buwan palitaw na, nang makarating naman sila sa Variega, ang araw ay nakasikat na. Kanilang nakita ang liwanag nito na tumatagos sa pagitan ng mga dahon ng mga nagtataasang puno, iniilawan ang maputik na daan sa harapan nila. Maliwanag ang araw, at nagbibigay init sa nanlalamig na mga katawan mula sa taas. Mas lumakas tuloy ang anyaya ng kapaguran na magpahinga. Iginala ni Azure ang kanyang mga mata, at nakita ang mga malalaking ugat, na para bang tinu-tukso siyang humiga sa mga iyon ay ipikit ang mga mata— at sandaling mamahinga, na balot ng lumot at mga kabuteng may kakaibang kulay, malayo sa mga kabuteng nahahanap lang niya sa kanilang likod bahay sa tuwing titila ang ulan. Ang kanyang pandinig naman ay binusog ng mga awit ng buhay sa kagubatan, sa kanilang itaas ay kita ang mga ibon na nagsasayaw sabay sa direksyon ng hangin, ang ilang insektong gumagawa ng ritmikong buzz sa kanilang harapan. Sa di kalayuan, kanilang natatanaw ang isang kubo na gawa sa mga pinagtagpi-tagping tolda at mga dayaming pinatuyo na binalot ng lona para sa bubong nito. Kitang-kita rin na naglalabas ng usok ang tsiminea nitong yari sa ladrilyo, sa tabi no'n ay mayroong isang sampayan ng mga damit, habang ang landas papunta doon ay napalibutan ng mga batong may iba't-ibang hugis at laki, mga ligaw na bulaklak, at mga halamang tila namumunga ng seresa, pero hindi pamilyar para kay Azure ang mga iyon dahil malayo ito sa mga nakikita niya sa mga keyk at yung mga kinakain ng mga bata sa kanilang barangay. Base sa mga nakikita nila, tiyak na ang nilalang na kinikilalang kaibigan ni Nina ay hindi isang maharlika, o di kaya'y isang aravaa, o di naman ay isang nakakataas na miyembro ng mga tagasunod ng reynang si Rayleigh ng Rhirhakoth. Isang payak lamang na nilalang ang inaasahan nilang makita sa oras na sila'y makapasok sa loob. Sa pagpapatuloy ng kanyang pag-lalakad papunta sa kubo at habang naririnig ang sangang nahulog na naaapakan niya, kanyang nararamdaman ang kakaibang enerhiya sa kanyang katawan— enerhiya na kailanman ay hindi niya naramdaman sa mundong kinalakihan niya. Sa kanyang loob, naiisip niya na baka iyon ang paraan ng Variega upang siya'y malugod na batiin ng maligayang pagbabalik. Wala man siyang malinaw na alaala sa pakiramdam ng pamumuhay sa panibagong mundo na kinapadpadan niya, walang mapagsidlang tuwa ang kanyang nadarama habang humihingang malalim, at hinahayaang punuuin ng malinis na hangin ang baga niyang may bahid ng dumi dahil sa polusyon ng hangin sa syudad ng Maynila. Nang matapos ang kanyang katawan sa pag-ramdam sa bawat detalye ng lugar, ay mas naging malinaw sa kanya na siya'y nasa ibang mundo na kung saan sila ay maaaring magsimula ng panibagong buhay ng kanyang ama, kasama na rin ang dalawa niyang bagong kakilala. Marami man ang mga bagay na hahanap-hanapin niya gaya ng mga naging kaibigan niya sa unibersidad, at ang unibersidad na mismo, nararamdaman niyang mas magiging maayos kung sila'y maghiwa-hiwalay na ng landas. Ngayon na wala na siya roon, wala nang iba pang dahilan ang mga humahabol upang guluhin ang mga tao. At, kung sila ng kanyang ama ay mananatili lamang sa kandili ng proteksyon ng Rhirhakoth, siguradong hindi rin sila malalapitan ng kung ano mang nais manakit sa kanila. "Pa! Mukhang maganda nga talaga rito sa Variega!" Sabi niya nang tignan niya ang kanyang ama na hindi man lang gumalaw ng kahit isang hakbang mula noong sila'y lumabas sa lagusan. Kumunot naman ang kanyang noo nang makita ang ama na putlang-putla, at bigla na lamang sumuka ng dugo, at sa kanyang labis na kasindakan, ito'y natumba at kanyang nakita ang isang kutsilyo na nakatarak sa likuran nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AuroraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon