VI - Paglisan (4)

8 2 0
                                    

"Ano't napakahabang oras ang kinakailangan ni Bianca para lamang dakipin ang isang paslit?! Hindi na ako natutuwa pa sa bagal ng kanyang pag-kilos! Basahin mo ang kanyang liham, ngayon din!" Pagdadabog ng lalaking kagaya ng babaeng kanyang sinasab...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano't napakahabang oras ang kinakailangan ni Bianca para lamang dakipin ang isang paslit?! Hindi na ako natutuwa pa sa bagal ng kanyang pag-kilos! Basahin mo ang kanyang liham, ngayon din!" Pagdadabog ng lalaking kagaya ng babaeng kanyang sinasabi, ay nababalot rin ng itim na usok. Ang buong paligid ng kanyang kinaroroonan ay kulay dagtum, at ang sigaw ng mga naghihirap na nilalang ay umaalingawngaw sa mga pasilyo patungo sa tronong kinauupuan nito. Ang kanyang kautusan ay agad namang sinunod ng kawal na nasa kanyang harapan, binuksan nito ang nakatuping papel at binasa sa kanyang kamahalan ang nais sabihin ng nigromanteng isinugo sa mundo ng mga tao.

"Aravaa aldis samman, iyon lamang ang laman ng liham na ito, kamahalan!" Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki dahil sa kanyang mga narinig, inaasaahan niya na sa liham ay nasasaad ang isang magandang balita tungkol sa aravaa, ngunit hindi niya ina...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Aravaa aldis samman, iyon lamang ang laman ng liham na ito, kamahalan!" Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki dahil sa kanyang mga narinig, inaasaahan niya na sa liham ay nasasaad ang isang magandang balita tungkol sa aravaa, ngunit hindi niya inakalang "Nakatakas?! Nakatakas ang mag-amang aravaa?! Paano?! Isa kang inutil, Bianca! Sa oras na ikaw ay aking makita ay hindi lamang sampal ang iyong matatanggap mula sa akin! Janka nu necroma, Bianca!" dahil sa inis, hinugot nito mula sa saha ang espadang nasa kanyang bewang at inilabas ang galit sa kawawang kawal. Sa una'y nagsusumamo pa itong tigilan na ng lalaki ang pananakit, ngunit bingi na ang mga tenga nito at sarado na ang isipang nilamon ng inis. Sa mga oras na iyon, habang dumadanak ang dugo ng pobreng kawal, at habang ang espadang nadungisan sa tabi ng ulong gumugulong, dalawa ang napatunayan— una, hindi lahat ng nasa dilim ay hindi takot masaktan o masugatan, sa kanilang kalooban, ang ilan sa kanila'y malalambot ring nilalang na wala nang iba pang nagawa kundi magpa-alipin sa mga anino bunga ng kanilang kahinaan. Pangalawa, sa likod ng mga masasamang gawain, tiyak na mayroong isang rason na humihila ng mga lubid upang kumilos ang mga gumagawa nito. Maaaring sa pamamagitan ng pananakot o pagiging marahas, nang sa gayon ay kanilang maipakita ang kanilang pagiging dominante at nang lubos nilang makuha ang kontrol. "Ang aravaa na iyon ay dapat sa akin mapunta, sa akin lamang siya! Sa akin! Sa akin! Siya... Ay magiging isang magandang karagdagan sa aking koleksyon, hindi ba?" tanong nito sa babaeng kararating lamang sa loob ng silid, ang mga mata nitong tila walang buhay ay lumuluha ngunit ang mga labi nito ay nakangiti, na para bang ang dalawang emosyon ay nagtutunggali sa kanyang mukha. Hini-hila niya ang kanyang mga paa sa bawat hakbang papalapit sa lalaking nanlilisik ang mga mata at ang mga pangil sa kanya nang natatanaw, salamat sa liwanag ng buwan na nagawang magpuslit ng ilan nitong parte sa kanilang kinaroroonan. "O... Oo, m... M-mahal... S-sa iyo lang... Ang aravaa... N-na iyon" pautal-utal nitong sabi nang siya ay yakapin ng mga duguang bisig ng lalaki, ang kanyang mga salita ay tila pilit at ang kanyang katawan ay parang may sinusunod lamang na programa. Ang kanyang mga mata ay nagsusumamong ilayo na mula sa kanya ang lalaki nang ito'y magsimulang halikan ang kanyang namumutlang mga labi, pero iba ang ginagawa ng kanyang mga kamay, mas inilalapit niya ito habang ang kanyang mga labi ay sumasagot rin sa mga halik. Ang dugong nahalo sa laway ay kanyang nalalasahan at bakas sa kanyang mga titig ang pagkasuya, pero, wala siyang lakas. Walang lakas upang lumaban. Ang mga pader na nakapaligid sa kanya ay pawang matataas at hindi niya ito magawang akyatin, kaya, labag man sa kanya, hinahayaan na lamang niya na maganap ang mga pambababoy sa kanya kung ang kapalit naman nito ay ang pagiging kalmado ng lalaki, na maaaring magbunga ng panandaliang kapayapaan, subalit sa pagkakataong iyon na nahanap na nito ang panibagong mapaglalaruan, ang aravaa na si Azure, tanging magagawa na lamang niya ay ang umasa na darating din ang liwanag na hihila sa kanya pataas, ramdam na niya na ang lahat ay malapit nang lumala at mabalot ng takot. Sa pag-patak ng kanyang luha sa sahig ay kasabay ring naglaho ang ilaw sa silid, at silang dalawa ay humalo muli sa mga anino at sa kanyang isipan, kanyang nasabi na "Ako'y maghihintay..."

AuroraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon