III - Paglisan (1)

18 2 0
                                    

(A/n: May instrumental ulit akong inilagay, na maaari niyong idownload at pakinggan habang binabasa ang kabanatang ito! Mwa!)

Nang matapos ang kanilang mga klase para sa araw na iyon, nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nakatulala sa tabi ng bintana habang tinatanaw ang dalawang naka balabal ng itim na tumatakbo at tila mayroong hinahanap. Kanya tuloy naalala ang dalawa ring nakabalabal na body guards nung mga estudyanteng nakita niya noong siya'y papunta sa Crackronald's. Dahil na rin tanghali na nang mga oras na iyon, pinagtitinginan ang dalawang nakabalabal, sapagkat parang hindi man lang sila naapektuhan ng nagbabagang init sa katirikan ng araw. Ganoon sa Maynila, napakalamig tuwing gabi at umaga ngunit, sa oras na dumating ang tanghali, tila nagiging isa itong malaking bola ng apoy. Sinundan ng tingin ni Azure ang dalawang iyon habang patuloy silang naglalakad at palingon-lingon. Agad naman siyang napa-atras nang ang mga ito'y huminto at tumingin sa kanyang direksyon hanggang ang kanilang mga mata ay magtama. Mabilis na tumakbo ang isa sa kanila patungo sa pasukan ng gusali kung saan naroroon ang binata, habang ang isa naman ay sinubukan itong pigilan ngunit ang tanging nangyari lamang ay napag-iwanan ito. Ang mga estudyante sa ibaba ay hindi napigilan pa ang kanilang mga sarili upang mapalingon sa direksyong tinakbo ng isa sa mga nakabalabal, dinig na dinig sa itaas ang mga "Ano yon?!" , "Anong nangyayari!? May away bang nagaganap?" , "Mga mars! Omaygad!" , at "shiiiiia! Rush hour tayo, ghorl?", nakita rin ng mga guro ng bigla na lamang pagtakbo ng nilalang na sigurado silang hindi isang estudyante kaya agad na na-alerto ang mga gwardiya sa unibersidad upang hanapin ang dalawa. Sa kabilang banda naman, kinakabahan si Azure sa kanyang upuan dahil iniisip niya na baka siya ang hinahanap non, kaya bigla nalang itong tumakbo papasok sa kanilang gusali. Gaya ng itsura niya noong siya'y magising, siya'y pawis na pawis ulit at nanginginig. Napalabas naman sila ng kanyang mga kaklase mula sa silid nang sila'y may marinig na nagsisigawan sa pasilyo, at doon na nila nakita ang ilang estudyante na itinutulak ng nilalang na itinatago ng balabal, dahil doon, ay tumakbo si Azure papunta sa pinakamalapit na hagdanan upang makatakas, sigurado na siyang siya ang nais puntiryahin ng mga humahabol. Bago siya makababa ay kanyang narinig ang isa sa kanila na sumigaw ng "Sandali! Huwag kang lalayo!" Pero hindi niya iyon pinansin. Ang tanging alam ni Azure ay hindi niya dapat pagkatiwalaan ang dalawang bigla na lang humahabol sa kanya, na nagawang saktan ang mga inosenteng estudyante, at gumawa ng kaguluhan sa gusali. "Bakit, ako? May utang ba akong hindi pa nababayaran?!" sigaw nito habang siya'y tumatakbo palabas. Hapong-hapo na siya dala ng biglaang pag sagupa sa pagtakbo nang hindi man lang ini-hahanda ang katawan, siya man ay maituturing na atleta, kailangan pa rin niyang i-kondisyon ang kanyang sarili bago sumabak sa isang nakakapagod na gawain, na para sa pagkakataong iyon, nawalan siya ng tyansang gawin. Nakarating siya sa isa sa mga kantina ng unibersidad kung saan siya'y naupo upang habulin ang numipis na niyang hininga, at para kanya na ring hilutin sa sandaling panahon ang kanyang mga binting nanginginig. Habang kanyang ginagawa ang mga iyon, unti-unti niyang ini-rerehistro sa kanyang isipan ang mga nangyayari. Kaninang umaga ay nagising siya dahil sa isang kakaibang panaginip, at ngayon naman ay hinahabol siya ng dalawang nilalang na hindi man lang niya alam kung anong motibo ng mga ito. Nang kanyang tanawin ang gusaling pinanggalingan, ay nakita niya ang dalawang naghahabol na tumatalon-talon sa ibabaw ng mga puno at mabilis na lumalapit sa kanyang kinaroroonan. Lalo siyang nalumpo dahil sa takot nang kanyang makita na magkaroon ng isang malaking pagsabog sa kantina kung saan siya nakaupo. "Argh! Shiii*!" sigaw niya nong siya'y parang sinipa palayo ng pwersang nabuo ng pagsabog. Ilang talampakan din ang kanyang inilayo mula sa kanina lamang ay buo pang upuan, sa kabutihang palad, siya'y nagtamo lamang ng mga sugat at pasa sa katawan, at sa kanyang pakiramdam ay wala namang kahit anong buto ang nagtamo ng bali. Naigagalaw pa niya nang sagad sa saklaw ang kanyang katawan, subalit tila siya'y tinakasan ng lakas dahil sa pagsabog at takot na lalong umigting sa kanyang kalooban. Ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at kaguluhan ng isip ay pinabibigat ang kanyang mga mata, sanhi upang siya'y mapapikit-pikit at maramdaman na parang umiikot ang lahat. "Ayos ka lang ba? Makakatayo ka ba?!" Naramdaman ni Azure na inaalog siya, at nang kanyang imulat ang mga mata niya, kanyang nakita ang dalawang nakabalabal na tanggalin ang mga nagtatakip sa kanilang mga mukha. Ilang sandali lamang ay kanilang narinig ang dagsaan ng mga estudyanteng tumatakbo papalabas ng kanilang mga silid, papunta sa tarangkahan ng unibersidad upang iligtas ang kanilang mga sarili dahil nagpalabas ng anunsyo ang mga tagapamuno tungkol sa nangyaring pagsabog, kahit na sila'y ilang beses nang nagkaroon ng earthquake at fire drills, hindi pa rin naiwasan ang pagkakaroon ng hindi sistematiko at kalmadong paglikas, may mga gurong inuna ang kanilang mga sarili at inunahan ang kanilang mga estudyanteng makalabas, habang may ilan namang mas piniling mag-pahuli at manatiling ginagabayan ang mga bata sa oras ng sakuna, marami pa nga ang naiwan sa mga pasilyo na nawalan ng malay dahil nainitan sa siksikan, o di kaya'y hindi kinaya ang grabidad ng mga nangyayari. "Huwag tayong mag-tutulakan! Lahat tayo ay makakaligtas! Kalma lang po tayo! Huw---" hindi na natapos pa ng isang guro ang kanyang isinisigaw dahil siya'y natumba dahil sa pagtutulak ng kanyang katrabaho. Ang mga fire alarm nag-tutunugan na din sa buong unibersidad kahit na ang ilang gusali ay malayo sa pinangyarihan ng pagsabog, ang mga bumbero at pulis ay naalerto na rin at inaasahan ng lahat na darating sa loob lamang ng ilang minuto. Nakita ni Azure ang ilan sa mga pangyayaring iyon kaya agad niyang nasabi sa kanyang sarili na "Lumalabas talaga ang mga pagiging makasarili ng mga tao sa tuwing sila'y nahaharap sa isang matinding panganib. Mas marami sanang lalabas nang walang anumang sugat kung lahat sila ay makikinig at kakalma." Na siyang isa namang katotohanan.

AuroraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon