"Dugo..."
"Kay tamis ng kaniyang dugo..."
"Si Lienea'y natulog,
Sa kama ay nahulog,
Sugat ang dulot,
Kan'yang dugo'y kaylapot"Naulinigan ko ang isang nakatatakot na boses. Seryoso at malalim. Paano nila nalaman ang aking ngalan? Papaano nila nalaman na ako'y isang tao? Hindi maaari! Babalik pa 'ko kila lola. Iminulat ko ang aking mga mata at dali-daling bumangon. Tumakbo ako palabas ng isang... p-palasyo? Nasaan ako? Papaanong nasa palasyo ako gayong alam ko'y nasa isa akong kagubatan? Bumaba ako ng hagdan nang walang nakapapansin sa akin. Huminto ako sa pintuan upang magpahinga at pigilan ang pag-iisip. Matapos ang isang minuto ay dali-dali akong tumakbo papunta sa mga puno, nagbabakasaling makapagtago.
"Hindi ka na makakalabas," nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa taas. Dinungaw ko ito at nasilayan ang isang lalaking tingin ko'y nasa edad labing-siyam, matangkad at halos kasing-edad ko lamang. Siya ay may mapupungay na mga mata, ang kan'yang ilong ay matangos, ang kilay niya ay makapal, may makinis na mukha, at kung iyong titignan ay may isang malambot at mapupulang labi.
"Hindi pwede! Babalik pa ko sa pamilya ko!" naghuhumiyaw kong tugon. Tumakbo ako nang tumakbo. Maraming puno. Malamig. Nakauuhaw. Huminto ako sa isang punong may malalaking ugat nang bigla akong makarinig ng maraming mga kaluskos. Mabibilis at maliliksi kaya't nagtago ako sa puno. Hindi ako gumagalaw at hinihinaan ko ang aking paghinga.
"Naaamoy na kita!" Saad ng boses na hindi ko kilala. Bakas sa boses ng bampirang ito ang saya kaya't mas pinilit kong isiksik ang aking sarili sa mga ugat habang hawak-hawak ang aking bibig upang maiwasan ang pag-iingay. Mas lalo kong idiniin ang aking sarili sa pagitan ng mga naglalakihang ugat nang biglang...
"Huli ka! Tsk tsk tsk," saad nito. Tumalon siya mula sa taas at bumaba sa mismong hulihan ng aking mga paa. Natakot ako't pinilit tumayo at tumakbo ngunit nahuli niya ako. Kinagat niya ang aking leeg at naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Bago mahimatay ay pinilit kong sumigaw.
"Tama naaaa!"
"Tubig Misha, bilis," napabalikwas ako nang muling may marinig. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita kong ako'y nasa isang kwarto. Panaginip lang pala. Pinagmasdan ko ang mga mukhang nakatingin sa akin. Sa wari ko'y pinagmamasdan nila akong mabuti.
"Sino po kayo?" pagtatanong ko rito. Una kong tiningnan ang sa tingin ko ay kanilang ina, sumunod ang lalaking anak nito, saka pa lamang ang babae.
"Ako si Magda at ito ang aking mga anak, si Claiden at si Misha," tinitigan ko silang mabuti, si Aling Magda ay kasing edad lamang ni ina. Samantala, si Claiden ay nasa ika-10 na ng kanyang taon habang si Misha ay nasa ika-8.
"Ikaw, ano ang iyong ngalan?" tanong ni Aling Magda.
"Lienea po. Ano po palang nangyari?" takang pagtatanong ko. Pinagmasdan kong mabuti ang kan'yang mukha.
"Naghahanap ako ng usa kaya't nang marinig ko ang kaluskos sa iyong puwesto, bigla akong sumunggab. Mali ang aking naging akala sapagkat ikaw pala ay gaya namin, ngunit bakit hindi kita nakikita rito noon pa man?" natigilan ako sa kan'yang naging tanong. Hindi ko alam ang aking isasagot, humahanap pa ako ng tamang palusot nang muli siyang magsalita.
"Saka mo na sagutin. Magpahinga ka na muna," dagdag nito.
"Mga bata, iwan na muna natin sya," pagpapatuloy ni Aling Magda. Lumabas nga silang tatlo at iniwan akong mag-isa. Kinapa ko ang kwintas sa aking leeg, kay ganda ng disenyo nitong buwan.
BINABASA MO ANG
Patak Dugo
VampireKung iyong iisipin, iyo bang maiintindihan? Kung iyong titikman, iyo bang malalasahan? Kung iyong aamuyin, iyo bang mauuri? Kung iyong mamasdan, iyo bang masisilayan? Kung iyong hahawakan, iyo bang mararamdaman? Hindi natin alam. Walang ibang nakak...