Pagkagising ko ay muli kong naalala ang mga nangyari kagabi, pilit kong inalis ang mga 'yon sa aking isipan. Lumabas ako sa aking kwarto at hinanap ko sila Tiya Magda ngunit hindi ko sila makita kaya't lumabas ako ng mismong bahay. Sa labas ay nakita ko silang masayang nagtatanim. Punong-puno ng ngiti ang kanilang mga labi at ang kanilang mata ay naghuhumiyaw sa tuwa. Muli kong naalala ang pamilyang iniwan ko sa kabilang mundo. Noong panahong pinaliliguan ako ni lola nung ako'y bata pa at noong panahong ginagawan ako ni ina ng bagong damit at saya.
Hindi ko namalayan na may namuong luha na sa aking mga mata. Pinilit kong hindi umiyak saka dahan-dahang lumapit sa kanila.
"Oh, Lienea, gising ka na pala! Halika rito," nakangiting sabi ni tiya.
"Ba't po nagtatanim kayo?" pagtatanong ko.
"Ito ang aming trabaho. Magtanim ng mga punong namumunga para sa mga Dugong-Bughaw. Isinilang kami para magsilbi at maglingkod. Ang buhay namin ay nasa tanikala ng mga Dugong-Bughaw. Naisin man naming umalis ay hindi maaari. Sapagkat, lahat nang nagtangka ay pinatay," mahabang salaysay ni Tiya Magda. Nakita ko sa kan'yang mga mata ang lungkot, ramdam kong nais n'yang lumaya pero hindi n'ya magawa. Paano na lamang ang kan'yang mga anak kung mawawala siya?
Namuong muli ang luha sa aking mga mata, hindi ko hahayaang gawin silang alipin ng mga Dugong-Bughaw. Hindi ko hahayaang mahirapan ang pamilyang mayroon ako rito. Niyakap ko silang tatlo nang napakahigpit.
"Hindi ko hahayaang may gawin silang masama sa inyo," ani ko habang magkakayakap kami.
Tinulungan ko sila sa kanilang pagtatanim habang kalakip ng aming mga bibig ang ngiti.
"Misha, dali hukayin mo to oh!" saad ko dito.
"Eto na, ate. Pagkatapos nito maglaro tayo ah?" sabi nito.
"Bakit hindi? Syempre naman," sagot ko.
"Sali n'yo 'ko!" nagtatampong saad ni Claiden. Natawa na lamang ako sa magkapatid.
"Bawal!" pang-aasar pa ni Misha.
"Ate Lienea, bawal?" naiiyak na tanong sa'kin ni Claiden. Tawang-tawa ako. Ganito pala ang pakiramdam ng may kapatid.
"Syempre pwede. Binibiro ka lang ni Misha," sabi ko saka kami nagtawanan.
Natapos ako sa pagtatanim sa pwesto naming tatlo, kaya habang naiwang nagtatanim ang dalawa ay lumapit ako kay Tiya Magda.
"Tiya, paano nakaalis si lola dito? Sabi mo walang sinuman ang nakakaalis, sapagkat lahat nang umaalis ay pinapatay," pagtatanong ko dito.
"Sa tulong ng aking amang may Dugong-Bughaw," sagot nito. Nagulat ako sapagkat isa pala s'yang Dugong-Bughaw.
"May lahi kang Dugong-Bughaw?" pagtatanong ko siri. Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Mayroon," sagot nito.
"Kung gayon ay bakit kayo nasa baryo ng mga Hubad?" muli kong pagtatanong rito.
"Sapagkat pinatay nila ang aking ama na itinuturing na taksil ng aming kapwa Dugong-Bughaw, dahil sa ginawa ni ama ay hindi nila ako hinayaang manatili sa Sentro," tumulo ang luha mula sa mga mata ni tiya. Niyakap ko s'ya nang napakahigpit. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman n'ya.
"Tumahan ka na, tiya," sabi ko habang hinahagod ang kan'yang likod.
"Alam mo? Madalas kaming magkausap ni ina gamit ang telepatya. At nalaman ko rin na may kapatid ako sa ibang mundo, at 'yon ang iyong ina," sabi nito.
"Magkasama nating aalagaan ang mga pinsan ko, tiya," nakangiti kong saad dito.
"Nga pala, tiya, may ibinigay na kwintas sa akin si lola. Sabi n'ya ito ang magpoprotekta sa akin. Anong nagagawa nito?" pagtatanong ko dito.
BINABASA MO ANG
Patak Dugo
VampireKung iyong iisipin, iyo bang maiintindihan? Kung iyong titikman, iyo bang malalasahan? Kung iyong aamuyin, iyo bang mauuri? Kung iyong mamasdan, iyo bang masisilayan? Kung iyong hahawakan, iyo bang mararamdaman? Hindi natin alam. Walang ibang nakak...