"Tumakas na kayo!"
"Iligtas n'yo na ang pamilya n'yo!"
"Parating na sila!"
"Bilisan n'yo!"
Sigawan ng mga bampirang Hubad. Naramdaman ko ang isang batalyong bampira. Dahan-dahang naglalakad. Hindi ko mauri ang kanilang pangkat pagkat hindi ko pa sila nakikita ngunit kinakabahan ako. Natatakot ako sa mangyayari kaya't pumunta ako sa pinto nang biglang may kumatok. Binuksan ko ang pinto at nakita si tiya.
"Masama ang nararamdaman ko, tiya. Umalis na tayo rito!" sabi ko habang natataranta. Hinatak ko s'ya papunta sa kwarto nila.
"Misha, Claiden! Gumising kayo, bilis!" inuuga-uga ko sila ngunit ayaw nilang gumising.
"Misha, Claiden! Gising na, dali," sabi ko pa, saka sila dahan-dahang umupo at idinilat ang kanilang mga mata.
"Ano ba 'yon, ate? Ang aga pa naman ah?" pagtatanong ni Claiden habang nag-iinat.
"Hindi tayo ligtas kaya't tara na!" hinatak ko silang tatlo palabas ng bahay. Walang kamuwang-muwang ang magkapatid, ngunit nakita nila ang mga nagtatakbuhang kapuwa Hubad.
"Ano pong mayroon? Ba't po sila nagtatakbuhan?" nagtatakang tanong ni Misha.
"Saka ko na sasabihin. Kapag ligtas na tayo," saad ni tiya. Bakas sa kan'yang mukha ang takot at pangamba.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Hinanap ko ang lugar na tahimik. Sa kweba! Bago makarating sa kweba ay kailangan munang dumaan sa ilog.
"Tiya, sa kweba," sabi ko habang nakapikit at pinapakiramdaman ang kweba.
"Tara na," sabi rin nito saka kami nagsimulang tumakbo. Habang tumatakbo ay nakikita ko ang mga Hubad sa iba't ibang direksyon.
"Dito tayo sa bundok!"
"Halika roon sa ilog!"
"Magtago tayo sa talahiban!"
Sigawan na aking naririnig kung saan-saan. Ginagamit ko ang lahat ng aking pandama. Nanghihina na ako ngunit kailangan ko silang iligtas. Gaya ng p-pangako ko.
"Bilisan pa natin. Hindi maganda ang nararamdaman ko," sabi ko habang ang aking mukha ay punong-puno ng pangamba.
Mas binilisan pa namin ang aming takbo. Nandito na kami sa ilog, walang tao. Huminto kami saka nagpahinga. Sa haba ng aming tinakbo at dala na rin ng pagod ay nakaramdam na kami ng panghihina.
"Magpahinga muna tayo, ina, ate," saad ni Misha. Bakas sa kan'yang mukha ang pagod, pawis na pawis na siya at nauuhaw.
"Osige. Hindi naman siguro nila tayo masusundan. Alam kong mga Dugong-Bughaw 'yon. Nagsisimula na naman silang kumuha ng kanilang magiging mga alipin," sagot ni tiya. Pagod na pagod na s'ya base sa kan'yang mukha.
Nagpahinga kami ng sampung-minuto. Uminom muna kami ng tubig mula sa ilog bago kami nagdesisyong umalis.
"Tara na. Hindi talaga maganda ang kutob ko," sabi ko pa habang tinitingnan ang bawat anggulo ng lugar. Patuloy akong nagmamasid sa paligid.
"Sige, tara na," sabi ni Claiden habang bumubwelo nang biglang...
"Saan pupunta ang pamilya ng mga Hubad?" sabi ng isang lalaki habang dahan-dahang bumababa mula sa puno. May dalawa pa itong kasamang lalaki. Malalaki ang kanilang katawan, matatangkad, at mapuputi.
"Lienea, iligtas mo na ang mga bata," sabi ni tiya habang hinaharangan kami laban sa mga lalaki. Nanginginig ito at sa wari ko'y nilalakasan lamang nito ang kan'yang loob.
"Hindi, ina! Dito lang kami!" umiiyak na sabi ni Claiden. Niyakap ni Misha si tiya, natatakot sa kung anong pwedeng mangyari.
"Sige na, Lienea," sabi pa ni tiya. Hindi ako makatingin sa kan'ya. Hindi ko kayang makita ang kan'yang mukha na puno ng hinagpis at pagsasakripisyo.
BINABASA MO ANG
Patak Dugo
VampireKung iyong iisipin, iyo bang maiintindihan? Kung iyong titikman, iyo bang malalasahan? Kung iyong aamuyin, iyo bang mauuri? Kung iyong mamasdan, iyo bang masisilayan? Kung iyong hahawakan, iyo bang mararamdaman? Hindi natin alam. Walang ibang nakak...