"Ate! Ate, gising!" may yumuyugyog sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Claiden. Dahan-dahan akong umupo.
"A-nsakit ng leeg ko," saad ko rito. Tiningnan n'ya ako na may halong pagkaawa.
"Kamus-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla n'ya akong niyakap. Nagalak ang aking puso kaya't niyakap ko rin siya pabalik.
"Ate, makakaalis pa ba tayo rito?" pagtatanong nito sa akin. Hinagod ko ang kan'yang likod saka sumagot.
"Gagawa ng paraan si ate," nakangiti kong tugon.
Dahan-dahan akong tumayo, sumunod sa akin si Claiden. Pareho naming pinagmasdan ang mga Mangangaso, mga bampirang uhaw sa dugo ng kapwa nila bampira. Nandito kami ngayon sa rehas, nakabilanggo hanggang sa mag gabi. Kailangan kong gumawa ng paraan. Habang nakamasid sa mga Mangangaso ay may biglang tumama sa aking leeg. Isang palaso, na s'yang naging dahilan nang pagsara ng mga talukap ng aking mga mata.
"Lienea," saad ng boses. Pilit kong pinakikinggan ang boses, nagbabakasakaling makilala ko ito.
"Lienea," muli nitong saad. Patuloy ang pagbanggit nito sa aking pangalan kaya't tinanong ko na siya.
"Sino po kayo?" takang pagtatanong ko, madilim ang kapaligiran, tanging ang sarili ko lamang ang aking nakikita.
"Lienea, si Lola Merlita ito," napahinto ako sa aking narinig. Lola M-merlita? Si lola! Unti-unti siyang lumabas sa madilim na bahagi ng lugar na ito.
"Lola, tulungan mo po kami, nakikiusap po ako sa inyo," pagmamakaawa ko rito. Alam kong malabo ngunit titingnan ko kung may paraan pa.
"Hindi maaari apo. Sapagkat nandito ako sa ating mundo at patuloy kong inaayos ang lahat, katulong ang iyong ina," saad nito. Tumulo ang luha sa aking mga mata. Hindi pa ito ang huli. Kailangan kong iligtas ang aking sarili maging si Claiden.
"Lola, sagutin mo lang po ito, magiging ayos na ako, ano at sino po ba ako?" tanong ko rito nang maalala ko si Tiya Magda. Si Tiya na hindi nagbigay ng kahit isang impormasyon tungkol sa aking katauhan, ngunit masasabi ko pa ring minahal niya ako at itinuring na isa sa kan'yang mga anak.
"Dadating tayo d'yan apo, ngunit hindi pa ngayon. Nais lamang kitang kumustahin at ipaalam sa iyo na paparating na siya. Ang iyong tagapagligtas," pahuling sabi nito saka siya naglaho sa aking isipan.
"Lola..." saad ko.
"Ate, gising na," iminulat ko ang aking mga mata. Si Claiden ulit.
"Ilang beses ba akong mawawalan ng malay ngayong araw?" tanong ko kay Claiden. Parehas lamang kaming natawa.
"Nanaginip ako, Claiden," panimula ko.
"Makakalaya tayo rito, maghintay lang tayo," nakangiti kong saad dito.
"Paano si Misha, ate?" tanong nito sa akin. Bigla akong natahimik, saka na ako gagawa ng paraan. Kailangan muna naming makaligtas ngayon.
"Iuuwi kita sa baryo natin para maging ligtas ka. Ako nalang mag-isa ang bahalang maghanap sa kan'ya," dagdag ko pa.
"Sana maging ayos na ang lahat, ate, sabik na sabik na akong makita si ina ngunit wala ng pagkakataon," malungkot na saad nito. Halata sa kan'yang mga mata ang pamumuo ng luha, alam kong pinipilit lamang niyang magpakatatag para sa akin at para kay Misha.
"Magiging ayos din ang lahat. Magtiwala ka lang," sagot ko saka ito niyakap nang mahigpit.
Hapon na, maingay pa rin ang mga mangangaso. Iniisip ko ang sinabi ni lola. Sino? Sino kaya ang magliligtas sa amin?
"Kamusta sa rehas, dilag?" napatitig ako sa nagtanong. Yung lalaking humuli sa akin.
"Walanghiya ka! Babalikan kita, tandaan mo," nanggigigil kong saad dito. Tumawa lamang s'ya sa aking sinabi.
BINABASA MO ANG
Patak Dugo
VampireKung iyong iisipin, iyo bang maiintindihan? Kung iyong titikman, iyo bang malalasahan? Kung iyong aamuyin, iyo bang mauuri? Kung iyong mamasdan, iyo bang masisilayan? Kung iyong hahawakan, iyo bang mararamdaman? Hindi natin alam. Walang ibang nakak...