Sa pagmulat ko

2 0 0
                                    

ikaw ang huling nakita
sa pagpikit ng aking mata
at tayo'y magkagalit pa
tila ba hindi ko naramdaman ang pagtulog ko
sa bilis ng pagmulat ng mata ko
bumangon para sarili'y ayusin
ngunit biglaang pagkaba ang naramdaman
ng makita kang duguan
at wala ng buhay
tanging pagtulo ng luha ang isinigaw ng mata
pagkat nawalan ng boses ang aking kaluluwa
humingi ng tulong at baka ika'y maisalba pa
ngunit pagkalugmok ang aking nakita
mga taong mapanakit sa kapwa
mga kalyeng puno ng ligaw na kaluluwa
mga tahanang tila impyernong kulungan
mga politikong animo'y nakatama sa lotto
na puno ng saya ang mukha
habang nakikita nila ang paghihirap ng kapwa
mga taong humihingi din ng tulong
para maibsan ang kalam ng sikmura
ang ginaw sa bawat nagdaang araw
at higit sa lahat ang unti unting pagkamatay niya
ng ating inang kalikasan
kasabay ng pagguho ng bansang iningat ingatan
nanlambot Ang mga tuhod
nawalan ako ng lakas
para ipaglaban pa ang biyaya
pagkat sa tingin ko wala ng iba
wala ng iba na lumalaban pa
pagkat nilamon Na ng masamang sistema
kaya't isinusuko ko na sayo
panginoon ko, sana nagkakamali ako
sana di Tama Ang naiisip ko
sana hindi pa ito ang katapusan ng mundo
pinikit ulit Ang aking mata para kausapin ka
ngunit nanlumo ng ito'y iminulat
pagkat tanaw ko sa malayo,
unti- unting paglaho ng mga bagay sa mundo
magandang tanawin ang paglubog ng araw
ngunit Isang trahedya ang aking natanaw
walang nagawa kundi antayin ang paglaho ko
hanggang sa kinain ako ng liwanag
na nagsasabing tapos na ang mundo

habol hiningang iminulat ang aking mata
dun ko nakita ang aking Ina
puno ng takot at pangamba ang mukha
di ko mapigilan ang mga luha
mabilis ang pagdaloy sa mukha
mabilis Kong inakap ang inang naguguluhan na
hagod sa likod ang itinugon niya
akala ko totoo ang lahat ng iyon
panaginip ko lang pala
hindi ko makakaya na mawala siya ng ganito kaaga
ng hindi naipapadama ang pagmanahal ko
bilang nagiisang anak niya
diko makakayang makita ang mundong gumuguho ng walang nagagawa para ito'y ipaglaban
kaya simula ngayon ako'y kikilos para sa sangkatauhan
para di pagsisihan kung sakaling bukas na ang katapusan.

MGA SALITA NG PLUMA SA MGA PAHINAWhere stories live. Discover now