-tanging tanda

0 0 0
                                    

sa pagkakataong ito
iyong itsura na lamang
ang aking tanda
mula sa-
buhok na ayaw magalaw
kilay na kay ganda
at mapupungay na mata
idagdag mo pa
ang iyong matatangos na ilong
pati na rin
ang iyong labing mapupula
kaakit akit kumbaga
ngunit wala na
akong madarama
kundi ang panlalamig
ng pusong
minsan kang inibig

MGA SALITA NG PLUMA SA MGA PAHINAWhere stories live. Discover now