dyan ka lang dito ako
bigyan moko ng espasyo
pagkat ayaw kong umabot tayo sa dulo
kung saan ako ang dehado
maiiwan mag-isang muli
sa pagdating ng huling araw ng taon
at sasalubong ang pait, sakit sa bagong taon
malas pa naman yunkaya dyan ka lang
at dito lang din ako
sundin natin ang utos nila
kalusugan muna bago iba
sarili ko muna bago iba
hindi ko muling hahayaan pang maupos
hindi na muling magpapaubos
at hindi na muling magpapauto
kaya't dyan ka lang at dito lang ako
kung saan magkakilala lang tayo
at wala ng ibang rason
na ako'y kulitin pa
pagkat ginawan ko na ng solutiondyan ka lang
dito lang ako
walang masasaktan
at walang mauubos
walang panahong lilipas
at papalitan ng pagsisisi ang tuwa–sayadyan ka lang
at dito lang din ako
hindi susubukang lalapit
wag mo subukang lumapit
tama na, na ang pagitan ay ang espasyo sa kawalandyan ka lang
at dito lang din ako
wag natin subukang makilaro
ang maglaro sa tadhana
hindi nakakatuwa kung palaging ako ang tayakaya't dyan ka lang
at dito lang din ako
walang pakialamanan
tanging tinginan lamang
at hanggang doon na langdyan ka lang
at dito lang ako
limitasyon natin ito—distansya
kaya paalam na
![](https://img.wattpad.com/cover/237412467-288-k019185.jpg)