mensahe sa umaga

2 0 0
                                    

ang paboritong mensahe sa umaga
itinigil na muna
nawalan ng kurba ang labi,
naglaho na ang ngiti

hindi na magagawang
paamuhin ang 'yong mukha
pangitiin sa bawat araw
na papatak ang mga luha

limitasyon sa sitwasyon,
aking kalaban 
hindi ang distansya
kaya wala munang " magandang umaga "
wala munang masasayang umaga
wala na muna ako sa istorya

MGA SALITA NG PLUMA SA MGA PAHINAWhere stories live. Discover now