sa paghilom ng sugat ng nakaraan.
maaari ba kitang balikan?
maaari bang mahingi ang iyong kamay
at isayaw ulit kita sa gitna
na para bang hindi na mauulit pa
ihakbang ang paa
na naayon sa musika
wag mong ihakbang papalayo
pagkat hihigitin lang din kita
hindi kita papakawalan, hindi na ulit
hindi ko na ulit hahayaan na maagaw ka
hinding hindi na
at sa pagtapos ng sayaw ating alalahanin
mga masasayang ala-ala
at hindi ang mga tagpong
pagmamahala'y nawala.
sana sa paghilom ng mga sugat
ako'y may babalikan pa
at sa pagbalik ko sana mainit padin—
mga yakap mo
![](https://img.wattpad.com/cover/237412467-288-k019185.jpg)