sa una lang pala ang kilig
at sa huli sakit padin ang mananaig
aakitin ka ng salita
ipapakain bawat parirala
hanggang sa sistema—
unti-unti niyang makuha
mararamdaman ang saya
lilipad ang paru-paru
sa iyong tiyan
at ngingiti sa kawalan
at maaalalang
ika'y pinaglalaruan lamang
