paboritong espasyo

2 0 0
                                    

Mahal, aantayin kita 
sa dati nating tagpuan
doon sa may luneta
kung saan kahit abutin ng umaga
'di tayo magsasawa
pagkat kasama natin ang isa't isa
ngunit ang pagaantay ko ngayo'y naiiba
walang kasiguraduhan kung dadating pa
hindi ko na din alam kung nasaan ka
tatayo, uupo hindi mapakali
kinakabahan sa muling pagaantay
baka kasi tulad ng kahapon
mabigo ulit at walang masilayan
kahit anino mo'y di nakita
pero Mahal pangako hindi ako aalis
magaantay hanggang makita ka 
kahit iba na ang kasama 
Mahal, sana bumalik ka 
kahit di na ako ang paboritong kasama
sa ating paboritong espasyo sa may luneta

MGA SALITA NG PLUMA SA MGA PAHINAWhere stories live. Discover now