21

431 39 0
                                    

"Baba mo na nga ako kaya ko maglakad!"

"Wag ka malikot tsk."

Nanggigigil pa rin ako pero pinabayaan ko na ayoko malaglag no

Ibinaba naman niya ako sa stool sa kusina kung san ako umalis kanina sabay direcho sa pagkuha ng plato at kubyertos tapos ng kanin at ulam

Pagkalapag ng pagkain sa harapan ako confused ako sa itsura pero mukhang masarap

"Ano to?"

"Soupe à l'oignon"

"Ha?" Ano daw loonyo???

"Soupe à l'oignon, Andi"

"Supalonyo??? Ano yon bushak"

Nakita ko na lang napasapo sa ulo niya si Skylar

"Wala ba kasing English name to?!"

"Onion soup okay na?"

"Ayy sibuyas?"

"Tikman mo muna bago ka magreklamo okay?"

"Bakit ka nagagalit? Ha?"

"I'm not, Andi"

"Tch. Bahala ka nga dyan" kinuha ko na lang yung kutsara tsaka sinubo yung sopas daw na weird ang itsura

"Okay lang ba lasa?"

"Pwede na" mataray na sabi ko sa kanya habang humihigop ng sabaw

"Just be honest with me if it doesn't taste good, I just want to know"

"Why?"

"I've never cooked for anyone, ikaw pa lang."

"Ahh" sabi ko na lang

Masarap din naman nga yung sabaw, pero may iba ako hinahanap 😅

"Sky?"

"Yes?"

"Walang kanin?"

"Why?"

"Gusto ko ng kanin"

"Magsasaing pa lang sana ako ehh. Bahaw pa andito"

"May mga ingredients ka pa naman dyan di ba?"

"Ingredients of what exactly?"

"Bawang? Asin?"

"Yeah"

"Paluto"

"Ng?"

"Gusto ko sinangag magluluto ako"

"Can you?"

"Excuse me? I'm a chef? Kahit naman more on pastries ako, nagluluto din ako ng meals"

"Really? Chef ka?"

"Tch. Oo nga"

Skylar's PoV

I was clueless until now na pastry chef si Andi. Umupo lang ako sa kusina as I watch her do her thing.

Yung sopas na yun, yun lang madalas ko lutuin kaya alam ko kung pano pero maliban don asa ako sa youtube. Ngayon lang ako makakakita ng totoong chef, na gumagalaw sa kusina ko pa.

"Ano ulit yung lulutuin mo?"

"Sinangag"

"Ano yun?"

"Seryoso ka sa tanong na yan?"

"Uhm. Oo?"

"Never ka ba nakakain ng sinangag?! Omygosh pinoy ka ba talaga???"

"Sa Paris na ko lumaki, hindi naman ako pinagluluto sa bahay dati ng pinoy dishes, more on French"

"Ang lungkot naman non! Ibig sabihin kahit adobo di ka nakakain?!"

"Nakakain pero sa pinoy resto lang"

"Ayy iba pa rin lutong bahay"

"Andi... sure ka ba okay ka pa magkikilos ng ganyan? Di ka na ba nahihilo?"

"Madali lang naman to."

"Just wanted to make sure. Mas gusto kong okay mag-ina ko kesa makatikim ng sinangag"

Andi's PoV

Buti na lang nakatalikod ako sa kanya bushak!!!! "Mag-ina ko" hoy bakla wag kang pafall tutusukin kita ng kutsilyo!!! 😣

Feeling ko ang pula pula ng mukha ko ngayon ghad. Magluluto lang ng sinangag eh!!

Inayos ko na yung pagluluto at sinubukang magfocus kahit na ramdam ko sa bawat galaw ko ehh nakasunod ang mata niya.

Etong lalaking to hindi ko alam pero nung nalaman ko lalaki siya natataranta na ko 😣

Skylar's PoV

I can't help but imagine the thought of having a family, seeing her do her thing in the kitchen. Nakangiti akong nakamasid sa kanya habang ginagawa niya yung gusto niya.

I don't even know what this means right now. Ang alam ko lang, hindi ako papayag na umalis sila ng basta basta.

Lalo na ngayong magkakaanak kami. I wouldn't want my child to feel lost without a dad, kagaya ko. May ama, pero hindi mo maramdamang nandito siya. I wanted to get his approval pero mas prayoridad ko ngayon na maging maayos si Andi at ang bata.

"M-may tirang karneng ulam ka ba sa ref?"

I didn't notice that I was staring at her already kaya nagulat ako sa pagtatanong niya

"Ahh meron yata"

Pumunta na lang siya sa ref and searched for what she's asking for at nung may nakita siya inasikaso niya na ulit yung niluluto niya

I can't help but smile. A real, genuine smile.

Tukayo (Vaklas Book Series Pt. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon