35

370 35 0
                                    

Avi's PoV

Nakatingin lang ako kina Andi habang papalayo sila samen nang magsalita ang mga vakla. Srsly the vakla term makes it awkward for me. Ang ggwapo ng mga nilalang na to gorl. Mas gwapo pa sa ex kong hayop.

"Gora!!" Mahinang sigaw nina Leonard.

"H-hoy san punta?!"

"Maiwan ka dyan shoo" Leonard

"San punta niyo?!"

"Susunod sa magjowa malamang!"

"Ehh?!"

"Gorl baka kailangan ng resbak need kami ni fafa kaya pwede ba???"

"Hala sama ako!"

"Seriously?"

"Bakit nagjjoke ba kayo?"

"No?"

"Edi tara na!"

"Dahek woman" Leonard

Time din to para makasama si Leonard hekhek. Ang gwapo talaga ih

Skylar's PoV

"Dun ka sa bubong"

"Tay!"

"Fernando ang OA mo umayos ka nga, iho dun ka na lang sa likod maupo, mahaba habang usapan to"

"Salamat ho"

Tiningnan lang ako ng masama ng tatay ni Andi bago kami pumasok sa sasakyan nila. Andi kept on looking at me, but I just smiled at her.

"Ano nga ulit pangalan mo iho?"

"Skylar André Salazar po"

"Salazar??"

"Yes po"

"Pilipino ka talaga?"

"Opo, but I lived in Paris almost all my life"

"Okay."

Natigil yung pag-uusap namin sa kotse kaya tahimik lang ang lahat. I am quite scared about the "itak" Andi kept on talking about pero bahala na. Binuntis ko anak natural magagalit di ba?

"Upo"

One liner pero mapapasunod ka sa tatay ni Andi. Pagdating namin kina Andi walang imik imik diretso lang siyang bumaba kaya sumunod na lang ako

"Kukuha lang akong tubig niyo"

"Kahit wag na, di din makakainom to sa mga itatanong ko"

Umalis naman saglit  ang tatay ni Andi at tumabi na saken si Andi pagkatapos

"Okay lang ba talaga to sayo Sky?"

"No worries. I'm fine Andi"

"Tay!!"

All I was able to do was stand up nang may dala na talagang itak ang tatay niya

"Maupo nga kayo! Tsk!"

"Tay yung itak!"

"Andi calm down..." sabi ko kasi ramdam ko yung kaba niya kesa sakin baka mapano pa anak namin

"Hinahanda ko lang sakaling di ko magustuhan tabas ng dila neto"

"Tay naman..."

"Wag kang aangal saken madami kayo ipapaliwanag dalawa"

"Fernando tsk. Inuuna mo takutin yung dalawa. Andyan na eh. Pagsalitain mo na lang. Oh iho, tubig"

"Salamat ho..."

Uminom lang ako ng konti bago nagsimulang magsalita

"Alam ko ho na masyadong bigla lahat ng ito, at aaminin ko ho, namin, na aksidente ang nangyari dahil nalasing kami pareho ng panahong yun, pero... hindi ho ako nagsisisi sa nangyari, I may have been annoyed at the very beginning but with things this way, paninindigan ko po yung nangyari. Hindi ho ako hihingi ng tawad kasi gusto ko ho makasama anak niyo hanggang sa lumaki anak namin"

Andi's PoV

"Lasing?! Kelan ka pa natuto maglasing ha?!" Baling sakin ni tatay

"T-tay! Ehh gusto ko lang naman enjoyin yung Paris ehh..."

"Ahh kaya ayan may anak ka na pagbalik?! Umalis ka kasi sabi mo nasaktan ka kay Daniel. Pumayag kami kahit matagal tapos pagbalik mo may ibang lalaki tapos ngayon buntis ka? Ano ba yan Andi?!"

"S-sorry tay..."

Napayuko na lang ako sa sinabi ni tatay, tama naman siya ehh... tanga ko talaga sobra

"Fernando tama na..."

"Tama?! Ehh galit na galit siya kay Daniel ending magkakaron din pala siya ng iba?"

"Tay... nasaktan naman talaga ako kay Daniel... minahal ko yun tay ehh... ano ba magagawa ko kung gusto ko lang maglasing nung panahong yon para makalimot? Bawal ba yun tay?"

Naiiyak ako. Tama lang lahat ng sermon ng tatay ko pero ibig ba sabihin na nabuntis ako hindi na ko nasaktan? Na humanap na ko agad ng bago? Hindi naman ako ganung tao ehh... pero akala ng tatay ko naghanap na lang din ako at nagpabuntis.

"Ano na lang iisipin ng ibang tao sayo niyan? Ha? Di ka muna nag-isip bago mo sinagad sarili mo!"

"Mahalaga pa ba yun tay kesa sa nararamdaman ko? Mas mahalaga pa sa inyo ang tsismis ng ibang tao?"

"Andi hindi ganun ibig sabihin ng tatay mo... nag-aalala lang siya sa mga matatanggap mong lait, masakit samin yon..."

"Eh ano pa nga magagawa ko nay buntis na ko, hindi ko na mababawi to. Tsaka gusto ko makasama si Sky nay... mahal ko si Sky..."

"Mahal?! In 3 months?! Tangina Andi ano bang pinagsasasabi mo?!"

"Sir..."

"Manahimik ka di ikaw kausap ko"

Naramdaman ko ang kamay ni Sky sa likod ko as if calming me down

"Andi... tubig muna oh"

"Ako lang dapat ang makakaharap niyo dito. I wouldn't have been with him in front of you simula't simula pa lang... pero si Sky? He didn't let me do that. Inalagaan niya ako araw araw sa Paris, hindi niya ko pinapabayaan. Gusto kong isipin lang noon na dahil yun sa bata but every day he proves me wrong, hindi dapat niya ako panagutan dahil sa aksidente ang lahat pero hindi. He flew all the way here to show up to you and explain. How can't I love him? Tay lahat ng pinangarap ko kay Daniel binigay ni Sky sakin, sobra sobra pa"

"Andi..."

"Kung di niyo naman ho kami tanggap okay lang eh, pero wag niyo ho sanang kwestiyunin yung nararamdaman namin. Yes 3 months, compared to years, years of me being blind. Mas pipiliin ko ho yung tatlong buwang totoo kesa sa gago. I am not in any way wanting for approval, gusto ko lang malaman niyo kasi magulang ko kayo, pero parang kayo pa unang humusga samin eh, sakin. Tara na Sky" sabi ko tsaka diretsong tumayo palabas not knowing if he even followed me

Tukayo (Vaklas Book Series Pt. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon