Skylar's PoV
Napatayo ako agad when I heard sobs at hinanap kung san nanggagaling yung iyak. I was shocked to see Andi right outside the door
"Andi... hey Andi why? Oh god, may masakit ba sayo? Ha? How do you feel?" Sabi ko at agad agad siyang hinawakan sa braso
She looked up at me before biting her lips and going in to hug me, still crying.
"Sky..."
"Hey... shh stop crying Andi please"
"I... I love you. I love you..."
I hugged her tight and kissed her forehead still caressing her back to calm her down
"I love you too. As much I can, i'll love you"
"Nakakainis ka naman eh!"
"What? What did I do this time?"
Humigpit lang yakap niya saken but thankfully she calmed a bit down now
Pagtingin ko sa may labas ng bahay tanaw ko mga vaklas at si Avi... they followed us??
"Maupo na nga muna kayo... papasukin niyo yang mga nakadungaw sa labas kung kakilala niyo sila" Andi's mom sabay bitbit ng itak palayo sa lamesa. I pulled her back in parang paupuin siya sabay signal sa mga vakla at kay Avi na pumasok
"Ano kamusta?" Bulong ni Leo pagpasok
Okay well it's the morning and yeah we're in a place where they don't know them, so... lalaki sila ngayon.
"I don't know" bulong ko pabalik habang hinahaplos pa rin ang likod ni Andi.
"Sino naman tong mga to?"
"Sir... mga kaibigan po kami nina Andi, I'm Pablo"
"Ako naman po si Amiel, then sila po sina Roberto, George and Leonard"
Nakatingin lang ng matagal ang papa ni Andi kay Avi bago ito nagsalita
"Andrea Victoria po girlfriend ni Leonard tsaka friend ni Andi"
"HA?!" Sabay sabay na reaction namin ng vaklas, when I looked at Leonard di maipinta ang mukha HAHAHA
"Bakit gulat na gulat ka babe?" Sabi ni Avi sabay kapit sa braso ni Leo
"Tumigil ka nga ano pinagsasasabi mo?"
"Ang gwapo ng boses shet babe i love you" Avi
"Pfft" gusto kong matawa sa ginagawa nila but I noticed na hindi na umiimik si Andi so I looked at her and saw that she fell asleep hugging me. Tsk. This girl is really something else
"S-sir? San po ang kwarto ni Andi? Nakatulog na kasi ehh"
"Pag-akyat mo unang kwarto sa kanan"
"Dalhin ko lang po siya don pwede ba?"
"Ok"
Avi's PoV
Ang gwapo ng boses ni Leo shet mamaaaaa hindi ka pwedeng maging baklaaaaa.
"Dyan muna kayo guys iaakyat ko lang si Andi"
Tumango lang kami sa kanya bago niya binuhat si atii. Ang perfect talaga ng dalawang to hays. Nakakabitter pero tangina talaga yung ex ko.
Nang mawala sa paningin namin yung dalawa nagsalita yung tatay ni Andi
"Bat kayo napasugod lahat dito?"
"Sir... we came here as his support system na rin. He's been through a lot and we grew up together kaya gusto lang din namin maging patunay sa inyo na mabuting tao si Skylar"
"This far?"
Tumango naman yung lima habang ako naaamaze pa rin na bakla sila lahat.
"He grew up wanting his father's attention but he never got it sir, mas pinili niya pang magkunwaring bakla para itago ang sarili niya sa mga babae at di makasakit"
Biglang serious hala gwapo all
"Wag niyo po sanang husgahan ang kaibigan namin nang di siya nakikilala. Lima po kaming magpapatunay sa inyong mabuti siyang tao at mahal niya si Andi"
"We never saw him care for any girl before. Si Andi po ang una... and I bet she will be the last one, too"
"We know things didn't happen as you expected pero sana po hayaan niyong patunayan ni Sky ang sarili niya sir"
BINABASA MO ANG
Tukayo (Vaklas Book Series Pt. 1)
FanfictionWhat if a girl meets a gay and suddenly had a one night stand?