41

396 32 0
                                    

Andi's PoV

"Nay bat antagal??"

"Susko nak. Wala pang 30 minutes kumalma ka nga"

"Nay haaa dito na tutulog si Sky? Ha? Ha? Taaaay"

"Oo na nga tong batang to oo. Kailan mo balak bisitahin bakery mo? Tatlong buwan mo din iniwan yon"

"Bahala na nay, nasan na ba si Sky???"

Maya maya lang nakarinig na ko ng yabag kaya tumayo ako at sumalubong sa kanya

"Sky!!"

"Hey... haha here"

"Hala andami ansayaaaa" yayakap sana ako sa kanya kaso pinigilan niya ko

"Pawis ako Andi..."

"Ehh!! Pake ko!!" Sabi ko bago siya niyakap

Napansin ko naman yung nasa halos katapat na bahay nakatingin samen na parang diring diri. Tch tong babaeng inggiterang to!

"Teka san ka bumiling isaw?"

"Ahh dun sa medyo kanto netong kalsada niyo"

"Huh? Bat anlayo?"

"Well... long story short, that girl in the nearby store tried flirting with me and I hated it kaya di na ko dun bumili"

"Talaga??"

"Yeah. You got nothing to worry okay?" Sabi niya sabay yakap saken 🙈

"Okay..."

"Here, eat up. Naka 30 minutes ba ko?"

"Hindi naman..."

"Good to know"

"Kainin na natin to daliii yey!!"

"Calm down haha. Ayusin ko lang"

"Ako na. Ni hindi ka bitawan netong si Andrea ehh" Tatay

"Ahh nako-"

"Thanks taaay"

Nagkamot na lang ng ulo si Sky sabay pasalamat kay tatay

Naupo kami salas na nakayakap pa rin ako sa kanya. Ewan ba. Tuwang tuwa ako makita siya.

"Baka naman matunaw na ko nyan Andi..."

"Eehh..."

"Not feeling dizzy or anything?"

"No... just wanna hug you that's all"

"Oh honey... i love you"

"Love you..."

*knock knock

Napatingin ako sa may pinto only to be pissed off by this girl's presence

"Oh akala ko ba bakla ka?" Tanong ni Bettina kay Sky

"Ano ginagawa mo dito?" Singit ko. Trip na trip mo boyfriend ko!! Hmp!

"Pinapunta ako ni tita tch hi BAKS" sabi niya sabay kindat abat!!!

"Yak ah cheap ahh. Attitude ka girl wit ba ker mo kung maghug kami? Hug ka sa wall inggitera"

All I was able to do was to smile. Aahhhh I missed his gay lingooooo

"Andrea pumatol ka sa bakla? Ano nangyare kay Daniel? Haha iniwan ka? Nagising talaga siya ha?"

"Iha eto bayad ko oh. Hindi ko gusto tabas ng dila mo, pakitusta" nanay

"SHOO CHAKA! Hmp!" Sigaw ni Sky

Pag-alis ni Bettina napapalakpak na lang ako sa ginawa niya

"Iihhh ang galing mo talaga mag-gay lingo!!! Salita ka pa daliiii"

"Here we go again..."

"Sky!!! Daliii"

"Mama anek iispluk ko vah??"

"Aahh hahaha ang galing hahahaha"

"Andi... haha"

"Ayos pala tong isang to pag may malandi sa paligid nagiging bakla, iwas higad" tatay

"Nako kung dito kayo magsstay dalawa wag ka na lang maglalabas Sky. Iwas sa mga kagaya nung batang matabil ang dila nako jusko ulo ko"

"Kumalma ka na napalayas mo na ehh lika dito masahihin natin ulo mo" tatay

Umupo si nanay sabay lapag ng isaw na nakaplato na. Kumuha ako ng isaw tapos kumain habang nakamasid lang kina nanay. Nagbabangayan sila minsan pero mas marami pa rin yung mga gantong pagkakataon sa kanilang dalawa

"Sky?"

"Hmm?"

"Ako din..." sabi ko sabay hilig ko sa binti niya

"You're still eating don't lie down Andi..."

"Masahe din sa ulo Sky..."

"Sit up" he said so I did pero sumalubong sa noo ko yung labi niya kaya pagupo ko ng maayos nakatingin lang ako sa kanya

"Kiss na lang muna sayo aaralin ko pa magmasahe ng ulo ehh" he then pulled me in para makasandal ako sa may dibdib niya

🙈

"Sky??"

"Hmm?"

"Pwede mo ko samahan sa bakery ko bukas?"

"Sure. Saan ba?"

"Sa SAS Building sa ***"

"Ohh really?"

"Bakit?"

"Nothing. Sure bukas. Pupuntahan ko na rin yung botique ko, sama natin sina Lea"

"Okay..."

Tukayo (Vaklas Book Series Pt. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon