38

391 35 0
                                    

Skylar's PoV

"Masyado ka siguro napagod sa byahe at sa pag-uusap kanina nakatulog ka na" sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.

All of this is new to me. Flying to back to a place I've never really been in for a long time. Explaining to her parents things that happened, ni hindi ko alam kung tama ang mga sinabi ko sa kanila. Basta ang alam ko gusto ko sila makasama ng anak ko.

*knock knock

Paglingon ko sa pinto, there was Andi's mom

"Mam..."

"Ok ka lang?"

"Po?"

"Pagpasensiyahan mo na tatay ni Andrea ha? Nag-iisang anak kasi namin yan, babae pa"

"Naintindihan ko naman po. I can't blame you for getting angry at me"

"Did she cry?"

"Po?"

"Nung nasa Paris kayo? Has she cried her heart out? About her ex?"

"Hindi ko po maalala pero parang mas galit po yung naging ekspresyon niya noong nagkkwento siya sa ex niya"

"Typical Andi. She never cries in front of us or anyone. Madalang. And now seeing her cry for you? Mahalaga ka talaga para sa anak ko"

"I never thought she'd be special to me until the news of her having a baby. Natatakot po akong makasakit ng babae... lalo na si Andi..."

"Alam mo, hindi mo naman kayang kontrolin yung damdamin ng ibang tao iho. They can be hurt without you even knowing it. Pero hanggang di mo intensyon na makasakit at wala kang ginagawang masama, you shouldn't worry too much about it"

"I can't help it... I saw my mom die slowly enduring the pain my father doesn't even know about. Namatay na lang siya ng dahil sa sakit na dinulot ng tatay ko."

"But you're not your father, right? Sa nakikita ko hindi ka naman ganung klase ng lalaki. Ipangako mo lang sana sakin na hindi mo siya sasaktan intensyonal. Yun ang hindi ko mapapatawad"

"Pangako po. Papatunayan ko po ang sarili ko kahit habangbuhay pa, hindi ko po kayang saktan si Andi..."

"Oh siya bumaba na tayo. Hayaan mo na muna magpahinga si Andi. San kayo tutuloy ng mga kaibigan mo?"

"May bahay naman po ako dito na nakuha bago ako dumating, dun na lang po ako didiretso mamaya. Sila Lea-Leonard po may hotel room yan sila"

"Papayagan ka ba ni Andi na wala sa paningin niya?"

"I'm not sure..."

"Alamin na lang natin mamaya, bumaba na tayo."

"Ok po"

Sumunod na ko sa mama ni Andi after I kissed her forehead and tucked her in her bed.

Pagbaba namin wala sa salas ang tatay niya. I sat beside Leo and Avi. Avi kept on pestering him. Honestly? They'd make a cute couple. Yun nga lang eh kung papatulan siya ni Leo haha.

"Tulog na si Andi?" Nagulat ako sa pagbalik ng tatay ni Andi na may dalang kape

"A-ahh opo"

"Kape? O tubig?" Pag-aalok nito saken

"A-ahh tubig na lang ho salamat"

Bumalik ito sa kusina para kumuha ng tubig at pagbalik samen inabot ito saken

"Salamat ho..."

"Sobrang nasaktan ang anak ko dun sa gago niyang ex. Hindi mo naman siguro ako masisisi kung ganito naging reaksyon ko sa nakita ko sa inyo"

"Naiintindihan ko naman ho yon. Tanggap ko ho yung galit niyo..."

"Sana lang wag ko nang makikita ang ganung estado ng anak ko sayo. Bilang isang magulang mas nakakagalit saken na magagawa niyong saktan ang anak ko na iningatan ko ng ilang taon. Di lang itak sasalubong sayo"

"O-opo"

"Ipangako mo saken na hindi ka magloloko"

"Opo"

"Mahal mo talaga ang anak ko?"

"Sobra pa ho sa sarili ko..."

"Sa nakita ko nga. At mukhang minahal ka na rin talaga ng anak ko. Kamusta apo ko?"

"P-po?" I was taken aback by the sudden question about our child

"Napapacheckup niyo naman sila di ba?"

"O-opo. Healthy naman daw pero ayun nga medyo may pagkahilo lang tsaka pagsusuka sa first trimester si Andi. Medyo naging antukin din"

"Pano trabaho mo?"

"M-may business po ako dito sa Pinas. I design clothes and stuff"

"Talaga?" He suddenly leaned forward na pati ako napalapit sa kanya

"May bagay ba don sa asawa ko?"

Napangiti naman ako sa tinanong niya sabay tingin sa vaklas

"Opo!"

"Ssshh! Pang anibersaryo namin yon ingay mo!" Mahinang saad ng tatay ni Andi

"S-sorry ho hehe"

"Isama mo ko isang araw nang makahanap ako ng mairegalo"

"Sagot ko na ho panregalo niyo. Di ba?" Sabi ko sabay lingon sa vaklas. They did a thumbs up na nagpangiti naman sa tatay ni Andi

"Matinong usapan. Ayos tayo basta hindi nasasaktan ang anak ko. Malinaw?"

"Opo! Pangako!"

Tukayo (Vaklas Book Series Pt. 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon