2

77 6 1
                                    

LISANNA

"Take care for your journey, Lisanna." bilin saken ni mommy at saka niya ako dinampian ng halik sa noo.

"I will mom." magiliw kong tugon at saka ko siya ginantihan ng yakap.

"By the way, ilang buwan ka mag iistay doon?"

"I don't know mom. Tatawagan ko na lamang po kayo. Huwag kayong mag alala."

"Sige, sigeh. Ikamusta mo nalang ako sa anak ni Ging at sa pamilya niya doon."

"No problem mommy. Makakaasa kayo." niyakap naman ako ng  mahigpit ni mommy at saka marahang hinagod ang aking mahabang buhok.

"Mamimiss ko ang mansion natu." piping bulong ko sa aking sarili at pinagmasdan ng ilang minuto ang lilisanin ko nang tirahan.

Masaya akong napabuntunghininga bago ko isinarado yung gate.

Sa wakas ay nabigyan na ako ng pagkakataong makapaglakbay sa sarili ko. Excited na akong makilala ang pamilya ni tiyo Ging lalo pa't hindi ko pa nakikilala ang kanyang anak. Anu kaya hitsura ni Gon?

Mga isang oras rin ang naging byahe ko sa kotse bago pa ako nakaabot sa airport. Kailangan kong sumakay nang isang air ship bago pa ako makaabot sa katapat na isla ng Whale Island. At pagkatapos kung makababa sa lugar na iyon ay saka naman ako maglalayag. Oo, sasakay pa ako ng barko bago ko pa maabot ang mismong Whale Island. At pagkatapos ay maglalakad pa ako ng ilang kilometro hanggang sa makakita na ako ng isang bahay na nakadikit sa isang malaking puno. Iyon na daw ang bahay na hinahanap ko.
Tandang tanda ko pa talaga ang mga direksiyong ibinigay sa akin ni mommy. Dahil nakapunta na rin siya doon noong nawalay ang ina ni Gon. At kapwa mga sanggol pa lamang kami noon kaya hindi na ni mommy naalala kung ano na yung hitsura ng pinsan ko dahil syempre, ilang taon na rin ang lumipas magmula nang mangyari iyon.

Masaya akong pinagmamasdan ang mga ulap mula dito sa bintana. Kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa isang air ship. Nasa high class level rin ang tinutuluyan kung kwarto rito dahil sa hunter liscenes ko. Ilan lang yan sa mga advantages kung magiging isang pro hunter kana.

At sa wakas ay nakalapag na rin ang air ship na sinakyan ko ngayon. Mahigit walong oras ang ibinyahe ko mula sa York New City. Kaya gabi na nang dumating ako rito. Mga nasa alas sais na siguro ang oras ngayon base sa paglubog nang araw kanina.

Naghanap muna ako nang mga restaurant o fastfood chain na maaari kong mapagtuluyan sa lugar na ito. Nag order ako nang mapaghahapunan ko at pagkatapos kung kumain ay saka na ako nagpahinga.

Nagtanong tanong naman ako sa mga taong nakakasalubong ko kung saan naroon ang daungan nang mga barko at anong barko ang maaari kong sakyan patungong Whale Island. At hindi rin naman ako nabigo.

Hindi sana ako pasasakayin ng kapitan sa kadahilanang bata pa daw ako at wala akong kasamang gagabay sa aking pupuntahan. Baka daw mapano ako at sila ang mananagot. Pero nang ipinakita ko sa kanila yung hunter license ko ay hindi na rin naman sila umangal at ibinigay sa akin ang kwartong nararapat kung matutuluyan.

"Nasa Whale Island na tayo." rinig kong anunsyo ng kapitan nang barko. Agad na akong nagmulat ng mga mata at saka nag unat. Sobrang haba na pala nang naging tulog ko kaya hindi ko na namalayang nakaabot na pala kami.

Napangiti ako nang mapadungaw ako sa bintana. Umagang umaga na pala. Isang buong gabi pala ang naging byahe ko rito sa barko.

Dali dali ko nang niligpit ang mga gamit ko bago ko isinakbit sa magkabilang balikat ang aking kulay dark blue na bag. At saka na ako nakisabayang bumaba sa mga kapwa ko pasahero.

I didn't even expected na nakarating na talaga ako rito! Grabeh, sobrang ganda nang islang ito. Isa itong probinsiya.

Excited kong isinuot ang hoodie ng jacket ko at saka na ako nagsimulang maglakad.

Ito ang matagal ko nang inaasam na lugar. Tanging awit lamang ng mga ibon, pag ihip ng hangin at ang nakakaliw na tunog nang nagraragasang tubig sa ilog ang aking naririnig. Napakatahimik nang lugar na ito. Idagdag mo pa ang mga iba't ibang hayop na iyong makikita sa paligid. Mga kunehong tumatalon talon, ibong nagliliparan sa mga sanga ng kahoy, mga paru parung nagsasayawan sa mga bulaklak, at mga aso't pusa sa mga kabahayan na aking nadadatnan.

This is like a paradise!

Wala akong ibang ginawa kundi ang magpatuloy sa paglalakad at ang humanga sa aking mga nakikita. Napakalaking kaibahan nito sa siyudad, sa York New City. Tanging ingay at ugong lamang ng mga sasakyan ang naririnig mo roon at mga nagtataasang gusali ang yung makikita. Napakalaki ng deperensiya.

Mga ilang minuto rin ang naging paglalakad ko sa may dike rito sa tabing ilog hanggang sa makalampas na rin ako rito. Ngayon ay nasa mabundok at liblib na lugar na ako dumadaan. Nagtataasang mga punong kahoy at malamig na simoy nang hangin ang bumungad saken. Panay libot naman ng aking mga mata ang aking ginagawa at nagbabakasakaling may makikita akong malaking puno.

Tinanghali na rin ako sa paglalakad. May mga iilang tao rin naman akong nasasalubong kaya nagtanong tanong na rin ako kahit papaano.

Parang nagkamali ata ako nang iniisip. Akala ko kase mga ilang kilometro pa ang lalakarin ko bago ko mahanap yung bahay nila tiya Mito. Pero parang ginagabi na ata ako ngayon sa paglalakad.

Unti unti nang binabalot ng dilim ang buong paligid. Pero as a hunter, hindi na ako nababahalang maabutan o makatulog rito sa daan.

Nang tuluyan ng inagaw ng dilim ang buong paligid ay saka ko na napagpasyahang huminto na lang muna sa paglalakad. Magpapalipas na muna ako rito sa lilim ng puno malapit sa may ilog at bukas na bukas na ako magpapatuloy.

Antok na napamulat ako ng aking mata nang maramdaman kong may kung sinong nangingiliti sa aking taenga.

Dahan dahan akong napabalikwas sa aking kinaroonan.

"Aray, ang sakit ng katawan ko." napareklamo ako ng makaramdam ako ng pamamanhid nang buo kong katawan. Napapikit ako. Ngayon lang mag sink in sa utak kong nandito pala ako nakatulog sa lilim ng puno. Sadyang hindi pa talaga ako sanay sa ganito.

"Hahayy." sabay unat ng dalawa kong kamay at umayos ako ng upo bago pa antok na sumandal sa puno.

Hindi pa gaanong maliwanag ang buong paligid. Nasa mga bandang alas kwatro pa ngayon ng madaling araw.

Tuluyan na akong napamulat ng mata nang maramdaman ko ang bagay na kanina pa narito sa aking tagiliran.

"Wahh your so cute."

Isang puti at maamong kuneho pala ang gumising sa maganda kong umaga.

Marahan kong hinimas ang kanyang balahibo at masaya ko itong niyakap. Ang lambot ng mga balahibo niya.

Maya maya rin ay kumawala na ito at saka nagtatalong umalis. Sadyang tinamaan pa ako ng antok ngayon kaya napaidlip na muna ako ng kaunti at tuluyan na nga akong nakatulog ulit.

Napaungol ako nang maramdaman kong may sumundot sundot sa aking mukha. Napa half open ako ng mata at gulat na napa upo nang bumungad sa akin ang isang imahe nang tao. Kinusot ko ang dalawa kong mata para maging klarado sa akin ang lahat.

Dalawang lalaki ang bumungad na nasa harapan ko.

"Hey, what's wrong with you? Bakit niyo sinusundot sundot yung mukha ko?" inis na tanong ko sa kanila.

Killua's Lovestory (Hunter X Hunter Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon