KILLUA
FLASHBACK
Dalawang taon na mula nang matapos yung misyon naming lahat sa NGL, ang mga Chimera Ants. Sa dalawang taong yun, kayraming mga nangyari. Nang dahil sa pinsalang natamo ni Gon sa pakikipaglaban ay naospital siya. Labis na lungkot ang naramdaman nang lahat ng hunter para sa kanya, lalo na ako. At nung mga panahon ding yun itinakas ko si Alluka sa mansion upang mailayo kay Illumi, ang nakakatanda kung kapatid. Si Alluka naman ay ang nakakabata kong kapatid. May split personality siya, si Nannika. Nung itinakas ko si Alluka/Nannika, wala akong ibang planong puntahan kundi ang ospital kung saan naroon si Gon. Nang dahil sa kapangyarihan ni Nannika na tuparin ang hinihiling nang isang tao kapalit nang isa ring kahilingan, hiniling ko sa kanyang pag galingin si Gon at hindi nga kami nabigo.
Nung panahon ding iyon, ginanap ang election sa Hunter Association. At sa wakas din, doon na unang nakita ni Gon si Ging.
At sa dalawang taong din iyon ay hindi na kami nagkasama ni Gon.
Ipinangako ko kase kay Alluka na ako mismo ang proprotekta sa kanya. Hindi ko hahayaang gamitin ni Illumi si Nannika para sa pagtupad nang mga kahilingang wala namang magandang naiidudulot.
Malayo kami ni Gon sa isa't isa pero nagtatawagan din naman kami sa telepono. Pero hindi maipagkakailang nangungulila ako sa presensiya niya. Mas masaya parin kung tunay kaming nagkakasama at masaya kaming nagkukwentuhan.
At lumipas pa ang ilang mga buwan ay nalaman ko na lamang na umalis si Illumi. Tuluyan na siyang hindi umuuwi sa mansion namin, ewan ko kung saang lupalop ba siya nang mundo naroroon pero ang mahalaga ngayon ay malayo na siya kay Alluka.
At sa pangalawang pagkakataon ay nag usap na naman kami ni papa. Ito yung tipong usapang tulad noong dati na kami lamang dalawa.
Tinanong niya ako kung namimiss ko na ba ang aking mga kaibigan at dahil malaki ang pagtitiwala ko kay papa, sinabi ko sa kanya ang totoo.
Nabigla pa ako nang sabihin niya sa aking bumalik na daw ako sa mga kaibigan ko at ipapaubaya ko na sa kanila si Alluka. Ipinangako saken ni papa at ni lolo na sila muna ang hahalili sa pagproprotekta sa nakakabata kung kapatid lalo na at tuluyan nang nawala ang bakas ni Illumi sa mansion. Ito na ang pagkakataon kung mabisita ang aking mga kaibigan, tugon ni papa saken.Masaya ako sa naging alok saken ni papa, at ipinangako ko sa kanilang babalik rin ako sa mansion at kukunin ko si Alluka.
END OF FLASHBACK
Hindi ko man lubos na maisip pero heto ako ngayon at masayang kasama si Gon. Hindi rin naman ako nawawalan nang contact sa pamilya ko at ibinilin ko sa kanilang ibabalita saken kaagad kung sakaling hindi namin aakalaing magbabalik si Illumi sa mansion.
Gabi na ngayon at nasa kwarto na kami ni Gon. At si Lisanna naman ay nagpaalam munang lumabas.
Masaya kaming nag uusap nang bigla naming maramdaman ang kakaibang aura na nasa paligid. Natigil kami sa pag uusap at kapwa pinakiramdaman namin ang aura'ng nagmumula sa labas. Nasa malayo ang pinagmumulan nang aura pero klaradong klarado samin ang malakas na kapangyarihan nito.
Alam kong pareho kami ngayon ng iniisip ni Gon.
Walang ibang may gawa nito kundi si Lisanna.Kapwa napatingin kami ni Gon sa higaan ni Lisanna.
At saka naman kami nagkabalingan nang tingin sa isa't isa."Gon." banggit ko sa pangalan niya.
"Oo Killua, malakas rin ang kapangyarihan niya." tugon niya na nakuha agad ang nais kong sabihin.
Sandali ring nanatiling pinapakiramdaman namin yung aura nang bigla na lamang mas lumakas ito.
May nangyayari bang masama kay Lisanna?
"Killua, tara puntahan natin si Lisanna." biglang tugon ni Gon. Nalaman niya rin agad ang iniisip ko. Nababahala kase kaming baka may nangyari sa kanya kaya nagkakaganito.
Eksakto namang nang hilain ako ni Gon ay bigla na lamang humina yung aura at maya maya rin ay tuluyan na itong nawala.
Kapwa natigilan rin kami.
"Nawala na Gon." tugon ko sa kay Gon.
"Oo, baka nag eensayo lang siya." saad naman niya.
Kapwa bumalik na kami sa higaan nang maramdaman naming papalapit na ang presensya ni Lisanna sa kinaroonan namin.
Nagkatinginan kami ni Gon at balisang nagbaluktot nang kumot at ipinikit na agad ang mga mata.
Malalagot ba kami kung malaman niyang pinapakiramdaman namin siya kanina. Eh wala namang-
Engot lang. Bakit kami nagtutulugan ngayon ni Gon.
Narinig ko na ang pagsarado ng pinto nitong silid at naramdaman na namin ang presensiya ni Lisanna.
"Hoy Killua, Gon. Humayo nga muna kayo diyan, hindi pa naman kayo natutulog eh." biglang sabi nito.
LISANNA
Natatawa namang bumangon ang dalawa. Kinuha ko yung bag ko at saka ko kinuha sa loob yung sulat na ipinabigay saken ni tiyo Ging kay Gon.
"Gon, yung sulat nga pala oh. Muntik ko nang makalimutan." wika ko at saka ko iniabot sa kanya.
Kapwa nakaupo at nagkakaharapan kami ngayong tatlo sa mga higaan namin.
"Oo nga pala, nakalimutan ko ring ang bagay na ito." sabi ni Gon at saka niya naman kinuha ang iniabot ko sa kanya. Nakapaloob ito sa isang maliit na kulay puting sobre.
Kapwa nakatingin lang kami ni Killua sa kanya habang binubuksan niya ito."Basahin mo na Gon." tugon naman ni Killua.
"Oo." at saka naman tumango si Gon.
Nanatiling naka tingin lang kami ni Killua sa kanya habang tahimik niyang binabasa yung sulat. Nakangiti naman siyang bumaling samin nang tingin pagkatapos.
"Ouh ano Gon?" tanong ko.
"Anong sinabi ni Ging?" sunod naman na tanong ni Killua.
"Ipinakilala ka lang naman ni Ging sa sulat, Lisanna." tugon niya kaya hindi ko tuloy maiwasang mapakunot ng noo.
Sa kahaba haba nang panahong iniingatan ko yan para hindi ko mabasa, tas yung lang naman pala yung laman.
"Yun lang?" bagot ko naman na tanong.
Nagkamot naman nang ulo si Killua.Ilang saglit namang tumahimik si Gon bago niya seryosong binalingan nang tingin si Killua.
"Nabanggit niya rin ulit dito sa sulat, ang Dark Continent." seryosong tugon ni Gon.
KILLUA
Nabigla ako sa huling sinabi ni Gon.
Ang Dark Continent.
Kani kanina lamang ay pinag usapan namin ang bagay na iyan. Naikwento saken ni Gon lahat nang pinag usapan nila ng kanyang ama nung nasa World Tree sila. Ipinaliwanag niya rin ang lahat patungkol dito.
Ang Dark Continent.
Ang malaking mundong kinalalagyan nang mundong aming kinaroonan ngayon. Iyon ang mundong pinanggagalingan o tinitirhan ng mga kakaibang nilalang tulad na lamang nang mga chimera ant na nakalaban namin noon.At bilang mga hunter, marami nang nais tumuklas rito sa kabila nang mga panganib na naghihintay.
At iyan rin ang kasalukuyang pinaplano namin ni Gon sa ngayon. Iyan ang susunod naming misyon.
Pero wala pa kaming tiyak na plano sa ngayon. Kinakailangan pa naming bumalik sa syudad para makausap sina Kurapika at Leorio para dito.
LISANNA
Napataas ang kilay ko sa dalawang tu na seryosong nagkakatitigan sa isa't isa. Tila ba na nag uusap sila sa pamamagitan nang kanilang mga mata.
Wala akong maintindihan.Anong Dark Continent?
Tila ba may dumaang anghel sa pagitan naming tatlo sa labis na katahimikan. Bigla na lamang naging seryoso ang mukha ni Killua nang banggitin ni Gon ang salitang yun.
Bakit?
Ano bang meron sa Dark Continent?
BINABASA MO ANG
Killua's Lovestory (Hunter X Hunter Fanfic)
FanfictionCurious about Killua's Lovestory? Then read it.