KILLUA
"Tiya Mito bakit hindi niyo po sinabi sa akin na may pinsan pala ako sa York New City?" tanong ni Gon kay tiya Mito na kasalukuyang hinahanda yung hapunan namin sa lamesa.
"Eh hindi mo naman ako tinanong." natatawang tugon naman ni Tiya Mito.
"Eh hindi ko naman naisip na itanong yun sa inyo."
"Oh kasalanan ko ba yun. Hahahha."
Inilapag na ni tiya Mito yung mga pagkain at saka na siya humila nang upuan katabi ni Lisanna. Nakaupo naman ako sa tabi ni Gon at nasa harapan naman namin sila tiya Mito at Lisanna.
Hindi ko maiwasang paulit ulit kong maigalaw yung kilay ko paitaas dahil may pulang sili na namang nakahain sa hapag kainan.
Sinabing ayaw ko talaga sa sili. Tinitigan po nga lang yung sili eh nagkakandaloko na yung sikmura ko."Oy Killua, hinihiwalay mo na naman yang sili sa sauce." saway saken ni tiya Mito nang mahuli niya yung ginagawa ko.
"Ayaw ko nga sa sili eh. Napaka anghang niyan! Ahhh!"
"Subukan mo lang kaseng kainin yan Killua. Masarap naman yang sili eh at isa pa, nakakapagpalusog yan nang katawan. Hahahha. Diba Gon?"
"Ah, eh. Hahahha." natatawa namang reaksiyon ni Gon.
Sabing ayaw ko sa sili eh.
Pinasadahan ko nang tingin si Lisanna na tahimik lang na kumakain. Sadyang nakikinig lang siya sa mga pag uusap namin.
Napalunok pa ako nang laway nang agaran niyang salubungin yung tingin ko. Anong bang meron sa babaeng tuh ang lagkit ng mga tingin niya.
Nag iwas ako nang tingin at ibinalik ang aking atensiyon sa nang aasar na sili-
LISANNA
Nanatiling nakikinig lang ako sa pinag uusapan nila habang kumakain.
Parang may kung anong kalokohan naman ang pumasok sa isip ko nang malaman kung ayaw na ayaw ni Killua sa sili. Hahahah.
Hindi ko tuloy maiwasang mapagtripan siya ngayon.
Pasensya na talaga Killua. Susubukan ko lang naman kung tatalab ba ito sayo.Nang salubungin ko yung tingin niya.
*Neon eyes activated
"Wahhh tiya Mito, tubig!! Tubig!! Bakit ang anghang nang chocolate cake ninyo!!"
Halos magdurugo na yung pang ibaba kong labi sa ginawang pagkagat ko nito para mapigilan ko lamang na matawa. Hahahha. Nakakatawa talaga yung mukha ni Killua kung nakita niyo lang sana.
Ikaw ba namang kumain nang tatlong piraso nang sili nang sunod sunod. Tapos akala mo pa chocolate cake yung kinakain mo. Hahahha, oh diba nakain mo yung sili nang walang kahirap hirap.
"Anong chocolate cake ba eh sili nga yang kinain mo eh!" natatawa namang wika ni tiya Mito.
Si Gon naman ay natatawa na rin kay Killua. Nakangiti pa itong bumaling ng tingin saken. Sigurado akong alam na niya kung ano ang nangyayari.
KILLUA
Hanggang ngayon pilit ko paring iniinda yung anghang nang tiyan at lalamunan ko. Sobrang weird kase nang nangyari.
Pagbalik ko kase nang tingin sa sili kanina eh akalain mong naging chocolate cake yun. Syempre, yun yung pinaka paborito kung pagkain kaya sinubo ko agad. Pero nang makaramdam ako nang anghang eh dun ko lang napagtantong hindi pala chocolate cake yung kinain ko kundi tatlong piraso nang pulang sili.Arghh! Nakakaasar talaga!
May hinala ako kung sino ang may gawa nun pero hindi naman ako sigurado.
BINABASA MO ANG
Killua's Lovestory (Hunter X Hunter Fanfic)
FanfictionCurious about Killua's Lovestory? Then read it.