LISANNA
"Tiya Mitooo!!" nagsisigaw na tawag ni Gon kay tiya Mito kahit na nasa malayo pa kami.
Tanaw na tanaw ko na mula rito yung malaking puno na may nakadikit na bahay mula roon. Sigurado akong iyon na nga ang bahay nila Gon.
"Tiya Mitooo!!" pag uulit na naman na sigaw niya habang nagkakaway kaway. Sadyang sabik na sabik niya lang talaga akong ipakilala kay tiya Mito at sa lola niya. Kinakabahan na tuloy ako.
Sa pagkakataong tu'y kitang kita ko na ang kabuuan nang bahay. Simple at gawa lamang sa matitibay na kahoy ang bahay nila. Natuon ang tingin ko sa isang babaeng may maikling buhok at nakasuot nang kulay pink na bistida. Nagsasampay siya nang mga damit sa tila rooftop nang bahay nila.
Siya na siguro si tiya Mito."Tiya Mitoo!!" hingal na tawag ni Gon kay tiya Mito at agad rin siyang sinalubong nito. Tumakbo kase siya kaya naunahan kami ni Killua.
"Ano kabang bata ka, bakit ka naman nagsisigaw diyaan." saway naman nito kay Gon.
"Hahaha. Tiya Mito may ipapakilala po kami sa inyo." pagsisimula naman ni Gon. Nanatili kase akong nasa likuran ni Killua.
"Ha, sino?!" rinig ko namang tanong ni tiya Mito.
"Lisanna, lumabas kana diyan." natatawang bulong saken ni Killua. Kaya dahan dahan kong pinihit ang sarili ko para humarap sa kanila.
"Magandang umaga po sa inyo tiya Mito." buong galang na wika ko habang nakayuko. Kinakabahan kase.
"Lisanna ba ang pangalan mo iha?" biglang tanong nang isang matanda na ngayo'y nasa tabi na nila Gon at tiya Mito. Siya ang lola ni Gon.
Tumango naman ako at saka ngumiti.
Nakita ko namang napaisip si tiya Mito nang ilang saglit.
"Lisanna? Ahmm.." hinayaan ko nalamang na kusa niya akong maalala.
"Ah! Oo nga, Lisanna. Tama! Ikaw ang nag iisang anak ni Hara na kapatid ni Ging. Ang laki mo na pala, Lisanna. Sanggol ka palang kase nung ipinakita saken ng mama mo yung pictures niya sayo nung pumunta siya dito."
"Hahaha. Opo, ako nga po iyon. Ikinagagalak ko po kayong makilala tiya Mito at sa inyo po lola." saka ako magalang na nagmano sa kanilang dalawa.
Masaya naman nila akong ni welcome sa bahay nila.
"O siya, siya. Killua at Gon magbihis na kayo. Ikaw rin Lisanna. Ituring mo lang na bahay mo ito ha, wag kang mahiyang sabihin kong may kakailanganin ka."
"Opo. Maraming salamat po tiya Mito."
"Oh sige na nang makakain na tayo nang pananghalian."
Itinuro saken ni Gon yung kwarto nila ni Killua. Humingi naman nang pasensiya sa akin si tiya Mito dahil sa iisang silid lang ang matutuluyan ko at yun yung kwarto nila Gon at Killua. Maliit lang kase yung bahay nila at dalawang silid lang ang mayroon. Sinabihan ko din naman si tiya Mito na ayos lang. Masasanay rin naman akong makasama ang aking pinsan at si Killua.
"Dyan mo nalang ilagay yung mga gamit mo Lisanna." tugon saken ni Gon at itinuro yung isang gawa sa kahoy na cabinet. Hinalungkat ko naman yung mga gamit ko at saka ko inilabas mula sa loob ang mga pagkaing dinala ko.
"Gon, pakibigay ito ni tiya Mito. Dala ko yan galing sa York New City." wika ko at saka ko ibinigay sa kanya lahat.
"Wow ang dami naman nito. Eh baka kakailanganin mo pa ang mga ito."
Napatawa naman ako nang marahan sa sinabi niya.
"Hahaha, tayong lahat lang din naman ang kakain niyan mamaya eh."
BINABASA MO ANG
Killua's Lovestory (Hunter X Hunter Fanfic)
FanfictionCurious about Killua's Lovestory? Then read it.