KILLUA
"Bakit Gon?" takang tanong ko sa kanya nang biglang tumigil siya sa pamimingwit nang isda. Kasalukuyan kase kaming nasa tabing ilog ngayon.
"Killua, may tao sa lilim nang puno. Hayun oh!" sabay turo. Sinundan ko sang banda nakaturo ang kamay niya. Oo nga, may isang taong nakahandusay roon. Hindi klarado sa amin dahil puro itim ang nakabalot sa kanyang katawan.
"Tara, puntahan natin." pag aya niya saken saka ako hinila.
"Ha, eh. Hwag nalang kaya. Baka mamaya eh, patibong yan."
"Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa kanya. Kaya tara na."
Ako rin. Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa taong iyon. Pero wala namang masama sa pag iingat.
"Ah ikaw nalang kaya." giit ko naman sa kanya. Sabay irap sa kabilang direksiyon.
Iritable niya akong tinignan sabay nagharapan kaming dalawa. Basta nasa ganitong sitwasyon kami wala nang iba pang solusyon.
"Jack en poy." sabay sabay naming tugon at nagbabato bato pick.
"Wahh talo na naman ako."
"Tarah na."
Pambihira talaga itong si Gon. Tinalo na naman ako. Kaya wala na akong nagawa kundi sumunod nalang din sa kanya sa paglalakad.
Nang nasa malapit na kami ay kapwa nagkatinginan kami ni Gon nang makumpirmang isang babaeng kasing edad lang pala namin ang narito't nakahandusay sa lilim ng puno. Nakasuot siya ng itim na jacket na may hoodie at pinarisan rin ng kulay itim na pantalon. Kaagaw agaw pansin ring ang kulay nang buhok na meron siya. Kung hindi lang siguro siya natutulog ay baka inakala ko nang namatay na ito. Eh malay ko ba-
"Hoy Gon, ano bang- Hoy! Tigilan mo nga yang ginagawa mo." halos pabulong na saway ko sa kanya. Eh sinusundot niya yung mukha nang babae. Ang kyut pa naman.
Hahaha, kalimutan niyo yung panghuli.
"Tatanungin lang naman natin siya kung anong ginagawa niya dito."
"Hintayin nalang kase nating magising siya."
Naku, lagot ka kapag nagising mo yan.
Diritsahang natigil siya sa pagsundot sa mukha nang babaeng nang bigla itong napaungol. Kamot ulong tumabi saken si Gon sa kinaroroonan ko.
"Naku, nagising na." bulong ko sa kanya. Narinig ko namang humagikhik siya nang tawa sa tabi ko. Loko talaga.
Nakita naming gulat na napaupo yung babae sa puno at kinusot kusot pa ang dalawa niyang mata para siguro maging klarado sa kanya ang lahat.
Halos mapigil kami sa paghinga ni Gon nang gulat na mapako niya ang tingin sa aming dalawa na nasa harapan niya lamang.
"Hey, what's wrong with you. Bakit niyo sinusundot sundot ang mukha ko?" inis na tanong nito sa aming dalawa.
"Ahahha pasensya na. Gusto ka lang sana naming tanungin kong anung ginagawa mo sa lugar na ito." kamot ulong tugon ni Gon sa babae.
Hay naku, isali ba naman ako.
"Nagpalipas lang ako dito nang gabi." mula sa pagkainis nang boses niya kanina ay napalitan ito nang malamig na tono.
"Ngayon ka lang namin nakita dito. May pupuntahan ka ba?" magiliw na tanong sa kanya ni Gon habang ako'y nanatiling tahimik lang sa gilid niya at nakayukong nakapamulsa.
"Oo, may hinahanap akong bahay sa lugar na ito." cold naman na sagot nang babae at saka nagpagpag nang pantalon at patayong isinakbit yung bag niya sa kanyang balikat.
"Kaninong bahay? Baka matulungan ka namin?" tanong naman nang katabi ko.
"I've been searching the house of Gon Freecss."
Kapwa nagulat kami nang sabihin niya yung kumpletong pangalan ni Gon.
"Hahaha, ako nga-
Hindi ko pinatuloy ang sasabihin ni Gon at inunahan ko na siyang magsalita. Hindi maaaring basta basta na lamang siyang magpakilala sa babaeng tuh. Baka kung ano pang gawin niya kay Gon kaya niya ito hinahanap.
"Bakit mo siya hinahanap?" diritsahang tanong ko sa kanya.
"Why would I tell you the reason if you two, didn't know him."
Nakks, ang wagas maka english nito.
"Kilala namin siya." Eh syempre itong katabi ko lang naman yung hinahanap mo. "Sige sabihin mo na yung dahilan kung bakit hinahanap mo siya?" pagpapatuloy ko pang tanong sa kanya.
"Nag iisang anak ako ng kapatid ni tiyo Ging Freecss at pinsan ko si Gon. Pinapunta ako ni tiyo Ging rito sa Whale Island para makilala ko ang anak niya at ibigay tung sulat sa kanya." detalyadong sagot nang babae.
LISANNA
"Yun ang dahilan kaya hinahanap ko siya." pagpapatuloy na sagot ko sa lalaking may mala niyebeng kulay ang buhok. He has the snowy white hair. Nakaka attact sana kaso mukhang masungit ang isang tuh.
"Wahhh, Gon bakit di mo sinabing may pinsan ka pala."
Biglang hagalpak nang tawa niya sabay hampas sa kanyang katabi. So it means. Siya si Gon.
"I-ikaw? Ikaw si Gon?" pautal na tanong ko na sobrang nagulat rin. Hindi ko aakalaing nasa harapan na ako nang mismong pinsan ko. He has that black hair at he wore that colored green na damit. While that snowy one wore a black jacket na pinatungan niya nang white shirt. He looks so cool sa suot niya.
"Hahaha, oo ako si Gon Freecss. Hindi ko aakalaing may pinsan pala ako. Hindi kase naikwento saken ni tiya Mito at ni Ging ang tungkol sayo. Nasurpresa tuloy kami." natatawa nitong sabi at saka na ako naunang nag abot nang kamay sa kanila.
"I'm Lisanna. Nice to meet you Gon."
at saka ko naman cold na binalingan nang tingin yung katabi niya."Kapatid mo ba siya Gon?" takang tanong ko.
Nginitian lang ako nang katabi niya saka nag wink. Wah! Pigilan niyo ko! Masasakal ko talaga ang isang tuh!
"Ha, hindi. Matalik ko lang siyang kaibigan."
"Ah." napatango naman ako at saka ako kusang humarap sa kaibigan ni Gon. Kusang nag abot siya nang kamay para makipag shakehands.
"Killua." tipid na tugon nito at saka ako nginitian. Tipid rin akong ngumiti sa kanya tanda nang pagiging kaibigan namin sa isa't isa.
KILLUA
Kapwa hindi pala namin alam ni Gon na may pinsan pala siya kaya nagulat kami nang magpakilala ito. Anak pala siya nang kapatid ng ama ni Gon na si Ging.
Kumbinsido naman ako sa mga sinabi ni Lisanna, yan daw ang pangalan niya. Masaya si Gon na nakilala niya ang kanyang pinsan at ganun rin naman ako para sa kanya. Dahil siyempre kaibigan ko si Gon at wala naman akong nakikitang masamang dahilang kaibiganin rin itong si Lisanna.
Pero halatang mahihirapan pa akong pakisamahan ang isang tuh, ganun rin kay Gon lalo pa't ngayon lang namin siya nakilala. Hindi kasi siya katulad nang babaeng anyo ni Biscuit na pala salita, o masasabi kong madaldal.
Ahh, naaalala ko na naman kung panu naging gorilla si Biscuit. Nakakainis!
Eh heto nga kami ngayon naunang naglalakad ni Gon habang nasa likuran naman namin si Lisanna na tahimik lang na nakasunod.
Mahihirapan akong asarin ang isang tuh.
BINABASA MO ANG
Killua's Lovestory (Hunter X Hunter Fanfic)
FanfictionCurious about Killua's Lovestory? Then read it.