Chapter 20 - Let's Talk and Let's Fight

26 0 0
                                    

Roda's PoV

Pupunta kami ngayon sa Club ng White Demon para kausapin. "Pre handa niyo yung mga baril niyo." Utos ko sa kanila.

Nasa biyahe kami ngayon. Kanina kasi ay naka-text ko si Alex Jay.

- Flashback -

Nakatulala lang ako dito sa kwarto ni Robert. Biglang nag-vibrate ang phone ko.

- SmS -

+639********* : Patay na ba si Robert?

*reply*

Me : Sino ka?

- send -

Sino kaya tong kupal na 'to. Nagreply ulit yung kumag.

+639********* : Alex Jay Madrid. Kinakamusta ko lang si Robert dahil kung buhay pa siya ay tutuluyan na namin siya.

*reply*

Me : Subukan niyong gawin yan lahat kayo mamamatay. Tigilan niyo na si Robert.

- send -

Kaka-badtrip na 'tong mga 'to ah.

Alex Jay : Baka nakakalimutan mo yung atraso niyo kay Boss? Di lang si Robert ang papatayin namin... lahat kayo. Pumunta kayo sa Club namin ng mag-usap tayo.

*reply*

Me : Hindi niyo kami mapapatay. Ilan beses niyo na ba kaming nasugod? Pero wala pa rin. Mga weak kasi kayo. Pupunta talaga kami dyan.

- send -

Tumingin ako kay Luigi dahil nagtanong siya.

- End of Flashback -

"Boss nakahanda na kami." Sabi ni Ron. "Baka pumalpak ka na naman nyan ah?" Sermon ko kay Ron. "Hindi ah." Sagot niya. Siguraduhin mo lang ah?

Malapit na kami sa Club. "Ba't ba tayo pupunta sa Club?" Takang tanong ni Luigi. "Makikipag-usap sa'kin. Kaya ko nga kayo sinama kasi pagtutulungan ako netong mga 'to eh." Pagpapaliwanag ko.

Nandito na kami ngayon sa club at nakita naming nandun na sila Nathaniel.

Tumingin ako sa likod. "Tago niyo lang yung baril niyo." Utos ko sa kanila. Tinago nila yung baril nila sa Coat, yung iba sa likod.

Bumaba na kami sa kotse at lumapit kayla Nathaniel. "Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko kay Nathaniel.

Ngumiti naman siya na may halong yabang. "Nasan si Robert? Patay na ba ang kaibigan niyo?" Tanong ni Nathaniel na may halong asar.

Tinignan ko 'to ng masama. "Ilan beses niyo bang tatanungin na patay na si Robert?" Asar na tanong ko. Lagi kasi tinatanong.

"Dahil gusto kong gumanti para lang sa asawa ko. Hindi lang naman si Robert ang papa--"

"Oo na. Hindi lang si Robert, lahat kami. Right boys?!" Tanong ko sa likod. "Yup." Sabay sabay nilang sagot at humarap kay Nathaniel.

Biglang nagbago yung emosyon ni Nathaniel. "Ano yun? Hahayaan ko lang ang asawa ko na walang ganti?" Tanong niya na parang nagagalit na.

Ngumiti naman ako na may halong yabang din. "Ba't ba gusto mong gumanti? Ang dami-dami pang babae dyan." Inis na sabi ko.

"Si Eris kasi hinintay kong magpakasal sa'kin. Ilang taon kong hinintay si Eris na mapakasal ko. Pero nung nasa akin na siya... nawala pa siya sa buhay ko." Sabi niya kami naman ay ngumingiti lang. "Tapos sasabihin mong maraming babae dyan? Papatayin niyo lang naman din pag nagkaroon ako ng bagong asawa." Dugtong niya pa.

12 Mafia Boys meets 12 Simple GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon